31

3.7K 83 1
                                    

Roxanne's

Nakaupo ako sa harap niya ngayon. Nasa Hungry Hippo kami at kagagaling lang sa Sta. Rosa. Pinakita ko sa kanya yung mga pinalanunan kong stuff toys noong naghiwalay muna kami sa E.K.

" Tingnan mo oh. Nakuha ko yan sa darts! Ang cute di ba?" Sabi ko habang pinapakita sa kanya ang isang piglet stuff toy. " Hirap kaya maipanalo yan! I nearly broke my hand sa lakas ng pagkahit ko! Hahahaha!"

" Mas cute ka dyan.", sabi niya habang nakapalumbaba.

" Sus! Ang bolero ha! Aray!", he pinched my cheeks and giggled. Ang swerte ko nga naman. Ang gwapo ng boyfriend ko! Kahit isang oras ko siyang titigan hindi ako magsasawa eh.

But from his carefree face, he changed his expressions. Hinawakan niya yung kamay ko ng mahigpit. " Rox.."

" Yep?"

" Don't ever leave me kahit ano pa ang mangyari okay? Promise me."


Why do I have a feeling na parang may mangyayaring masama? Bakit kailangan niyang magsabi ng ganito? " Alam mo namang mahal na mahal kita. Hindi kita ipagpapalit. Wushuuu!", I told him while pinching his nose. " Seloso ka masyado sa mga stuff toys ko noh? Sila kasi nakakatabi ko gabi-gabi! Hahahaha!"

" Nakakasama ka nga nila, eh ako nakapasok na sayo." He smirked and ate his burger. Hinampas ko bahagya ang braso niya at tinakpan bunganga niya.

" Shhhh! Daldal mo!"

" Pogi naman."

Pagkatapos namin kumain, nagring ang phone nya. He looked at the screen first and there was a irritated expression. Nagkunot ang noo nya at nagsalubong ang kilay niya habang nakatingin sa screen bago niya iswipe.

" Yeah? Okay. Nasa SLEX pa kami. Okay. I will bring her..." Tumingin siya sa akin. ".. We will. Bye."

" Sino yun?"

" Dad. Is it okay for Tita na dalhin muna kita sa bahay? May pag-uusapan kasi tayo nina Dad."

" Payag yun. Text ko na lang siya."

Buong byahe na mukhang bothered si Troy. What's happening? May hindi ba ako alam? Did I just missed anything about his life? Sinubukan kong kausapin siya but I chose not to, baka naman kasi wala siya sa mood. By the look on his face, madami siyang iniisip. Hanggang sa hindi ko namalayan na pinaparada na niya ang BMW sa garahe nila.

Pagkababa ko sa kotse, sinalubong niya kaagad ako at hinawakan ng mahigpit ang kanang kamay ko.

Nang makapasok kami sa bahay nila, nakita ko kaagad si Tito na may kasamang matangkad na lalaki na halos younger version niya. Kahawig din ni Troy pero mas matanda lang.

" Hi,hija." Niyakap niya ako at pinaupo sa katabing sofa. " I would like you to meet Trevor, my eldest son."

Eldest son? Akala ko ba si Troy ang eldest? Teka nga..

Napatingin ako sa Trevor na sinasabi niya. Gwapo din ha, pero mukhang matured.

" Hi." Bati ni Trevor sa akin habang nakikipagkamay. I looked at Troy, mukha pa rin siyang troubled.

" Oh I didn't tell you na siya ang eldest ko noh? Sorry. Matagal na kasi siyang umalis sa Pilipinas to pursue his dreams in Europe. Ngayon lang siya nakauwi. "

Kaya naman pala hindi pamilyar ang mukha niya at saka wala naman siyang masyadong pictures sa bahay.

Nahuli ko si Trevor na nakatingin sa akin habang nakangiti. Anong meron? Bakit wagas siya makatitig? Tutunawin ba niya ako or what? Napatingin ako kay Troy na katabi ko lang. He held my hand tightly. Gusto ko sana syang tanungin kung ano ang nangyayari kaso nakakahiya sa harapan ni Tito.

Natapos ang awkward smiling moments nya nang dumating si Mama. Mukhang kakauwi lang galing sa trabaho, nakauniporme pa at medyo pawis. " Sorry na-late ako. Oh Trevor! Ikaw na ba yan? Laki mo na ah!"

Sandali nga. Paano nakilala kaagad ni Mama ang Trevor na ito? Eh bakit noong nakilala nya si Troy parang clueless sya sa pagkatao ng boyfriend ko?

" It's been a while, Tita." Niyakap nya si Mama. Nang lahat kami'y nakaupo na, huminga ng malalim si Tito at nagsimula nang magsalita.

" I would like all of you to know na I've changed the plan that we have before. Now that Trevor is here, he will be the one that you are going to marry instead of Troy. Since he is my eldest legitimate son, he is the rightful owner to my business and that means, siya ang pakakasalan mo."

Napatingin kaagad ako kay Troy. " Anong nangyayari, Troy?"

" Roxanne, I'm Dad's illegitimate son. Anak ako sa labas, anak ako sa secretary noon ni Dad. Since my Mom left me, pinatira na lang ako ni Dad sa bahay na ito. Trevor is my half-brother."

Is this even real? Maayos na ang usapan na si Troy pakakasalan ko and I love that idea. Tapos ngayon biglang change of plans na? Ano ito? Take two ng teleserye?

Napatayo ako. " Napaka-unfair naman po nito, Tito. Maayos na po ang usapan na si Troy ang pakakasalan ko. Mahal ko po si Troy! I cannot marry Trevor!"

Hinawakan ni Mama ang kamay ko at iniharap sa kanya. " Roxanne naman, pumayag ka na lang. Alang alang sa Papa mo."

" Do you even know what you're talking about? Ganoon na lang po ba kadali sa inyo tanggapin na magpapakasal ako sa lalaking never ko nakilala at hindi ko mahal? Ma naman!" Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. I don't care kung mukha na akong tanga pero hindi ito pwedeng mangyari!

" Si Trevor naman talaga ang dapat mong pakasalan mo, anak."

" Kilala nyo po si Trevor? How?"

" Siya ang batang lalaki na dumalaw sa libing ng Papa mo."


Flashback**

Maraming tao ang dumalo sa libing ni Papa. Akala ko nga hindi na ako makakahinga sa dami. May claustrophobia kasi ako noon sabi ni Mama. Takot sa mga closed places.

Habang nakatingin ako kay Papa sa kabaong, may kumalabit sa akin na batang lalaki. Mas matangkad sa akin at mukhang mas matanda din sa akin. " Papa mo ba siya?"

" Oo. Bakit?"

" Daddy told me that I will marry that man's daughter when I grow up."

****

" Hindi pwede! Hindi niyo ako pwedeng pilitin na mahalin at pakasalan ang taong hindi ko kilala!"

Umiiyak na lang ako habang nakatingin silang tatlo sa akin. I grabbed my bag at lumabas sa bahay. Sinundan kaagad ako ni Troy at hinigit ang braso ko. " Roxanne!"

I slapped him automatically.

" How dare you! So alam mo pala ang lahat! Alam mong magpapakasal ako sa iba? Para saan pa ang relationship natin?!"

" I didn't expect this too! Hindi ko nga alam na uuwi pala siya. Ang alam ko lang he was in Europe for good na and besides, huling balita ko kay kuya may girlfriend siya. Ngayon ko lang nalaman na..."

" Tama na! I've had enough of these secrets! Uuwi na ako!"

Hinatak nya ulit ako at niyakap ng mahigpit. Doon na ako naiyak lalo. Niyakap nya ako hanggang sa puro luha ko na ang polo nya.

" I won't marry him! I hate you for hiding this from me! I hate you, Troy Luis Herrera!!"

" Shhh. Tahan na. I'm so sorry, babe. I was so afraid na ikahihiya mo ako kapag nalaman mong anak ako sa labas. I love you, Roxanne. I wouldn't let anything or anyone stop OUR wedding."

" Nakakainis ka!", Hinampas ko ang braso nya habang umiiyak pa rin. " Wag mo akong ipamigay sa iba!"


" Never. Akin ka lang."

The Manila Charmers : TROYWhere stories live. Discover now