BTS 1. Man Hater

1.6K 196 212
                                    

Masigla pang dumating si Katey sa isang class na restaurant. Isa ito sa mga paborito nilang restaurant ng kaniyang Mommy.

"Table 6 po, ma'am." Nakangiting bungad ng isang babaeng empleyado kay Katey.

"Okay! Thank you," tugon niya dito. Tuloy-tuloy lang sa paglalakad ang dalaga na para bang saulado na niya ang lugar.

Beautiful, glamorous and rich kid ganyan maidi-discribe ang isang Kate Melody Yuson, Katey for short.

"Good day po, ma'am." Bati sakaniya ng isa pang lalaking empleyado pero sa halip na ngitian ay inirapan niya ito at pataray na hinawian nang buhok. She hate guys period.

Agad natanaw ni Katey ang kaniyang Mommy sa reserved table.

"Mommy!" Masaya niya itong kinawayan. Napatingin ito sakanya at nakangiti ding kumaway.

"Hi Mommy! Siguro babawi ka dahil hindi natuloy 'yung trip natin sa Paris 'no?! Hmp, pwede na rin. Pero promise me sa vacation tuloy na tayo sa Paris ha!" Sunod-sunod na wika ng dalaga pagkarating nito sa table.

"Ahm, Katey honey-"

Naputol sa pagsasalita ang mommy ni Katey ng tumikhim ang isang lalakeng sumulpot sa table nila. "Sorry to interrupt your conversation beautiful ladies."

Kunot kilay itong tiningnan ni Katey. "Who are you?" Asiwa niyang tanong.

"Honey," saway sakaniya ng ina. "Katey, he's Allen. Allen maupo ka," kinairita ni Katey ang malambing na tono ng mommy niya sa pagbanggit ng pangalan nito.

"Hi Katey. Nice meeting you, you're truly a photo copy of your mom," nagsimula siyang kausapin ng lalaking ngayon ay katabi na sa upuan ng mommy niya.

"What?? Don't call me Katey. We're not close. I don't even know you." Madiin niyang wika dito.

"Katey!" Napahiya sa inasta niya ang mommy niya samantalang nananatili lang kalamado ang lalaki.

"It's okay, Agatha,"

"Hmp! Sino ba kasi ang lalaking 'yan Mommy?! Masyado siyang feeling close!" But the truth is alam na ni Katey kung saan patutungo ang usapan. Nakukutuban na niyang may namamagitang relasyon sa dalawa, at hindi niya 'yon papayagan.

"Just calm down first Katey! Nakakahiya sa mga tao," saway sakaniya ng ina.

"Okay," sumingit ulit sa pagsasalita ang lalaki. "Your mom told me a lot of things about you Katey, and I understand your side. So I'll make it straight to the point. I'm your mom's boyfriend, and we're planning to get married soon."

"What?! No way!" Patayong pinalo ni Katey ng kamay ang table. Napatingin sakanila ang ilang customer at empleyadong nandoon, nagsimulang magbulungan ang mga ito dahil sa namumuong tensyon.

"Katey. Just keep calm," inabot ng ina ang braso niya at pilit na pinababalik sa pag-upo. "Hayaan mong magpaliwanag kami ng tito Allen mo. Just listen to us,"

"FOR WHAT?!" Tinapik niya ang kamay ng ina. "Ni hindi ko nga kilala ang lalakeng 'yan eh!" Padabog na sinuot ni Katey ang shoulder bag at inis na nag-walk out palabas ng restaurant.

When the Man Hater Fall (BTS)Where stories live. Discover now