Kabanata 20

414 9 1
                                    


Kabanata 20


Saglit akong natigilan ng nagtuloy tuloy sa pagpasok sa loob si Jaicelle. Wala man lang pasabi na kung pwede na ba syang pumasok. Tsk. I really hate that kind of attitude. Ang bastos!


"Nagpapalit sya ng damit.." Kahit ayaw ko syang kausapin ginawa ko pa rin.


"Really?.. Bakit?.. Saan ba kayo galing?" tanong nya. Nahalata kong hindi maganda yung tono ng pananalita nya.


"Sa apart-"


"Anong ginagawa mo dito?" tanong agad ni Jake ng makalabas sya ng kwarto nya.


"Jake!.." Yung way pa ng pagbati nya kay Jake. Parang hindi maganda pakinggan. Pigilan nyo ako, baka kung anong magawa ko dito. "Oh my god!.. Anong nangyari dyan?" Tsk. Sarap nitong paalisin dito. Buset.


"It's nothing important.." wika ni Jake.


"Pero-"


"I said It's not important okay?..Ano bang ginagawa mo dito?" Sumimangot naman ang kaninang ang saya ng mukha nya.


"Binibisita ka...But I guess.." Tumingin si Jaicelle sakin at inirapan ako.


Aba't! Nagtitimpi na ako dito!


"Kung may problema ka sabihin mo ha.. Hindi yung pinaparinig mo" bulong ko naman.


Tumingin sakin si Jaicelle ng masama. Siguro narinig nya yung bulong ko para sa kanya.


"Sige Jake.. Mukhang may importante ka pang gagawin eh.. " Lumakad na lamang ako at nagtuloy tuloy ako hanggang sa makalabas ako ng pinto.


Buset na babae yun. Kung ano ano kasi yung pinagsasabi.


"Shine..!" Nakita kong hinahabol ako ni Jake.


Sandali akong tumigil para maharap sya.


"Bakit?" tanong ko. Hingal na hingal sya kaya naman hinayaan ko muna syang hindi magsalita. "Ano ba yon?" tanong ko ulit.


"Bakit bigla kang umalis doon?.. Sabay tayong papasok diba?" sabi nya.


Huminga ako ng malalim. "Mukhang kailangan nyo munang mag usap na dalawa e. Siguro magkita na lamang tayo sa campus... Sige alis na ako." Lumakad na ako pero pinigilan nya ako.


"Pero ako ang maghahatid sayo.." sabi nya. Hinila ko yung kamay ko na hawak nya.


"Kaya ko namang mag isa.. Magco-commute na lamang ako.." sabi ko. Tuluyan ko na syang iniwan doon at pumara na ako ng masasakyan.


*****


Pagkarating ko ng campus, nag-stay muna ako sa may lobby para magpahinga. Since hindi pa naman magi-start yung class ko sa finance kaya dito muna ako.


Kinuha ko sa bag ko yung phone ko at nakita kong nag-text si Jake sakin.


Antayin kita mamaya after ng class mo.


Kaya naman ti-next ko sya.


Okay.


Oo na. Sobrang ikli ng text ko sa kanya. Dahil alam ko namang kausap pa rin nya si Jaicelle.


Galit ka ba?


Wow naman. Hindi naman ako galit. Pero bakit ganun yung reaksyon ko? Galit nga ba ako? Or baka naman hindi?


Hindi ko na lang sya ni-replyan. Hinayaan ko na lang yung text nya na ganun.


Nung tumayo ako bigla ko namang nakita si Tristan. Himala at hindi nya kasama si Erika. Usually kasi lagi silang magkasama. Iniwasan ko na lang sya. Pero nagulat ako dahil pati sya, hindi rin ako pinansin.


Nakakapanibago yung ganito.



Fleeting Moments from the Past (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon