I hurried up. Iniwan ko muna ang case na lalagyan ko ng white board marker at ng eraser. Then, bumaba na agad ako upang puntahan sila. Wala pa kaming officers, dahil bago lang kami sa college na ito. Medyo rush nga lang rin ang pagkabigay ng club na ito sa akin. Just right after the event last Friday. Ang dami na nga talagang nangyari.

Pumasok ako sa multimedia room. Then, nakita kong naroon na si Roxanne. Siya pa lang mag-isa. No wonder, 9:45 pa lang ng umaga. Maaga pa rin siya.

“Hi there,” I said habang inilapag ko muna ang dala kong gitara. Yes, I know how to play guitar. This was my past time when I was in college. Therefore, that was three years ago.

“Hi Sir,” I just noticed na hindi siya palaimik. In fact, tahimik siya na parang nahihiya. Ramdam ko, may gusto siya sa akin. In a way, halata kasi. Nararamdaman naming mga lalaki ang ganyang pakikitungo ng mga babae. Lalo pa nang nahuli ko siyang nakatingin sa akin sa canteen while drinking milk tea, at nang nakasabay ko rin siya sa FX last time. Halata kasi.

“You’re too early for our practice. 15 minutes pa before mag-ten ah,” I said. Para magkaroon naman kami ng topic. She was really shy.

“O-opo sir, nagkataon lang po na mabilis ang byahe," 

“Eh di ba may heavy traffic ngayon?”

“Uhm. Maaga po pala akong umalis ng bahay.” 

“I see. That’s good. Since wala pa tayong officers, and official members, ikaw na lang muna ang maging officer in charge until makahanap tayo ng sasali, ayos lang ba?”

Nang sinabi ko ‘yun, namula siya. “Y-yes po sir, wala pong problema,” ang tipid niyang sagot.

“Since wala pa naman ang iba,  gusto mo bang kumanta muna tayo?” I asked, randomly.

***

Roxanne’s POV

“… gusto mo bang kumanta muna tayo?” tanong niya. Ilan beses ba kong papatayin sa kilig ni Sir Jael? Una, kanina pa ako hindi makahinga sa bawat words na sasabihin niya. Para akong sinasakal sa kilig kapag nagsasalita siya. OA na kung OA pero hindi ko mapigilang hindi siya tignan. At inaaya niya pa akong kumanta? Nakakatuwa. :’) Buti na lang maaga akong pumunta ngayon ng school. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig, nakakapagpabago. Lahat gagawin mo magkaroon lang ng time para sa mahal mo. :)

Nang magsimula na siyang magstrum ng gitara, inumpisahan ko na ring tumingin sa kanya.

“Alam mo ba ‘yung torete? Pwede bang kantahin mo muna ‘yung first stanza?” tanong niya sakin.

“Sige po, Sir,” sagot ko habang nililipad pa ng hangin ‘tong puso ko. :)

Torete – Moonstar88

/ Sandali na lang
Maari bang pagbigyan
Aalis na nga
Maaari bang hawakan ang iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit ang iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit
Ang iyong mga ngiti
Sana ay masilip /

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon