Darkness Thirteen: In between Life and Death

Magsimula sa umpisa
                                    

Naupo nalang din kami ni West sa katapat na sofa. Namayani ang katahimikan sa aming lahat at tanging ang mga sigaw lang ni Lay ang rinig, buti nalang at sound proof ang dorm. Kung hindi man ay wala namang ibang studyante ang nasa floor na ito maliban sa amin kaya hindi problema.
Yung paginom pala ni Lay ng dugo ko ang naging daan para maging bampira sya. Kaya pala sya tahimik noon ay nahihirapan na syang magpigil sa sarili nya. Pero sandali, kinagat ako ni Lay diba? Hindi kaya … ohmy!

"K-kinagat ako ni Lay diba? Hindi ba ako magiging bampira non?" Alangang tanong ko

*PLOK*

"AWWW!"  Binatukan kasi ako ng malakas ni West
"Tanga ka ba?! Limot mo na ba yung sinabi namin noon na may 'steps' bago maging Vampire ka? Kailangan uminom ka ng dugo ng bampira, mamatay, muling mabuhay then uminom ng dugo ng tao!"-aeon
"Kalma lang~ Ang puso mo mahal na Prinsipe. Hinga"
"Tss!"-Aeon

Oo nga pala. Nakalimutan ko yung 'steps' na yun. Buti nalang, hindi naman sa ayaw ko sa mga bampira huh? Ang komlikado lang kasi nila.

"Ano nga palang ginagawa ni Lay sa loob bukod sa pagsigaw?"
"Nakakulong sya"-aeon

Ahh. Nakakulong lang pa--- Watdafudge?!

"Nakakulong? Bakit?"
"Kasi kapag hindi natin sya kinulong doon, magsisira sya ng mas maraming bagay at baka lahat pa tayo dito sipsipin nya"-west
"Err bakit sya magsisira?"
"Ang slow mo, alam mo yun? Yung pinagdadaanan nya ngayon, masakit yon. She's in between life and death. Natural magwawala sya para kahit papaano, mabawasan yung sakit na nadarama nya"-aeon

She's in between life and death? Pero … ano ba ang nasa pagitan ng buhay at kamatayan?

"Pagdurusa"
"Anong pagdurusa?"-west
"Ang nasa pagitan ng buhay at kamatayan, pagdurusa. Just like heaven and hell, purgatory ang nasa gitna. At ang sabi, ang purgatory daw ay lugar ng walang hanggang paghihirap. Doon mo hihintayin ang hatol sayo, kung sa langit ko o sa impyerno."

"Hope" biglang imik ni Night
"Anong hope?"-aeon
"You're thinking what lies in between life and death, right? It is hope, pag asa"-night
"Explain" taas kilay na sabi ni Aeon
"When you're in between life and death, diba naghihintay ka rin? Kung mamamatay ka ba o mabubuhay pa. Diba when you're waiting, you're also hoping na may magandang mangyari? Umaasa ka na baka makaka survive ka when in reality, ang laki ng chance mo mamatay"-night

He has a point. Parang tuwing after exams lang, you're hoping na pumasa ka kahit may possibility kang bumagsak lalo na't di ka nagreview.

Natahimik na kami pagkatapos ng conversation na yon. Gandang usapan kasi. Seriously? Buhay at kamatayan pa talaga. Kasalanan ni Aeon!

*SIGH*

But I swear, I'm also hoping. Hindi lang basta umaasa kundi nananalig na makakaya nya ito, Lay is a strong lady. Kayang kaya nya yan.

"Ito naman ang pagusapan natin"
Gamit ang relo ay may sinummon na libro si Aeon, kulay itim yun na may gold lining sa gilid. May lettering din na gold yun; Cursed Power, yan siguro yung pamagat.

"Ito yung sinasabing libro ni Eve, kailangan nating maintindihan yung sinabi nya"-aeon

"Sa pagsasama sama ng tatlong pinaka makapangyarihan, ang balanse ng tatlong kaharian ay masisira. Ang tama ay ang mali, at ang mali ay syang tama. Ang kasinungalingan ang paniniwalaan, ang katotohana'y di paninindigan. Ang kakampi'y magiging kalaban, at kalaban ay syang magiging kaibigan. Tiwala ng tatlo at pagkakaibigan, sisira sa buong kaharian." Pagrerecite ko ng sinabi ni Eve

"Woah. Kabisadong kabisado ah?"-west
"Interesting kasi. Oh! May naisip pala ako kanina"
"Spill"-aeon

"Tayo nga yata yung nakasira ng harang. Kasi sabi jan sa libro 'Sa pagsasama sama ng tatlong pinaka makapangyarihan, ang balanse ng tatlong kaharian ay masisira.' Eh diba yung barrier, parang yun yung bumabalanse sa kapayapaan ng Edulas at Odin?"
"Oo nga, pero paano natin yun nagawa? Ano, presence lang natin nakakasira na?"-aeon

"Hindi. Yung energy nyo yata?"-west
"Energy?"
"Oo. Napansin ko kasi nung nagpunta tayo doon, parang may kakaibang enerhiya na kumawala sa katawan nyo, tapos nagsama sama at lumibot sa kakahuyan"-west
"Bakit ngayon mo lang sinabi?!"-aeon
"Akala ko kasi imagination ko lang, gutom na kasi ako non tapos pagod pa sa training, then nakakatakot pa yung lugar. Sorry naman"-west

"Then that's it, maybe the force from the barrier triggered our inner energies to come out"-night

"Okay, one solved. Next question, Paano nakarating dito si Lay?"-aeon
"She's kidnapped, right?"-night
"Sino? Ng Vampires? Wolves? Eh diba ikinukulong nga sila nung barrier, hindi sila nakakaalis ng Odin Woods. Maliban nalang kung…"-aeon
"May ibang taong gagawa non para sa kanila"-west
"Underworld"
"Exactly! Gusto ng Underworld na makuha ang simpatya nila nang sa ganon ay may katulong silang grupo sa labanan."-aeon
"Alam kasi nila na nasa Sky ang panig ng Edulas, kaya naghahanap sila ng kakampi"-night

"Pero sa pagkakaalam ko, ayaw ng mga uri nila na napapailalim sa kahit sino. Kaya bakit nila suaundin ang hari ng Underworld?"-west
"Kalayaan. Ginamit nila tayo para makuha ang Odin, pero hindi pa doon nagtatapos ang panggagamit nila sa atin"-aeon
"Ano pa?"
"Alam ni Dark na may chance na hindi parin sya sundin ng Odin kahit na gumawa sya ng paraan para makalaya ang mga ito. Kaya ginamit nya rin tayo para patayin ang pinuno ng dalawang pangkat, kasi alam nya na kapag wala ng pinuno maghahanap ng bago"
"At si Dark yun"
"Tama"-aeon
"Nakakuha sya ng kakampi dahil sa atin"-west

As if in chorus, sabay sabay kaming napa buntong hininga. Wattalayf

"Ano? May iba pa bang problema?"
"Meron, ikaw"-aeon
Tiningnan ko sya ng matalim "Paano naman ako naging problema?!"

"Yang kapangyarihan mo, dapat mo nang mapagaralan yan sa lalong madaling panahon. Malaki ang maitutulong nyan sa digmaan"-aeon
"Woah. Wala pa akong isang linggo dito, digmaan na agad?"
"You need to face the reality Summer, tayong tatlo ang pangunahing isusugo nila sa digmaan"-aeon

Digmaan? As in War? Parang sa abusayaf? So pano yan? Makikipagpatayan na kami, ganon? NAKAKA STRESS!!

(A/n: Wrong spelling yata yung abusayaf? Yaena✔ Basta alam nyo na yun)

Three days palang kami nag training, self defense at ilang weapons palang ang alam ko gamitin. Baka naman pagsabak ko doon, isang sapak palang deads na ako.

"Sandali, pakinggan nyo"-west
"Anong pakikinggan? Tahinik kaya"

Napatayo na si West at parang naaaligaga.

"Yun na nga, tahimik! Ano nang nangyari kay Lay?"-west

Oh my! Oo nga. SI LAY!

Nagsitakbuhan na kami papunta sa kwarto nya at binuksan yon. Nanlaki nalang ang mga mata ko ng makita ko ang loob.

Delubyo. Yung mga gamit sira lahat, yung lamp shade hinagis sa pader, yung kama sira yung bed sheet then nakataob. Yung side table, salamin, book shelf, study table, pati yung loob ng walk in closet nya sira din. Parang dinaanan ng walong bagyo ang kwarto nya. May mga crack marks pa nga yung dingding, sinuntok nya kaya yun?

"Elaysha?"

Natagpuan ko naman sya na nakahiga sa may sulok kaya agad ko syang nilapitan.

"Lay? Lay naman, please gising" tinapik tapik ko ng mahina yung pisngi nya pero hindi talaga sya gumagalaw

"Let me see" itinapat ni Night ang tenga nya sa puso ni Lay matapos ay pinakiramdaman naman nito kung humihinga pa si Lay

"She's still breathing, but her heart's beating too fast. Dalhin na natin sya sa Healers"

Binuhat na ni Night si Lay at tumakbo na kami para dalhin sya sa mga Healer.

She's still breathing, but her heart's beating too fast.

That's a good thing … right?


~•~×~•~×~•~×~•~×~•~

Facing Darkness | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon