Kidnapped

128 5 2
                                    


KIDNAPPED.

Third Person's Point of View

Sobrang busy sa loob ng deluxe suite na kinuha nila Thean at Van sa isang 4-star hotel. Ang iba ay nakaharap sa mga laptop at ang iba ay nagplaplano kung ano ang gagawin sa paghahanap kay Alexandra at sa kakambal ni Adam.

"Okay, listen everyone." Tawag ni Van sa mga kasamahang may kanya-kanyang ginagawa, lahat sila ay tumigil at tumingin kay Van at Thean na nasa unahan.

Isinantabi nila ang kanilang mga hawak at ginagawa para makinig sa gustong sabihin ng kanilang lider. Nagtinginan silang lahat ng mapansin ang mga namumula-mulang mata ni Van at Thean ngunit hindi na lang sila nagsalita.

Alam nilang dahil ito sa pagkawala ni Alexa.

"Naisip namin ni Thean na hatiin uli ang grupo. Since dalawang tao ang hinahanap natin. Ang mga maghahanap kay Alexa at sa kakambal ni Adam, magvolunteer na lang kayo para alam naming hindi kayo napipilitan." Sabi ni Van sa kagrupo niya.

Ang boses nito ay mahahalata mong kakagaling lamang nito sa iyak at pilit lang tinatago. Hindi naman nila kailangan mag-tago, yan ang iniisip ni Joy dahil alam niya na kahit ipakita ni Thean at Van na okay sila ay hindi makakaila na sobra itong nag-aalala, naprepressure at nalulungkot.

Sabay-sabay na nagtaas ng kamay ang lahat, "Maghahanap ako kay Alexa." Sabay-sabay din nilang banggit.

Napailing na lang si Van at ngumiti, natutuwa siya dahil kahit ganoon pala ang pakikitungo ng kapatid niya sa grupo ay madami pa ding concerned dito.

"No. We couldn't all look for Alexa. Ako, si Van, Cody, Jenna, Ken, Jirve at Night na lang ang maghahanap kay Lex. Ang mga natira sa kakambal ni Adam maghahanap." Sabi ni Thean sa baritonong boses at nagsitanguan naman ang lahat.

"Cody said that the twin's feeling or emotion could affect the weather, may mga nakita na kong lugar dito sa Pennsylvania kung saan madalas magpabago-bago ang panahon." Sabi ni Charlie at hinarap ang laptop sakanila at ipinakita ang listahan ng mga lugar.

"Good one, Charles." Naka-ngising sabi ni Cody at nag-apir ang dalawa.

"We'll go there later." Sabi naman ni Hunter at kinabisado ang listahan ng mga lugar.

"Yung grupo namin ay may lead na kung asan ang hinahanap namin. Pano kayo? We don't know anything kung saan nagpunta si Alexa." Sabi ni Joy sa mga kagrupo nito at tinignan isa-isa.

Tumango-tango si Henri, "Good point. But I'm sure may mga ideas si Cody at Jenna kung saan pwede magpunta si Alexa? Magkakasama sila dati dito. For sure they've got ideas." Sabi nito at tinignan ng pasimple si Jenna, nakita niya ang pag-irap nito sakanya.

Lumiwanag ang mukha ni Cody, "Sa Holmesburg Prison! That's the place where the Alpha lives before." Sabi ni Cody na parang sigurado siya na doon nga nagtungo si Alexa.

"How could we be so sure na nagpunta nga siya doon?" Tanong ni Night na nakakunot ang noo kay Cody.

Inirapan naman siya ni Jenna, "Ang habol ni Alexa ay mapatay ang mga followers ng Alpha to get our parents. For sure ay bumalik siya doon para tignan kung andoon padin nakatira ang mga iyon." Mataray nitong sagot.

Tumango si Van, "Ano pang mga lugar ang alam ninyo? Pupuntahan na namin mamaya." Seryoso nitong tanong.

Lahat sila ay sanay na sa seryosong Van pero kahit kailan ay hindi pa nila siya nakita na ganito kaseryoso.

Umiling si Jenna, "Wala na. Doon lang kami palagi nagpupunta." Sagot nito.

Natahimik na ang lahat, hindi sila makapagusap ng maayos. Dati kasi ay nangunguna si Jirve at Thean sa pagbibiruan ngunit kahit si Thean ngayon ay hindi makangiti. Matagal na nilang hindi nakakabiruan si Thean simula ng umalis si Alexa sa mansion. Parang ang buong kasiyahan ni Thean ay naka-base sa kaligtasan ng kanyang kapatid.

Habang naguusap sila sa mahihinang tono, biglang nabasag ang bintana at napuno ng itim na usok ang sala.

"Dammit! I can't see!" Sigaw ni Jirve na pinipilit alisin ang itim na usok sa harapan.

Nawala ang usok at napalitan ito ng nga tao, mali, hindi mga tao. Mga demons. Lahat sila ay nakapalibot sakanila, maya-maya ay sinugod sila ng mga ito.

Sinuntok ni Thean ang demon na kaharap niya ng paulit-ulit ngunit parang nagteteleport ang demon na iyon kaya napunta siya sa likod ni Thean, sinaksak niya si Thean sa likod ngunit hindi ito ininda ni Thean at sinaksak kaagad ang demon gamit ang isang dagger na gawa sa iron at ibinabad sa Holy water na binasbasan na ng pari. May lumabas na kulay itim sa katawan nito at naglaho ang demon.

Napupuno ng daing at mura ang kwarto dahil lahat sila ay inaatake ng kalaban.

"Shit!" Mura ni Henri ng siya ay matamaan sa tagiliran, nagtaka siya ng mawala ang demon at nakita niyang nasa likod nito si Jenna na may hawak na kutsilyo.

"Thank me later." Bulong nito at inirapan siya bago naglakad palayo habang dala-dala ang kutsilyo na gamit nito kanina.

Napuno uli ng itim na usok ang kwarto, natigil silang lahat.

Wala silang makita kahit isa.

At biglang may sumigaw, "CODY!!"

Kasabay ng sigaw ay nawala ang itim na usok. Sira sira na ang mga gamit sa hotel room, may iilang patak din ng dugo sa sahig at may mga sugat din silang natira.

Pero wala silang paki-alam dahil pinipigilan nila si Cody na humabol sa itim na usok, "DAMN IT! BITAWAN NIYO KO! FUCK! JENNA!" Sigaw nito.

Nagkatinginan si Joy at si Night.

"Oh my God! Jenna have been kidnapped!"singhap niya.

AlexandraWhere stories live. Discover now