Kabanata 16

458 11 3
                                    


Kabanata 16


Patuloy lang ako sa paglalakad. Wala akong katiyakan kung saan ako pupunta. Siguro kahit ayaw ko syang iwan at layuan, mas kailangan ang ganito.  Mas makakabuti siguro kung tuluyan na akong sumuko sa isang pag asa ng kailanman hindi mangyayari. Maybe I was trying to hold that dream. But maybe I also need to give up. Kasi ako lang ang nasasaktan.


Hindi ko alam kung saan eksaktong lugar na ako dahil na rin sa kagustuhan ko munang mag isa baka nga ganito talaga. Minsan sa buhay natin hindi maiiwasang mag isa kahit pa gusto mo ng karamay.


Pero paano ko na ulit sisimulan ito? Parang hindi ko kayang mag isa lalo nang mas nasanay ako na kasama ko sya kahit saan.


Napahawak na lamang ako sa mukha ko at pinunasan ko ang mga luhang kanina pa bumabagsak. Saglit akong pumikit at tumingala sa langit.  Pagdilat ko ng mata, madilim na. Mali pala, uulan na. Wala pang ilang seconds, pumatak na ang mga ulan mukhang sinasabayan ako sa pag iyak.


Ito naman ang gusto ko. Ba'kit ko kailangang umiyak kung ito ang ginusto ko. Hindi na ako nakatakbo o nakasilong, hinayaan ko na lang na mabasa ako. Inihiga ko sa ere ang mga palad ko at binuksan ko ito. Ramdam ko ang malalaking patak ng ulan sa mga palad ko. Hinayaan ko ring tumulo ang mga luha ko upang maibsan naman kahit ngayon lang yung sakit. At sigur bukas pagising ko wala na ito.


Napamulat ako ng mata ng maramdaman kong wala ng ulan ang bumabagsak.


"Bakit ka ba nagpapabasa sa ulan.. Baka mamaya-" hindi ko na sya pinatapos at niyakap ko na lang sya. Wala na akong pakialam kung mabasa rin ba sya o hindi. Basta kailangan ko lang ng mayayakap.


"Please. Kahit.. Ngayon lang.." sabi ko.


At tuloy tuloy lang ako sa pagluha. Madrama na kung madrama.. Pero mas kailangan ko ng kausap at kasama.


"Bakit ba ganun Jake... Sa tuwing gugustuhin kong maging masaya.. Lagi na lang hindi pwede.. Pag masaya ka naman.. Darating agad yung pain.. Lagi na lang... Pagod na ako.." sabi ko habang naiyak ako. "I'll promise.. Hindi na ito mauulit.. Sana kung gugustuhin nyang maging masaya ako.. Wag na nyang isama yung pain..." Umiiyak lang ako at naramdaman kong niyakap na ako ni Jake. At yung payong tuluyan ng bumagsak sa lupa. Sa ilalim ng ulan.. Ito ako.. Umiiyak..




Fleeting Moments from the Past (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon