Kabanata 45

253 6 2
                                    


Kabanata 45


Shine

After namin mag usap ni Tristan, napag isip isip ko na tama nga kung subukan ko muling magtiwala sa isang bagay na kailan man hindi ko pinaniwalaan o binigyan ng chance para ma-proof yun sa'kin. But as long as hindi ko pa talaga naaalis sa isip ko ang mga bagay na yun, hindi ako tuluyang makakalimot.

"Shine! Tignan mo nga baka nasama sa'yo yung isang blouse ko!" Tignan mo 'tong si Lyn, pati ba naman mga damit nya sa'kin tinatanong?

Naglakad ako papunta sa kwarto nya. Hindi na kasi tulad ng dati magkaiba kami ng house. Sa ngayon kasi, dito nya muna ako pinatira pansamantala sa bahay nya para mabantayan nya daw ako. Ginawa pa akong isang alagain na akala mo bago dito sa manila.

"Aba't anong malay ko sa damit mo?"

"Aish! Andito lang yun e." halungkat lang sya ng halungkat sa closet nya. Kahit na sabihin nating bago lang simula ng maikasal sila ni Elrick, every other time sya pumupunta dito. Love pa rin ako nyan kahit may buhay asawa na sya. "I got it!" Ngingiti ngiti syang lumabas ng kwarto dala ang damit na yun. Sinundan ko sya hanggang sa makarating kami sa sala.

"Ikaw maiiwan dito, so dapat. Dito ka lang." Tinignan nya ako. Tapos nag patuloy na sya sa pagliligpit.

"Alam ko yun, kaya ko naman sarili ko. Hindi mo na ako kailangan i-monitor. I can stand on my own."

Nakapamaywang syang humarap sa'kin.

"I can stand on my own ka dyan? Nung lasing ka nga two weeks ago, Ni-hindi ka nga makatayo." Nagsalubong na talaga yung kilay nya.

"Oo na. 'Pag lasing ako I can't stand on my own. Happy?"

"Good." Matapos nyang magligpit ng gamit, maya maya lang sinundo sya ni Elrick. Ang arte pa kasi gusto nya dito pa manatili every weekend. Para tuloy akong mistress ng bes ko. Tsk.


~*~


Wala akong ginagawa ng maisipan ko mag mall muna. Dahil sa 1pm na, kaya naman mag isa kong binaybay ang traffic. Sht. Kung bakit kasi nauso pa ang traffic e. Binuksan ko na lang ang car stereo ko para makinig ng music, pero sa halip na matuwa ako sa kanta, e nainis ako. Bakit? Kasi feeling ko para sa'kin yung song.

'There are moments when I don't know If It's real

Or If anybody feels the way I feel

I need Inspiration Not Just another negotiation'

'All I want to do is find a way back into love'

I can't make It ...'

Pinatay ko na lang yun at tiniis na lang ang traffic. Unti unti ng umusad ang traffic ng parang may kakaiba sa kotse ko kaya tinabi ko muna sya sa daan. Bumaba ako para matignan kung ano nga ba yun.

"Sht naman!" Nasapo ko ang noo ko ng makita kong flat ang gulong ng kotse ko. Pa'no na yan? Wala pa naman akong dalang extra pamalit. Bakit naman kasi ang malas ko ngayon?

Naisip ko na lang na tawagan na lang si Lyn. Pero nagbago ang isip ko ng maalala ko nga pala na kasama nya ngayon si Elrick.

Iba na nga lang tatawagan ko.

Ano ba yan! Ngayon pa nawalan ng load! Aish! Malas naman o!

~*~

"Shine?" Narinig kong may tumawag sa'kin mula sa likuran ko. Hindi ko alam pero bakit ngayon pa na-timing ang lahat? Yung hindi ko kailangan, sya pa yung makikita ko.

"Ah. Ikaw pala." tinignan ko ulit ang ayos ng kotse ko. Mag commute na lang ako. Or babalik na lang ako sa bahay. Baka dun, Mawala yung malas ko.

"Need help?"

"Hindi na kailangan Tris-" Nagulat na lang ako ng sya na mismo ang nagpalit ng wheel for me. Yung nakareserba nyang gulong binigay nya para sa'kin. Pa'no kung sya ang ma-flat-an ng gulong?

"You don't need to do that." sabi ko. Lumuhod sya at sinimulan ng palitan ang flat na gulong ng kotse ko.

"Sabi ng wag na!" tumayo sya at tinignan ako ng seryoso.

"Ganyan ka ba? Kahit kailangan mo ng tulong ipagpipilitan mong kaya mo. Shine.. In this case, you actually need my help."

"Kaya ko na nga diba?" pagtataray ko.

"D'yan ka magaling.. Kahit obvious na talagang kailangan mo ng tulong i-insist mo talaga na kaya mo."

"Well I can do that on my own. I don't need your help, okay? Hindi ko naman hiningi na pumunta ka dito. You came at this place because of what? Of that damn destiny?"

"At bakit hindi? Hindi mo man hiniling na pumunta ako dito para tulungan ka, The time would pass me by to come over because you need my help."

"At bakit ba ang kulit mo?! I told you already. I. Don't. Need. Your. Help."

Napasuklay sya sa buhok nya. Nakikita kong naiinis na rin sya.

"Fine! You don't need my help? So, Do it yourself." Mabilis syang umalis sa harap ko at ng makaalis sya dala ang kotse nya, Nanlumo ako. Hindi ko nga pala kaya. Kaya ko nga.. Pero sure akong matagal bago ko mapalitan yung gulong. Tinignan ko ang gulong ko ng flat.

"Pride kasi Shine.." bulong ko sa sarili ko.

Fleeting Moments from the Past (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon