11

5.2K 125 0
                                    

I looked at her again. Hindi ako nagkakamali!

Si Xyra nga.


Bakit naman sa dinami-dami ng lugar na pagkakakitaan namin eh sa Boracay pa kami nagkaabot?


" Kilala mo?", sabi ni Roxanne habang kumakain ulit ng gelato. Tahimik lang ako habang nakatingin pa rin kay Xyra.

Then I saw Joaquin na pakalat-kalat sa daanan at tinatanguan ang mga naka-bar niya. He saw us instantly and went straight inside the icecream store. Nag-order lang sya ng isang scoop ng icecream at umupo na sa table namin ni Rox.

" Akala ko nakauwi na kayo," he said. Ngumuso ako sa gawi ni Xyra. Luckily, he got it. Lumingon siya sa gawi ni Xyra at nanlaki ang mga mata niya.

" Buhay pa pala sya?"

Hahahahaha! Kailan naman namatay si Xyra? As far as I know, hindi na siya nagparamdaman sa amin nung nagkahiwalay kami.

" Baliw.", I hissed. We continue eating our icecream nang biglang tumayo si Xyra at naglakad papalapit sa amin.


Oh no.


" Hi.", bati niya sa amin. She was looking to me but I was looking at my icecream.

" Hello, kilala mo ba sila?", tanong ni Roxanne na katapat ko.

" Ah.. Eh..."

" Joaquin nga pala. Naaalala mo pa?", sabi ni Joaquin habang inooffer ang kamay nya. Tumingin lamang si Xyra sa amin at napangiti.

" Sorry ha, nagka-amnesia daw kasi ako kaya kalahati ng memories ko nawala na. Lalo na noong college ako."

Bigla akong napatingin sa kanya.

Seryoso ba siya? Nagka-amnesia siya?


" Ay sorry ha. Kailan ka nagka-amnesia? Ano daw nangyari?", tanong ni Roxanne. Umupo muna si Xyra sa tabi ko at sumagot,

" Sabi ni Mommy, before graduation nagka-trip daw kami ng nga barkada. Ayaw pa nga daw ni Mommy pumayag kasi she believes in the superstition na kapag graduating na,wag labas ng labas, baka daw mapahamak o maaksidente. But I was so persistent kaya she let me go on the trip. Nung araw daw na pauwi na kami ng Manila, nabangga ng kotse ng friend ko yung papaatras na truck. Tapos yun tumama sa poste ang car. I was on the passenger's seat kaya tumama sa windshield ang ulo ko. There you have it, nagka-amnesia daw ako and the doctors told me na kalahati ng memories ko from highschool to college nabura daw. "


" That was so tragic. Sorry.", sabi ni Roxanne. Hinawakan nya ang kamay ni Xyra at ngumiti.

" That's life. Hahaha! So kilala niyo yata ako?Hahaha!"

" Ako hindi talaga. Sa UP Diliman kasi ako nag-aral. Ikaw ba?", Rox

" Ateneo. Kakagraduate ko lang last year.", tumingin siya sa akin at ngumiti." Alam mo,you look familiar talaga.."

Tumingin ako sa kanya at nag-smirk. " Nope. That's not me. Hindi mo pa ako nakikilala."

" Ako kilala mo. Magka-schoolmate tayo noong highschool kaso magkaiba tayo ng sections. C ka , ako naman A.", sabi ni Joaquin habang tinatapos ang icecream.

" Liit nga naman ng mundo. Ano? Haha! Anyways, I need to go. Talagang natuwa lang ako sa inyo lalo na sa inyong dalawa. Magboyfriend ba kayo?", tanong niya.

Natawa na lang si Rox," Grabe ha! Hindi. Kakikilala lang namin ng mokong na to!"

Mokong? Me? Tssss.

Pagkaalis ni Xyra, doon lang nahalata ni Joaquin na may mga tattoo kami ni Roxanne. " Grabe! Akala ko henna lang o namamalikmata lang ako. May tattoo nga kayo! Permanent pa!"

" Yeah. Ang cool di ba?", sabi ni Roxanne habang pinapakita ang mga rosas nya sa braso. Tumango si Joaquin at itinuon ang mga mata sa akin.

" Nagpatattoo ka din? Di nga?"

Tumalikod ako at pinakita sa kanya ang angel wings ko. Napatayo sya sa kinauupuan at napahampas sa mesa.

" T*ngina Troy! Ikaw ba yan? Nakayanan mo magpatattoo? Grabe! Di nga? Woooo! Bagay pre! Galing! Ganda!", sabi niya habang nakangiting aso pa.

" Anong meron?", Rox

" I just can't believe na magpapatattoo siya. Troy is the type of guy na never magpapatattoo kahit henna lang. Then look at him now, ready pala sa mga ganyan! Akala ko forever OCD ka na pre! I'm so proud of you!"

" Naks! Ipost mo na yan sa Facebook! Akin na ang phone mo, picture-an natin!", sabi ni Roxanne.

" Wag na."

" Huh? Bakit? Ang ganda kaya! Para makita ng mga..."

" I don't have a Facebook."

The Manila Charmers : TROYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon