"Reymond, nakikinig ka ba?" nagtatakang tanong ni Cabaron.

"Mukha ba akong nakikinig?" Huli na nang mapagtanto niyang maling mali ang sinagot niya, "A, e." Napakamot na lamang siya sa kaniyang pisngi, "Ano bang sabi?"

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Moncieller sa kaibigan. "May lagnat ka? Imposible 'yon. Hindi ka kaya marunong magkasakit!"

Natawa na lamang si Reymond sa pinagsasabi ng kaibigan, "Ulol!" Ang totoo niyan ay hindi talaga siya masyadong nagkakasakit. Ewan ba niya, sa kanilang lahat ay siya ang may pinakamalakas ang resistensya. Parte yata ito ng pagiging Ideal Man niya. Pati ang kaniyang katawan ay ideal, perpekto.

"Hello? Earth to PS? Itu-tour niyo pa po ako diba?" nakapameywang na reklamo ni Jennica.

"Kanina aayaw-ayaw," naiirita pa ring usal ni Oasis.

"Hindi ko naman alam na maganda pala rito, e," kagat-labing sambit ni Jennica sa napakasungit na si Oasis Patriar.

"Tss," mas lalong naiinis na saad ni Oasis, "Reymond maiwan ka na total mukhang hindi ka naman nakinig, the rest let's go."

Reymond's eyes widened, "What the—"

"Good luck bro," nakikisimpatyang sabi ni Christian na tinapik-tapik pa ang balikat ni Reymond.

Walang nagawa si Reymond kundi ang sundan nang tingin ang mga kaibigan na ngayon ay papasok na sa private elevator.

Umarko ang kilay ni Jennica. Hindi niya alam kung ano ang trip ng mga lalaking iyon at iniwan siyang kasama ang gwapong may brown-eyes-este ang taong siomai pala. Lumapit na lang siya kay siomai na mukhang gulat pa rin kaya ang ginawa niya ay iwinagayway niya ang kaniyang dalawang kamay sa tapat ng mukha nito at sinabing, "Hello! Tapos ka na bang mgulat? Pwede bang i-tour mo na ako?"

Napaatras naman ng bahagya si Reymond, nagtaka siya kung paano napunta sa tapat niya si siomai girl, nagteleport ba ito? Napailing siya sa naisip. I am responsible for this girl, bakit pa kasi siya ang pinili ko? Tsk. Pahamak na Christian, kung hindi dahil sa kanya ay hindi ito ang pipiliin ko., saad ni Reymond sa isipan. Ang totoo kasi niyan ay si Christian mismo ang nag-suggest sa kanya na ang mismong bagong salta ang piliin niya. Napakababaero talaga.

Napansin naman ni Jennica mukhang iritado na naman si siomai. She let out a heavy sigh and afterwards she smiled. Gusto niyang mag-sorry sa ginawa niya kanina, "Hey, Mr. Ideal Stone." Tiningnan lamang siya nito na para bang nasa likuran niya si Sadako, "Look, I am sorry for calling you such name. It's just that, uh." Sasabihin ba niyang sobrang gwapo nito at kailangan pa niyang kumbinsihin ang sarili na isa itong siomai? She snapped the idea baka lumaki lang ang maliit nitong ulo, "Kasi wala akong ibang masabi. Peace na tayo, Mr. Ideal Stone! Tsaka i-tour mo na ako, dali na!" Dahil sa excitement ay hinawakan niya ang kamay nito at pilit na hinila.

Nagulat na naman si Reymond at sa pagkakataong ito ay dahil sa biglaang paghawak ni Jennica sa kanyang kamay na mukhang wala lang naman sa dalaga pero sa kanya, Damn. Why can't I find my voice? And why does her eyes seemed to be familiar?

Napansin naman ni Jennica na nakabusangot pa rin ang binata kahit na nagsorry na siya rito. Ano bang problema ng lalaking ito?, bigla naman niyang naalala ang ginagawa sa kaniya ng daddy niya kapag nakalukot ang kaniyang mukha. Hmnn, masubukan nga?, Binitawan niya ang kamay nito at umatras nang bahagya.

Naningkit ang mga mata ni Reymond, sigurado kasi siyang may binabalak na hindi kanai-nais ang babaeng kaharap niya, "What are you doing?"

Jennica cleared her throat, naalala kasi niya na ito ang unang ginagawa ng ama, then she started . . . singing, "You're better than the best~ I'm lucky just to linger in your life~" Sinamahan pa niya ito ng sayaw.

Ang binata naman ay tiningnan lamang ang dilag na para bang tinubuan ito ng pakpak. "Anong ginagawa mo?"

"Malamang 'di ba kumakanta?" Jennica rolled her eyes.

Tumango-tango ang binata, "I thought you're declaiming."

Nalaglag ang panga ni Jennica at nahinto siya sa pagsasayaw.

"Pfftt—" tawa nang tawa ang binata habang pabagsak na umupo sa isang single couch. Tawang-tawa siya sa pagmumukha ng dalaga, "Now we're even!"

Sa halip na mainis ay natulala lang si Jennica. Tumatawa si Ideal Stone for heaven's sake! Right before her eyes ay tumatawa ang isang napakagwapong nilalang! Oh my! Noong nag-bagyo ng kagwapuhan paniguradong sinalanta ang lalaking ito., napailing si Jennica sa naisip at binigyan ng mental slap ang sarili. "Stop laughing! I-tour mo na ako!" saad niya sa binata saka tumalikod.

"Wait! Hindi mo man lang ba itutuloy ang pagdideclaime mo?" Mas lalong lumakas ang bulanghit nito.

Muling humarap si Jennica sa binata at pinaningkitan niya ito ng tingin, "You," may pagbabanta niyang sabi. She sighed heavily at pilit na kinalma ang sarili. Kasalanan niya naman din kasi ang lahat. "Let's go, ok? Gusto ko nang umalis sa lugar na ito. Pwede ba?"

"Hey!" tawag ni Reymond saka hinila sa braso ang dalaga para mapaharap ito sa kaniya. "Look, I'm sorry," he sincerely apologized.

Iniwas ni Jennica ang kaniyang tingin. Sobra kasi siyang na-aamaze sa kayumangging mga mata nito. Baka kasi mamaya ay dukutin niya ang mga mata nito at iuwi sa kanila. Oo, ganoon siya ka-amazed.

"But," Nagpakawala ng isang nakakalokong ngisi si Reymond bago nagpatuloy, "Anong pamagat ng pyesang idiniclaime mo?"

Pakiramdam ng dalaga ay umakyat lahat ng dugo niya sa kaniyang ulo at konting-konti na lang ay puputok na siya, "Bwisit ka!" huling sambit niya saka pinagpapalo nang dalang bag ang binata.



—-



Hello, readers!


If you liked this part, please do Vote. If you have something to say, please do Comment. If you can't do both, please do Share.


Love, SheIsLexa

The Philosopher Stones (Book 1)Where stories live. Discover now