16

4.4K 118 0
                                    

Roxanne's

Nakatitig ako sa phone ko habang naghihintay ng pagkain sa Sofitel Manila nang biglang mag-vibrate ito.

From: Mama

Nasa Manila ka na ba?


Bumuntong hininga ako at napangiti.

Ang kulit talaga ni Mama. Tinext ko naman kagabi na kauuwi ko lang galing Boracay at nasa Sofitel muna ako, hindi na siya napakali kakatext.

To: Mama

Opo. Uwi na po ako bukas. Iloveyou!

Sakto namang dumating ang pagkain ko. Agad akong nagpasalamat sa waiter at kumuha ng kakaunting piraso ng Sansrival nang biglang nagpakita sa harapan ko si Gee, bestfriend ko.

" Thank God nakauwi ka na! How was your Bora vacay? May nameet ka na ba? May boyfriend na? Ha?" She looked at me excitedly, waiting for my answer.

" Baliw kang babae ka. Anong boyfriend? Agad agad? Grabe!"

" Summer fling? Sino?"

" Summer crush,pwede?"


" Who?", umupo sya aa harapan ko at kinuha ang maliit na kutsara. Kumuha sya ng sansrival at isusubo na nya nang sabihin ko,

" Troy Luis Herrera."

Napabitaw siya ng kutsarita at napanganga.


" WHAT?! SERYOSO KA?! TROY LUIS HERRERA?!!!" Napatingin ang ilang mga tao na nagme-merienda sa dining area. Napatayo kasi itong si Gee at nakanganga talaga ang peg! Hinatak ko sya pababa at pinaupo.

" Lukaret ka! What's the big deal? Makasigaw ha! Grabe! "

" Di nga? Seryoso ka ba talaga Roxi?"

" Oo nga. Troy Luis Herrera nga. Bakit ba?"

" Anong bakit ba? Kilala mo ba yang sinasabi mo ha? Siya ang CEO ng Battens Corporation! SIYA ANG LAMAN NITO!! Baliw ka!", nilabas niya sa malaking shoulder bag nya ang April issue ng Candy Magazine. Binuklat nya sa pinakagitna.

Anak ng....


Ang gwapo.


" Demigod ang sinasabi mo! Siya ba ang nameet mo ha?", tanong ni Gee. I just nodded while looking at his photo.

Nakangiti siya sa camera habang nakapamulsa. Naka-polo siya at shorts, tapos naka-Sperry.

Kung gwapo sya dito, mas gwapo siya sa personal.

" Ang swerte mo naman! Grabe! According to this, hindi daw talaga sya palakwento na tao. Madalas napagkakamalan siyang suplado at he's been into 4 relationships pa lang! Grabe! Apat pa lang nakakakuha ng puso niya! Panlima ka!"

" What?! Baliw! Anong panlima ako?!"


" Kasi nameet mo sya!!Waaa!" Sabi niya habang pigil na pigil ang paghi-hysterical. " Bestfriend! Si Troy Luis Herrera na yan! Ano pa ba hinihintay mo?! Go na!"

" Bahala na. Langit sya, Gee. Putik ako. Nakikita mo ba yang mukhang yan? Yan ba ang magkakagusto sa akin?"

" UP graduate ka naman,maganda ka naman, mabait pa tapos hindi ka naman dukha. Ano bang inaarte mo?Pwede kayo! Walang imposible, Roxi!"

" Kahit na, sobrang yaman yan. CEO yan. For sure, di yan magkakagusto sa tulad ko.Pangfriendzone lang ang mukhang ito.", sabi ko habang tinatapik ang pisngi ko.

" Walang imposible!", paglaban pa din niya habang pinapakita sa akin ang isa pang picture ni Troy na mukhang nahihiya sa camera.

Nang ibaba ni Gee ang Candy Magazine, may dumaan na lalaki sa harapan ko. Nakatalikod si Gee kaya hindi nya napansin.

" Gee..."

" Ano?", sabi nya habang nagbabasa pa rin sa section nung interview ni Troy.

" Nandito siya.."

" Sino?"


" Si Troy."

" Nasaan?!" Sinundan nya ang mga mata ko at nakita ang lalaking nakatayo sa gilid ng area. May kausap na isa pang lalaki na naka-suit.

What happened next was unexpected. Tumayo kaagad si Gee at nagmamadaling naglakad papunta sa dalawang lalaki. Kinausap niya si Troy at bigla na lang na tumingin siya sa akin.


Sinundan ni Troy ang pagtingin sa akin ni Gee.


Nagtama ang mga mata namin.


He smiled at me while nodding.

Next thing I know, he was following Gee towards our table.

The Manila Charmers : TROYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon