“Ito po ba?” tanong ko para makasigurado.

“Oo, bakit? May iba ka pa bang binebenta? Yan lang naman hawak mo diba? Malamang yan ang tinatanong ko. Tinatanong ka na nga kung magkano para makabili ako. Sige na magkano na? makakabenta ka na nga ayaw mo pa?” litanya nung ale.

“Dami mo naman pong sinabe ale. Mukha po ba akong nagbebenta? Hindi ko po ‘to binebenta,” sabi ko.

“Hmpf! Bibilhan ka na nga ayaw mo pa. Kung ayaw ayaw mong kumita edi huwag. Makaalis na nga. Sayang lang ang oras ko sa pakikipag-usap sa tinderong ayaw naman kumita,” sabi pa nung ale bago tuluyang umalis.

Ay grabe! Wala akong masabi.

“Bata magka—” isa pa to.

“Hindi po ako nagbebenta!” putol ko sa kaniya.

Mukha ba talaga akong tindero? Ang cute ko namang tindero.

“Bata, bawal dito magtinda,” sita sakin nung guard. Pati ba naman guard? Hangkulit!

“Hindi po ako nagbebenta,” sabi ko.

“Sus, palusot ka pa. Bawal dito magtinda, dun ka na!” sabi pa.

AY GRABE!

“Kuya hindi nga po ako nagbebenta. May hinihintay lang po akong estudyante dito. Yung nililigawan ko po,” paliwanag ko.

Hihihi. Ang sarap sa pakiramdam na sabihing may nililigawan ako. Hihihi. Kasheee. Hihihi.

“HAHAHA! Aba toy, bagong palusot yan ah! Hahaha. Hayup! HAHAHA” Makatawa si kuya guard wagas. “Sige na umalis ka na.”

“Totoo po yung sinasabi ko. Hinihintay ko lang po si…” napatigil ako sa pagsasalita nang namataan ko si Krystal na papalapit sa akin.

HOOOMAAAYYY!!! Nilalapitan ako ni Krystal! Parang tatalon ang puso ko mula sa dibdib ko papunta kay Krystal. Hinding hindi ako magsasawang tingnan siya. How her straight brown hair bounces when she walks. Her captivating brown eyes that once you set your eyes on them, you’d never want look away. Her full lips.

“Siya… siya ang hinihintay ko. Ang destiny ng buhay ko,” out of trance kong sabi.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Krystal.

Natauhan ako bigla. Nakalapit na pala siya.

“Ah eh. Ano…” napatingin ako kay manong guard na humahalakhak sa dulo. “Nga pala… para sayo.” Inabot ko sa kanya ang dala ko.

“Ano yan? Anong gagawin ko diyan?” nakakunot-noo niyang tanong saka umismid.

“Ah, ano. F-flowers for you.” Bigla na namang humagalpak si manong sa dulo kaya napatingin ako sa kaniya saglit. Ano ba tong si manong, panira ng moment.

“Are you for real? Sa dinamidami ng bulaklak na ibibigay mo sakin ganito? Ano tingin mo sakin Basti, santo?” sabi niya saka tumalikod at naglakad papalayo.

“HAHAHA! Grabe ka boy! Seryoso ka palang ibibigay mo yan sa nililigawan mo? HAHAHA!” kumento pa ni manong guard sa gitna ng pagtawa. Ansaya niya ha.

Tiningnan ko nalang siya ng masama kahit na maluha-luha na ako. Tiningnan ko ulit si Krystal na pumasok na sa loob ng building.

Anong mali sa pagbibigay ko ng flowers sa kaniya?

Bakit hindi niya nagustuhan?

Akala ko ba paborito niya ang sampaguita?

========================================================================================================================

A/N:

wala bang magpapadedicate?... ok... ahaha... kung meron... PM niyo lang ako... wlang pilitan to... ays lang naman kung walang magpapadedic... hihihi...

A Man's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon