Chapter 33 - Marriage Contract

Start from the beginning
                                    

"Okay Tito.So we're okay?" excited kong tanong.Damn this!Para kasi akong bata na na-e-excite.

"No! Marami pa akong habilin sa 'yo para kay Violet.Tulad ng sinabi ko,incase na mahalin ka ni Violet,iparamdam mo sa kanya na siya lang ang mahalaga sa buhay mo.Tiisin mo lahat ng kasungitan niya.At kapag nalaman niya ang totoo,'wag kang matakot na ipaglaban siya.Bawiin mo siya kung alam mong kaya mo siyang kuhanin ulit.Iwasan ang mga babae." tiningnan niya ako ng may panunukso sa huling sinabi niya. "At alam kong may pangyayaring magaganap kaya protektahan mo siya.Sa 'yo ko na siya ipagkakatiwala Luis." malungkot si Tito na tumingin sa labas ng bintana.

"Itatanim ko po lahat ng sinabi mo sa kukuti ko Tito.At kahit 'di mo sasabihin sa akin 'yan,gagawin ko pa rin ang mga 'yan para sa babaing mahal na mahal ko kahit hindi pa niya ako nakilala." sagot ko sa kanya.

Tumayo siya at pumunta sa likuran ko. "paano Mico,tapos na tayo.Ako na ang bahala kay Violet.Bukas,ipapadala ko sa office mo ang marriage contract niyo ni Violet.Don't worry,abogado ako.Kaya madali lang ang lahat.I just want your signature.Pirmahan mo lang ang ipadala ko.And the rest,ako na ang bahala kay Violet.Gamitin ko ang tiwala niya sa akin.Dahil alam ko naman na sa mabuting mga kamay siya mapapunta." mahaba niyang paliwanag kasabay ng pagtapik niya sa balikat ko.

Tama siya.Abogado siya.Kilalang abogado sa bansa.Kaya tulad ng sinabi niya,magagawa niyang legal ang lahat dahil may power siya.

Gusto kong maglulundag sa tuwa.Sobrang saya ko dahil dito.Pero hindi pa muna ako magpapakilala kay Violet kapag naayos na ni Tito Diego ang kasal namin.Gusto kong paghandaan ang pagkikita namin.Baka kung ngayon,hindi ko pa mapigilan ang sarili ko.Ayokong gulatin siya.

"Thank you so much Tito.Hindi nga ako nagkamali ng nilapitan ko." kung hindi lang bakla tingnan,baka niyakap ko na siya.

"You're welcome Luis.Kung para sa ikabubuti ni Violet,gagawin ko kahit alam kong nandaya ako.Pero..." marahan niyang hinampas ang mesa ng kanyang kanang palad. "...kapag pinabayaan mo si Violet,ako din mismo ang magpapawalang-bisa sa kasal niyo." anito na may halong pananakot.

"Hindi po kayo mabibigo Tito." kumindat ako.

At pagkatapos naming magkamay lumabas ako na parang naka-drugs.Pakiramdam ko nakalutang ako sa ere dahil sa nangyari.Malapad din ang ngiti ko.

Maging akin na si Violet.Maging akin siya legally.

End of flashback

"I'm sorry hon.Ginawa ko 'yon dahil sobrang mahal kita.Noon pa,no'ng unang nagtagpo ang mga mata natin,mahal na kita." dugtong ko sa aking kwento.Hinahagod ko na ngayon ang buhok niya.

Lumingon siya sa akin na naka-kunot-noo. "Mico,hindi ko maintindihan.Bakit nasabi mong noon mo pa ako mahal?" naguguluhan niyang tanong.

"Naalala mo 'yong taong tumulong sa 'yo mula sa mga..." hindi ko na pinagpatuloy dahil ayokong maalala niya ulit 'yon.Bagkus,hinila ko siya at pinasandal ulit sa balikat ko.

"Alam kong ikaw 'yon Mico." bigla siyang nagsalita. "Pero don't tell me na doon pa lang eh nainlab ka na sa akin." natatawa niyang sabi na para bang nanunukso.

"Paano kung sabihin kong oo Violet?Tama ka.Unang pagtagpo ng mga mata natin ay alam kong ikaw na ang mamahalin ko." pag-amin ko habang siya naman ay tawa ng tawa.Kaya dahil sa gusto ko siyang makinig sa akin,pinitik ko ng marahan ang noo niya.

My Bodyguard Is My...What?! (Completed)Where stories live. Discover now