Kabanata 14

488 13 1
                                    


Kabanata 14


Pagkatapos naming mag usap ni Erika, ay agad akong lumayo. Siguro nga mas madaling lumayo na lang ako sa kanya. Kasi kung patuloy pa akong lalapit sa kanila baka lalo ko lang masaktan 'yong sarili ko.


Naupo ako sa bench. Sinandal ko yung likod ko at tumingala ako upang makita ko ang mga ulap. Medyo madilim ang kalangitan ngayon at mukhang uulan. Pero hindi ko na lang pinansin 'yon.


"Sabi na nga dito kita makikita eh.." sabi sa akin ng isang pamilyar na tao.


Lumingon ako sa kanya at pilit akong ngumiti kahit na ayaw ko. 


Tumabi sya sa akin. Umalis ako sa pagkakasandal  sa sandalan kung saan kami nakaupo.


Tumingin ako kay Jake. 


"Bakit ba sa tuwing kailangan ko ng kausap lagi kang andyan para damayan ako?" tanong ko sa kanya.


"Hindi ko rin alam. Siguro, Gusto niyang damayan lang kita kapag kailangan mo ng makakasama." sabi nito.


Yumuko ako at inilagay ko sa aking mukha yung mga palad ko. 


"Bakit?" maikling tanong niya.


"Wa--wala.." Tinago ko yung totoong nangyari kung bakit ba ako nagkakaganito.


"Nagkausap ba kayo?" tanong niya. Kinuha niya ang mga kamay ko na nakalagay sa mukha ko. Pinilit niyang tumingin ako sa kanya. 


"Iiyak ka na naman ba? Bakit hindi mo subukang hindi umiyak kahit minsan?" sabi nito sakin. Pilit akong ngumiti sa kanya.


Pinunasan niya ang mga luhang bumabagsak  sa pisngi ko. Hindi ko namalayang may mga luha na palang pumapatak.


"Hayaan mo na lang ako." sabi ko. Tumayo ako at hinila ang kamay ko na hawak pa rin niya.


Hinila niya ako palapit sa kanya at nagulat ako nang yakapin niya ako.


"Umiyak ka lang hindi kita pipigilan kung gusto mong umiyak.." sabi nya..


Hinayaan ko ang sarili ko na umiyak sa balikat niya at kahit na basang basa na ang uniform niya ng mga luha ko. Niyakap ko na lang siya upang maibsan ang lungkot na nadarama ko.



Fleeting Moments from the Past (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon