Kabanata 24

415 9 3
                                    


Kabanata 24


Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, pero kampante ako na hindi naman siguro sya gagawa ng hindi maganda. Tinitigan ko lang sya mula sa malayo. Saglit akong napatingin kay Jake, at tumingin ulit ako kay Tristan.


Tumingin sya sakin at agad akong umiwas. Nalagpasan na namin sya. Pero parang may parte sakin na gusto ko syang tignan sa huling pagkakataon.


"Okay ka lang ba?" tanong ni Jake. Kaya tumingin ako sa kanya. Ngumiti lang ako. Hindi ko na napigilan ang hindi lingunin si Tristan. Nakita kong huminto sya at bigla naman ang pagdating ni Erika.


Hindi ko na lang tinagalan ang pagtingin sa kanya. Binaling ko na ulit ang tingin ko sa dinadaanan namin.


"Gusto mo ba syang makausap?" tanong sa'kin ni Jake. Gusto ko nga syang makausap, pero iniisip ko na baka mas lalo lang na isipin nya na may iba pa  na dahilan kung bakit ayaw ko syang makausap.


"Hindi na. Mabuti na rin siguro na wag ko na silang kausapin." sabi ko. Ngumiti sakin si Jake, kaya naman sa halip na ngumiti rin ako sa kanya hindi ko ginawa.


"Gusto mo bang kumain muna saglit?" Hindi ako sumagot pero siguro naman alam na nya na ton na rin ang gusto ko. 


"Bahala ka na.." sabi ko na lang. Hindi sya sumagot pero ngumit lang sya.


"Alam ko naman na gutom ka na.." Yung pagsabi pa nya parang nangaasar sya.


Tinignan ko sya ng masama.


"Ang sama ah.." sabi ko.


"Kanina ko pa naririnig yung pag blurt mo eh.."


"Huh?"


"Sus.. Kunwari ka pa dyan.."


"Tumigil ka na ah.. Baka ikaw na lang gawin kong ulam e.." biro ko.


"Kahit wag na.." sabi nya.


"Yuck.. Hindi naman ako papayag na kainin kita noh.. You wish.. Hahaha.."


"Ayoko nga ng puro buto lang.."


"Kadiri ka!" sabi ko sabay hampas sa braso nya.


"Hahaha.. Mabuti naman at ngumiti ka na.."sabi nya.


"Halika na nga! Nagugutom na ako e.." sabi ko sa kanya. Hinila ko sya kahit parang ayaw nyang magpahila.


Siguro naman sa paraang ganito na lang lagi baka unti unti ko ng matanggap na hindi talaga pwede yon.


*******


"Salamat sa libre ha.." sabi ko sa kanya. As usual hinatid nanaman nya ako. Kailan ba ako tatanggi sa kanya? Mukhang hindi talaga.


"Ikaw pa malakas ka sa'kin e."  sabi nya.


"Ay oo nga pala.. May ibibigay ako sa'yo.." sabi ko.


"Alin yon?" tanong nya.


Ngumit lang ako. Pagkatapos kong kunin yung notes sa bag ko inabot ko sa kanya.


"Ayan.." sabi ko pagkatapos kong i-abot sa kanya. "Ilista mo dyan lahat ng bagay na nagpapasaya sa'yo.." sabi ko habang nakangiti.


"Huh? Dito?" Tinaas pa nya yung note.


"Ouch ha.. Hindi mo pala nagustuhan yong bigay ko sayo? Nakakatampo ka naman.." sabi ko.


Ngumiti sya bilang pambawi dahil nag-pout ako. Haha. Yan ang magic ko kung bakit wala pang nagre-resist sa gusto ko. Maliban na lang kina Mama at Papa.


Natahimik ako, Yong ngiti ko kanina biglang nawala. Nalala ko sila. Sobrang miss ko na silang dalawa. Yong bonding namin noon.


"Okay ka lang ba?" tanong nya. Pero ngumiti lang ako.


"Samahan mo ako..." sabi ko.


"Saan?"


"Sa cemetery.."


Nagulat sya sa sinabi ko pero nakita ko din na ngumit sya.


"Sure.. Kahit saan pa yan.."


"Tara na.." Nauna na ako sa kanya. Gusto ko ngang dalawin sila ngayon. Sobrang tagal na mula ng huli ko silang nadalaw. So much more for this.




Fleeting Moments from the Past (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon