Chapter 14 : My Slave

Magsimula sa umpisa
                                    


_______________


Evo's POV


"O c'mon Evo relax"


Shit naman, hindi pa din naalis yung kaba sa dibdib ko. Akala ko talaga may masama syang binabalak sa akin...Yun pala paglalabahin nya lang ako. Thank God at ligtas pa rin ako...

Hay kumukulo ang dugo ko sa kanya. Kitang-kita kung pinagtatawanan nya lang ako

Bweset na buhay to, hindi ko pa nararanasang maghugas ng plato, maglaba ng damit ng iba, tapos maging alipin at mutya-mutya ako dito . Hay pag ako nakaganti ay may mahirap pa talaga dito ang ipapagawa ko sa kanya...


Knock...knock...knock


Kumatok ako sa kwarto nya para kunin.ang mga laundry nya pero walang nagbukas ng pintuan...


"ENZO! Papasok na ako ah!?" bukas ang pinto kaya nagtuloy-tuloy ako sa loob ng kwarto nya. Sobrang laki at lawak ng kwarto nya...Ang dami pa nyang trophy at mga medals...Napansin ko rin may isang malaking black in white na pictures na nakasabit doon sa taas ng higaan nya...medyo unfimillar yung pictures pero maganda sya...


Isa-isa kung pinagdadampot ang mga damit na nakita ko sa ilalim ng kama nya...Hindi nga sya makalat pero medyo pabaya sa gamit.

Ilang sandali lang nahakot ko na lahat ang mga labahin nya sa kwarto..." Asan kaya si Enzo?" sa sobrang laki ng kwarto parang imposibling magkita kami dito no..

Nahiga ako sa kama nya...Medyo napagod ako eh. Pinikit ko ang mga mata ko at inunat ko ang mga kamay ko...Na-miss ko yung kama ko, gusto ko nang matulog. Bahagya kung pinikit ang mga mata ko. at laking gulat ko na lamang nag makita ko sa imagination ko ang mukha ni Kenzo. nakangiti at paarng inaakit ako, gaya ng lagi nyang ginagawa sa akin. So idecided na bumangon baka kung saan pa makarating tong imahenasyong kung to', at bak abutan pa ako ni Kenzo dito, dilikado ako doon, nasa kwarto pa naman nya ako.

_____________________

After a few hours....

Nasa ibaba ana ako noon at abala nang naglalaro , este naglalaba. Eh halos masira ko nga yung washing machine dahil di ko nga alam maglaba diba.

Maya-maya lang eh halos kumalas lahat ng laman ko sa buto ko dahil sa gulat

"Hoyyyy.....Bumili ako Ice Cream at Pizza kumain muna tayo!" bungad nya nang magawi sya sa laundry area ng bahay nya tapos sabay inabotan nya pa ako ng puting tshirt...

" Anu ba hwag mo nga akong gulatin" inis kung sabi sabay kuha noong inaabot nyang damit

"dalian mo na dyan"sabi nya sak tinignan ko sya

"Aanhin ko naman to? Lalabhan ko ba?" hinawakan nya ang kamay ko at hinila papunta sa kusina

"Sira, malinis yan"sagot nya kaay sumunod na lang ako sa kanya

_____________________

"Magpalit ka muna ng damit, dahil basang-basa ka, tapos sumunod ka kaagad sa living room!"naglakad sya at ginawa ko.ang sinabi nya

May mga slave palang tulad ko.Swerte pa rin ako dahil medyo mabait ang master ko, akalain mo binigyan nya ako ng pamalit at may merienda pa daw ako...So saan pa ako no...

My Monster Girl is a Gangster (PART 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon