Nakatingin ako sa strings ng gitara habang patuloy lang si Sir sa pagtugtog nito. Sabihan niyo ng tanga ako, pero hindi ko mapigilang hindi siya tignan. Ang mga ngiti niya na lang ata ang nakikita ko sa bawat linyang inaawit ko. Ang ganda ng musika niya, ang ganda rin ng ngiti niya.


/Wag kang mag-alala
Di ko ipipilit sa 'yo
Kahit na lilipad ang isip ko'y torete sa 'yo
 /

Kasi naman. Sinabayan pa ako ni Sir sa refrain part ng kanta. Nagblend naman ang boses namin, sana pati puso, ganun rin. Kaya lang, imposible. Gusto ko na lang itawa ‘tong naiisip ko ngayon, kaya lang ayoko namang masira ang kanta namin.



/ Ilang gabi pa nga lang
Nang tayo'y pinagtagpo
Na parang may tumulak
Nanlalamig, nanginginig na ako /

‘Yung totoo? Bakit nilalamig ako. Sa tuwing napapansin kong nakatingin siya sa akin. Namumungay ang mata niya. Para bang ang sarap niyang tingnan. Hindi ko mapigilang hindi kiligin. Ang lapit kasi ng taong sobrang gustung-gusto ko.


/ Akala ko nung una
May bukas ang ganito
Mabuti pang umiwas
Pero salamat na rin at nagtagpo /


Muli, sinabayan niya pa akong awitin ang chorus…



/ Torete, torete, torete ako
Torete, torete, torete sa 'yo

(Repeat refrain)

Torete, torete, torete ako
Torete, torete, torete ako /

 

Kasing lamig ng boses niya ang posibilidad na hindi rin naman kami para sa isa’t isa. Ayos lang, ngayong kasama ko siya, gusto ko munang sulitin ang lahat ng oras at pagkakataon na nagkakasama kami. Sana hindi lang ‘to ngayong semester.

“Aba! May kantahan pala rito, hindi niyo man lang ako sinali!” ito ang pinaka-interrupting sa lahat ng interrupting na sinabi ni Rebecca. Pumasok na siya ng room, at mukhang nang-aasar ang ngiti niya habang sinasabi niya ‘yung interrupting words niya.

“Hi Bec,” at itinabi ni Sir Jael ang gitara sa tabi. “Alas-diyes na pasado, wala pa rin ba ang iba?” tanong nito sa kanya. Sana hindi pa dumating si Bec… :(

“Sir, balita ko, kausap sila ni Railey, este Sir Railey ngayon.”

“Pwede naman Rye na lang ang itawag mo sa kanya since tayong tatlo lang naman ang nandito sa room.”

“Ganon ba? Pwede bang hindi na lang rin ako mag-po sa’yo?”

“Uy Rebecca! Tumigil ka nga d’yan. Teacher pa rin si Sir Jael no!” singit ko sa kanila.

“Joke lang naman Roxanne! Ito naman, hindi mabiro!” sagot niya sakin.

“It’s okay Roxanne, tutal hindi naman nagkakalayo ang edad nating tatlo. Hahaha. ‘wag niyo lang akong bastusin kapag may ibang tao, pero kapag tayo lang, pwede ng maglokohan,” sagot niya samin.

“Ilang taon na po ba kayo Sir?” –Rebecca. Buti na lang magkasundo na sila.

“Twenty two na ko  bukas,” AGAD AGAD! BUKAS AGAD!

“Ang bata niyo pa Sir. Ilang taon ba kayo nag-aral?” tanong ko. Insert lakas ng loob.

“19 ako gumraduate ng college. Two years kumuha ng master’s. Heto, one year pa lang sa pagtuturo,” he answered. “So, ‘wag na kayong mahiya magpatulong kung may kailangan kayo regarding school stuffs.”

Malakas ang tawanan namin sa loob. Isa-isa na rin kasi kaming nagkaroon ng sharing regarding sa bawat buhay namin. Buti na lang, moderator si Rebecca, nagkaroon ako ng chance na malaman na wala palang girlfriend si Sir. :)

Maya-maya, biglang bumukas muli ang pintuan. Isa-isa nang nagsipasukan ‘yung co-members namin. Lima sila, kaya lang, unlike dati, medyo tahimik sila at hindi agad nagpapansin kay Sir Jael. Bakit?

Nang makapasok sila, nakita kong nasa dulo nila si Sir Rye. Seryoso ang mukha niya.

“Sir Jael, can we talk?” tanong niya kay Jael ko.

“Sure, why not?” ang sagot ni Jael na nakapagpakilig sa akin. :)

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon