24

3.9K 94 0
                                    

Roxanne's

Ilang oras nakatambay ang phone ko and luckily, pagkauwi ko galing sa simbahan fully charged ang phone ko.

I got a hold of my phone and was surprises with 15 missed calls and 30 messages.

All from the ever clingy and adorable crushie. *Landi ko! Grabe!*

Paulit-ulit lang naman ang text. Askinh me where I was, what I was doing, sino mga kasama ko, bakit hindi pa ako nagrereply.

Why so clingy,Troy Luis?

This must be very important para tawagan nya ako ng ganitong karami at mag-aksaya sya ng load para magtext. Oh yeah, naka-line nga pala sya so no worries sa load ang lolo nyo! Wala eh, RK ang peg.

Sakto naman na nung ilalock ko na ang phone, tumawag na naman sya

" Hello?"

" Where did you go? Bakit ngayon mo lang nasagot ang call ko?"

" Kalma! Nagsimba lang ako! Ano bang meron at napadami ang texts at tawag mo?"

" Be here after lunch."

Ano daw? After lunch? Bakit? Anong meron?

" Bakit? Anong meron?"

" Basta. Just come here at Starbucks. 1PM sharp ok?", may pagkabossy talaga ang dating ng boses nya. Boss naman talaga sya so fair enough.

" Ah.. Ok. Ano ba kasi meron?", kulit ng lola niyo di ba? Nakakaloka kasi! Sunday na Sunday, parang magpapa-emergency meeting siya! Ano ba kasi nangyari?

" Just stop asking questions. Sundin mo lang sinabi ko. Bye." Then he cancelled the call. Agad agad?! Ang suplado naman ngayon ni Mr. Herrera!! Anyare?

------------------------------------

Starbucks. 1pm.

Iniikot ko ang mga mata ko sa mga customers na nakapila at kumakain. Wow! Ang sososyal! Aba syempre dapat sosyal din ako, naka-dress, nakayuko at nakatingin sa cellphone.

Calling 8888...




Sabay cancel. Kunwari may kausap lang para hindi magmukhang tanga at nag-iisa.

Muli kong binalikan ang relo ko. Nasaan ka na ba Troy? 1:30 na wala ka pa rin! Lakas trip ha!

Baka naman hindi siya yun. Chineck ko ang contacts ko, siya naman ang tumawag. Wala namang ibang tumawag sa akin ngayon kundi siya at si Mama.

Inayos ko ng kaunti ang crowning glory ko bago tumitingin sa mga customers, only to find out na kanina pa ako tinitingnan ng babae sa katabi kong table na may kasamang girlfriend. Edi kayo na couple goals! Pareho pang naka-G Shock at Nike Air!

1:35

Tagal.

1:45

Pupunta pa ba sya?

2:00

Makaalis na nga!

Nakakunot ang noo at agad kong hinablot ang Frappe at sling bag ko. Walang kwenta ang meeting na ito! Pinaasa lang ako!

Umasa ka naman, Roxanne!

I was about to push the door when he bumped into me. " Sh*t."

" Sh*t ka lalo! Isang oras mo akong pinaghintay! Dyan ka na!" I didn't mind kung pinagtitinginan na kami ng mga tao. Nakakainis kasi! 1pm usapan, alas dos darating? Kaasar.

" Sorry. I didn't mean to. May emergency meeting kasi si Dad sa compa..."

" Wag ka na magpaliwanag. Una na ako!", I rolled my eyes to him at agad na tinulak ang pinto nang hawakan nya kamay ko.

" Sorry na kasi." He looked at me innocently. Naka-semi pout at nakahawak pa rin sa mga kamay ko.

Ang pogi naman po talaga, Lord!

At parang maamong puppy, sumunod ako sa kanya sa table na inupuan ko at upo ulit. Magkatapat kami. Eye to eye. Hirap naman makipag-eye contact sa ganito kagwapo! Nakakatense. Nakakakaba po!

" Sorry talaga. May emergency meeting si Dad & we weren't informed about it."

Tumango ako. " Ok lang. So bakit mo nga pala ako pinapunta dito?"

" I.."

" You?"

" I just...miss you."

Napatingin ako ng maigi sa mga mata nya. He wasn't blinking! Totoo ang sinasabi nya! Ang sarap pa irewind sa utak ang boses nya at linya nya! Miss daw ako ni Troy Herrera! Tara pyesta na po! Hahaha!

"E-ehhh??"

" We've not seen each other for months and I was wondering how you are. I haven't heard from you. Hindi ko makayanan magtext or tumawag kasi whenever I want to, laging nasisingit ang work." What? Grabe ang blunt na nya ngayon! Si Troy ba talaga ito? " So yeah. I miss you, Roxanne."

......

....

..

He breathed heavily and smiled at me, " Do you trust me?" Do I trust him? Of course I do! I know na siya yung tipo ng tao na hindi ako lolokohin!

" I do."

" Then be my girlfriend."


















Then what?!

The Manila Charmers : TROYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon