Napahigpit tuloy ang hawak ko sa upuan.


"Pero nalaman yun ng mga shamans, the late shamans, nagkaroon ng matinding digmaan sa pagitan ng mga shaman at ng mga witches. Mananalo na sana ang mga witches pero may babaeng dumating na nagpabagsak sa kanila. Sa lahi naming mga witch at dinala kami sa itim na islang to. Malayo sa kabihasnan at malayo sa tao. Though we had the power, hindi namin kayang makalayo o makalabas ng islang to. Isa lang ang tanging paraan, ang dugo ng shaman na nagpabagsak sa mga witches." makahulugan siyang tumingin kay Blue saka ngumisi. "And I guess, the luck of the witches approached. Their key is here." nakakalokong sabi niya. Napatingin ako kay Blue na hindi nagbabago ang expression. Hindi ko maintindihan. The key?? Who is he talking about? Was it Blue???


"Asul... what does that mean?" naguguluhang tanong ko. Ayokong mag-assume pero nagiging kakaiba na ang takbo ng tibok ng puso ko. Nagsisimula na akong kabahan.


"Your brother is the key--"


"Where we can find your father?" napangisi siya dahil sa tinanong ni Blue.


"At the heart of this island. Where the witches are located." he's smirking from ear-to-ear. I hate this guy!!


"Asul, no! You can't go there! Let's go back! Meron pang ibang paraan para maibalik ang memorya ni mommy! Or better yet we can always create new and happy memories!" hinarang ko ang sarili ko sa harap niya. Tatayo sana siya pero pinigilan ko siya at hinawakan ng mahigpit sa balikat. "Asul!!!" natatakot na ako! Now I do understand what is totally going on! Is this the plan of Blue?! To bait himself?! No way! That can't be!


"Kae, get out of my way." seryosong sabi niya saakin na lalo ko lang ikinatakot. Pero hindi ako umalis sa harap niya at hindi ko siya bibitawan!! Kahit mag-away kaming dalawa dito!!


"Ayoko!! Ayoko, Asul!!"


"Kae." hinawakan niya ang dalawang kamay kong nakahawak sa balikat niya at pilit niyang tinatanggal yun.


"Please Asul. Wag ganito. Ipapahamak mo ang sarili mo. Please..." naiiyak na ako. Knowing Blue alam kong ipipilit niya ang gusto niya kahit anong makaawa ko dito. Pero ayoko namang may mangyaring hindi maganda sa kanya. No! Not Blue!


Hinawakan ni Blue ang mga kamay ko saka ako hinila para yakapin.


"Hush, Kae. I won't let myself hurt b'coz it will just cause you trouble. I am not letting my self do that." humiwalay siya saakin at ngumiti. Tinignan ko siya sa mata ng may pag-aalala padin. Nung hindi siya natinag sa binigay kong tingin, napabuga ako ng hangin.


"Oo na. Sige na. Palagi naman ikaw nasusunod kahit mas matanda ako sayo ng isang minuto eh." nakapout na sabi ko. He pinch my nose lightly.


"Thanks, Kae."


"Should I give the location now?" pukaw na pansin nung lalaki sa likod ko. Parehas kaming tumingin sa kanya.


"Yeah." tumayo ako at tumayo din si Blue.


The Vampire's Fangs 1&2(Completed)Where stories live. Discover now