3

8.5K 162 2
                                    

" Thank you very much for your time, Mr. Herrera. I hope you don't mind having an interview with us again in the future. Hahaha!", we both stood and she shook my hand as a sign of respect. The interview didn't take too long, mga 45 minutes lang yata yun. I was featured in Candy Guy Section, they just asked me about my life and work.

Same lang naman ang sagot ko sa lahat ng mga ganyang tanong, I love being the CEO of Battens Corporation. Hindi ko maipagpapalit ang anuman para sa korporasyong ito. I enjoy my life in Battens and because of this corporation, mas nakilala ang pamilya namin at ako mismo. I don't usually agree to interviews and photoshoots due to some paparazzis na umaaligid sa ibang studios. Pili lang talaga pinagkakatiwalaan ko, for example, Candy. Ang besides, Kate is my college friend, sino ba ako para tanggihan siya di ba?

" So after this, where are you heading?", tanong ni Kate sa akin habang nag-aayos ng organizer niya.

" Office,maybe."

" Oh live your life, Herrera. Hahaha! Kahit noong college tayo puro Battens iniisip mo. Pumarty ka naman minsan! Miss ka na ng mga kaibigan mong bugok!", sabi niya.

" Katulad ka pa rin ng dati," I said.

" Ikaw din naman ha. Mas lumaki nga lang eyebags mo. Hahahaha! Osiya sige, let me know if your life is changing na. Tandaan mo, maikli lang ang buhay. Live it to the fullest. Hindi lang sa Battens umiikot ang buhay mo, Herrera. Take care!", she hugged me and waved goodbye.

I smiled and opened my wallet. Nag-iwan ako ng 1,500 PHP para sa kinain namin at agad na umalis sa Starbucks.

-------

Nang makauwi ako sa condo, tinanggal ko kaagad ang sapatos ko pati ang suit ko. I changed from boxers and shirt, the usual. I turned on the TV and sat on the sofa. Agad na binati ako ni Rave, alaga kong shitzu.

" Oh baby. How are you?", Agad akong dinilaan sa pisngi ng aso at pinagsisiksan ang sarili niya sa hita ko. " Hahahaha! Baliw kang aso ka. Nakakakiliti! Stop it Rave!"

Nang tumigil na si Rave, bigla namang nag-ring ang cellphone ko.

Joaquin calling...

" Hello?", I answered

" Hey bro! What's up? Anything exciting happening in your life?", from the sounds of EDM, halatang nasa bar na naman ang lokong ito at nakikipag-party sa kung kani-kanino.

" Nothing much. Battens just got a deal with Toyota. Why?"

" Congrats bro! Nga pala, may black party dito, alam kong paborito mo ang black kaya tara na! Sunod ka na sa amin dito!"

" Kayo?"

" Well, ako lang pala! Samahan mo ako dito! Masaya dito! Hahahaha! Hey I need to....hang...up... May...chicks na paparating... Bye! Sumunod ka ha!"

Then the line went dead. Napailing na lang ako habang nakahawak sa batok ni Raven.


Hindi ka pa rin nagbabago, Joaquin Zamora. Ulol ka pa rin! Siya lang naman ang party boy sa grupo, maraming pera at maraming pinaglalaanan ng pera. Kadalasan sa pagpaparty lang niya yun ginagamit, minsan sa hobby niya, yung pagto-toy collection. Masaya na yun kapag nakakabili ng laruan sa ibang bansa para sa isang kwarto niyang puro collection niya. Sikat na model yan sa Pilipinas kaya hindi nakapagtatakang laging laman ng cameras,magazines at parties ang lokong yan.

If that was the way of living life to the fullest, well I will not enjoy it at all. Hindi ako pala-labas, I enjoy being at home and watching TV with Raven. Indoor sports lang ang alam ko at wala akong hilig pumarty gabi-gabi. Mas gusto ko pang nasa Battens kaysa sa kung saang saan parte ng Pilipinas.


Biglang sumakit ang ulo ko. Hayyy. Rest. Kailangan ko ng rest.

O baka hindi na pahinga katapat nito? Bahala na.

The Manila Charmers : TROYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon