Kabanata 15

512 12 2
                                    


Kabanata 15


Sinabayan na akong maglakad ni Jake. Dahil sabi nya baka kung saan daw ako magpunta kaya sinamahan na lang nya ako papunta sa next class ko.


"Nagkausap na kayong dalawa?" tanong nya sa'kin habang papunta kami ng room.


"Oo.. At talagang ginusto na rin nyang huwag akong kausapin.." sabi ko. 


"Maybe.. kailangan nyo nga talagang mag usap ng maayos.. Kasi kung pipigilan mo lang ang sarili mo na kausapin sya, baka hindi kayo magkaroon ng maayos na pag uusap.." sabi nito.


Tumingin ako sa kanya ng malalim na tingin. "Wag na natin pang pag usapan yun.. Gusto ko na ring kalimutan pa yon" sabi ko. Hindi na nagsalita pa si Jake. Pero ramdam ko na may gusto syang sabihin pa sakin..


Nang makarating na kami sa room, saglit akong tumigil upang makausap sya.


"Wag mo na ulit i-open yung ganong topic... Sige.. Pasok na ako.." sabi ko. Lumakad na ako at nagtuloy tuloy na akong umupo sa seat ko.


******


Agad akong pumunta sa library upang doon na lamang ako mag aral.  Umupo agad ako kung saan walang masyadong tao. Binuklat ko na yung libro saka ako nagbasa. Instead na magbasa ako hindi ako makapag-focus sa pagbabasa dahil paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko yung mga nangyayari nitong huli.


Parang isang recorder na paulit ulit na nagbabalik.


Nagulat ako ng may umupo sa tabi ko which is hindi ko na lang pinansin. Nagdekwatro na lamang ako at pilit kong binabasa yung nakalagay sa libro. Mahirap naman kasi talagang aralin 'tong Accounting lalo na kung wala ka sa mood mag aral.


Buti pa kayo kaya nyo. Tsk.


Sinara ko na lang ito at sumandal na lang ako sa upuan.


"Tired?" sabi sa'kin ng katabi ko.


"Hindi-" naputol yung sasabihin ko ng harapin ko yung katabi ko. Nagulat ako dahil hindi ko man lang na-realize na sya pala yung katabi ko.


"Pa'no mo nalamang andito ako?" sabi ko saka ako umiwas ng tingin.

Fleeting Moments from the Past (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon