6

7.6K 159 1
                                    

She just stood beside me, breathing heavily and making the sign of the cross before the man went to us and attached the safety stuff.





" Sa una ka lang kakabahan, Ma'am. Parang first time lang sa sex. Hahahaha!", maberdeng pagbibiro nito. Namula naman ang babaeng katabi ko at hinampas ang lalaki sa braso.





" Grabe ka kuya! Umagang umaga sex kaagad?! Hindi ba pwedeng kabado lang ako kasi baka mamatay ako sa zipline na to?Hahahahaha!"





How can she be so vocal when it comes to this topic? This lady is so brave!! And what did she say? Baka mamatay sya?





Eh damay ako dito ha!








Bigla akong namutla at natahimik lalo. Namawis ang palad ko habang nakahawak sa harness.

" Okay ka lang kuya?", tumingin ang babae sa akin habang naka-superman position.

" Uhmmmm.."

" Kabado ka eh. I can see! Wag ka nang magdeny! Hahahaha!"

I looked at her and looked away. One minute she was so funny and then now.. nakakainis na siya!

Patience, Troy. Babae yan.





" Oh ready na ba kayo?"

" Huh?", humangin ng malakas kaya hindi ko masyadong narinig nang biglang pakawalan ang lock ng harness namin at biglang slide kami sa kable.

" WAAAAAAAHHHHHHHHH!!!" Rinig na rinig ko ang lakas ng intensity ng sigaw niya. Parang masisira ang vocal cords nya!





Tumingin ako sa baba ko. Puro puno tapos makikita sa side yung beach at shore. Tumingin ako sa kalangitan. Ang ganda. Hindi ko inakala na ganito pala kaganda ang kalangitan. Napangiti ako habang nakahawak sa harness.

Tumingin ako sa kaliwa ko, sumisigaw pa rin siya habang naka-superman pose. Tumingin siya sa akin at ngumiti. " ENJOY DI BAAAAAA????! HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" Umiling ako at iniwasan siya ng tingin.

So weird.

Yet so captivating.








Titingin pa sana ako sa kalangitan nang biglang tumigil ang zipline. Nasa dulo na pala kami. Nagmamadaling tinanggal ng mga lalaki ang mga harness namin. Tumayo kaagad ako at inayos ang khaki shorts ko. Tumayo din siya at pinagpag ang tshirt nya. She was all smiles, then she started laughing. Panay ang hampas niya sa braso ng mga lalaki at nagpapasalamat sa experience ng zipline.

" Hindi talaga ako magsasawa sa Zipline na ito Kuya Gary! Walang kupas! Kung pwede talaga buwan buwan o araw araw gagawin ko ito! Ang saya!!"

Nagsitawanan lang sila at panay apir sa babaeng katabi ko. She turned to me And pinched my arm, " Oh di ba ang saya mag-Zipline? Gusto mo pang umulit ano?"


Sinuot ko lang ang Rayban ko at lumapit kay Gary. " Pipila rin ba sa Zorb?"


" Ay hindi na po Sir Troy! Sabi po kasi ni Miss Charmaine unahin na kayo ni Ma'am Roxanne."


" Roxanne?"


The girl beside me looked surprised and offered her hand to me, " Ay sorry! I'm Roxanne. Hindi na ako nakapag-pakilala ng maayos kasi ang bilis ng mga pangyayari eh. Rox na lang for short." I looked at her and nodded. She put her hand on her shorts' pocket and smiled. " Ay, suplado..."











Pumunta na ako sa Zorb Ball area at lumapit kay Charmaine na kumakaway habang nakahawak sa sumbrero niya. Natapat pa kasing napakahangin. Well, kaysa naman nuknukan ng init. Might as well enjoy the fresh and cold breeze.

" Kamusta naman po ang Zipline experience, Sir Troy?", pambungad ni Charmaine sa akin.

" It was... Fun." ngumiti ako at nanood sa mga teenagers na nasa loob ng plastic na bola. Nakakabit pala sila sa loob nito at papagulungin ang bola sa maliit na burol. May laman na tubig ito sa loob kaya paglabas ng mga teenager mula sa bola,basang basa sila.

Para pala itong Jungle Log Jam o Rio Grande Rapids in a ball. Nakakamiss tuloy ang Enchanted Kingdom.

" Mabuti naman po nag-enjoy kayo. Being with Roxanne would be a lot of fun , were you with her?", tanong niya.

Sikat ba ang Roxanne na ito para maging kilala siya ng mga locals dito?

" Uhh.. Yes. Who is she?"

" She grew up here in Boracay pero lumipat sya ng Manila para mag-aral ng college. Simula noon, every summer lang sya napapadalaw dito. Yung nasa zipline na si kuya Gary,kapitbahay at malapit na kaibigan iyon ng kanyang ama. May God bless his soul. Napakabait po na bata yang si Roxanne, walang kaarte-arte sa mga bagay. Hindi nagbago, hindi katulad ng mga probinsyanang nalipat lang sa Maynila, nag-iba na ang ugali. Pero sir, hindi ko naman po nilalahat ha! May mga taga-Manila pa rin naman pong mababait at tapat!", natawa na lang ako nang biglang maging defensive si Charmaine. Kung sa bagay, tama nga naman siya.





I have experienced that for myself, hindi ako ang lumipat ng Manila, yung kababata ko na galing Laguna tapos lumipat sa Caloocan para mag-highschool. Paglipat niya sa Manila, itinuring niya akong hindi niya kilala. His life changed completely. He erased his memories from Laguna. Ngayon, ibang iba na sya sa kababata kong masayahin at matino.





" Nako napapasarap kwento ko sainyo, Sir. Turn niyo na po pala ni Rox. I hope you'll enjoy!", tumabi ito sa harang ng area habang pinapapasok kami ni Rox sa bola.


" Sure kang safe to?", sabi ko habang nasa loob ng bola.


" Sure na sure yang si Kuya Henry! Wag ka na ngang matanong! Just enjoy!", sabi niya habang tinatali ang sarili sa mga safety bands. Ganoon din ang ginawa ko. Nang sabihin nung Henry na itutulak na nya, huminga muna ako ng malalim at pumikit.

" Buksan mo mata mo! Hindi mo maeenjoy kapag nakapikit ka!!", sigaw niya habang paikot ikot kami.

Binuksan ko ang aking mga mata at nakita na paikot-ikot kami. Nasa taas ko siya then nasa taas naman niya ako. Basang basa na ang buhok namin habang tawa sya ng tawa. Nahulog na rin ang Rayban ko sa pag-ikot ng bola at hindi ko na napigilan ang sarili ko nang makitang mukha syang sisiw...


I laughed.


Nang tumigil ang pag-ikot ng bola agad naman niyang tinanggal ang mga safety bands niya at tinulungan ako.





Binuksan namin ang maliit ng bukasan ng bola at dumungaw para huminga ng fresh air.








" Grabe! Sayaaa!", sabi niya habang hinahawi ang buhok niya.








" Oo nga eh. Grabe!"





She looked at me and laughed.











I looked at her weirdly," Why? Anong nakakatawa?"





























" Nothing. Mas gwapo ka pala kapag masaya ka."

The Manila Charmers : TROYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon