Kabanata 19

417 11 1
                                    


Kabanata 19


Napahinto ako sa pagsasalita ng hilain nya yung kamay ko dahilan upang mapatingin ako sa mga mata nya. 


"Bakit?" agarang tanong ko. Kailangan ko ng gamutin yung sugat nya gawa ng pagsapak ni Tristan sa kanya.


"Wala naman.. Sige kunin mo na lang yung first aid kit mo para-ouch!" Napahawak sya sa pisngi nya kung saan yung sugat nya.


"Ayos ka lang ba?" Tinignan ko yung pisngi nya. Nakita kong namamaga na ito. "Gago kasi yun eh.." sabi ko.


"Sshh.." Suway nya sakin.


"Bakit?.. Totoo namang gago yun.. Ang lakas ng loob nyang sapakin ka... e samantalafh-" Nilagay nya yung pointing finger nya sa mouth ko kaya napatigil ako.


Inalis ko agad yung finger nya sa mouth ko. "Ah basta!" sabi ko. Kinuha ko na lang yung first aid kit ko. Nilapag ko ito sa mesa. Kumuha ako ng cotton at nilagyan ko ito ng betadine.


"Sana ginantihan mo sya.." sabi ko. Diniinan ko ang paglalagay ng cotton sa sugat nya.


"Aray!" reklamo nya.


"Ikaw kasi eh!" Dinahan-dahan ko na lang yung paglilinis ng sugat nya. "Bakit kasi pinapasok mo sya?" tanong ko. Hindi ko na nilinis yung sugat nya. Umupo na lamang ako at inaayos ko yung first aid kit.


"Kasi nagpumilit sya." maikling sagot nya.


Tinignan ko sya ng seryoso.  "Kahit na noh.." sabi ko. Tumayo ako at binalik ko yung kit sa lalagyan nito. "Magpahinga ka na lang muna..." sabi ko. Lumapit ako sa kanya. "Kukuha lang ako ng mattress para-"


"Uuwi ako." sabi nya. Kumunot naman yung noo ko sa sinabi nya.


"Ha?.. e gabi na kaya.. Dito ka na lang mag-stay.. Baka kung mapano ka pa sa daan.."  sabi ko.


"Pero-"


"Please..?" Sana pumayag sya na dito muna sya mag-stay.

 ******


Kinabukasan maaga akong nagising. Nahiya naman ako dahil sa sala ko lang pinatulog si Jake. Pero siguro hindi naman sya galit.


Nag-prepare na ako ng breakfast namin. Nakapag-ayos na rin ako ng mga gamit ko para sa pagpasok. Siguro sasamahan ko na lang sya na kumuha ng damit nya sa apartment nya.


Habang naghahanda ako ng breakfast nakita kong lumapit sya sakin. Magulo pa yung buhok nya.


"Mag-breakfast na tayo." sabi ko. Nilapag ko na sa mesa yung plato na may lamang sunny side up egg at hotdog.


"Hilamos lang ako..." sabi nya. Ngumiti lang ako pununta na sya ng sink at doon sya naghilamos.


Tahimik lang kami habang kumakain. Wala ni isa sa'min ang gustong mag-open ng topic. Parang kinakain kami ng katahimikan.


"Nga pala.. Sasamahan na lang kita sa apartment mo para makakuha ka ng damit mo." sabi ko na lang. Hindi sya umimik, tumingin lang sya sakin at nagpatuloy sa pagkain. Usually 'pag may sina-suggest ako sa kanya sasagot naman 'yan. Pero iba ngayon.


*****


Nag-commute na lamang kami dahil hindi nya dala yung motor nya. Pagdating namin sa apartment nya, nakita kong maayos ang mga gamit nya.


"Magpapalit lang ako.." sabi nya. Tumingin lang ako sa kanya at nagtuloy-tuloy na sya sa kwarto nya. Umupo ako sa couch at doon inaliw  ko na lang ang sarili ko.


Tumayo ako at tinignan ko ang mga pictures na naka-display. Mula sa pagkabata nya hanggang ngayon. Cute sya nung bata sya. Parang ang saya saya nya.


"Cute ka rin pala.." bulong ko.


Napahinto ako sa pagtingin sa picture nya ng makita ko ang isang picture nya na may kasama syang babae sa litrato. Baka naman kaibigan lang nya? Pero bakit kailangang naka-display dito? Sino ba ito?


Nilapag ko ito ng may kumatok sa pinto. Agad ko itong binuksan.


"Hi Jake!..Opps.." Isang babae na simple lang pero malakas ang dating nya. Sino ba s'ya?


"Sorry.. Pero pwede ko bang malaman yung pangalan mo?" tanong ko. Parang nag-alanganin pa akong magtanong.


"I'm Jaicelle.." sabi nito at ngumiti s'ya sakin.

Jaicelle.. S'ya nga yun. S'ya nga yung babae sa picture na kasama ni Jake.




Fleeting Moments from the Past (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon