Kabanata 18

447 11 1
                                    


Kabanata 18


Kinabukasan hinatid ako ni Jake sa Unit ko. Yung tungkol naman kay Jaicelle, hindi ko na lang inintindi yun. Dahil kung iintindihin ko pa yun baka mas lalo ko lang mapatunayang nagseselos nga ako.

Pero hindi ako nagseselos ah! Tinatanong ko lang naman kung sino yun eh. Masama bang tanungin kung sino ba talaga yun?


"Okay ka na ba talaga?" tanong nya sakin matapos kaming makaupo at makarating sa unit ko.


"Oo.. okay lang ako.. " Tumayo ako at nagtungo sa dining. "Gusto mo ba ng maiinom?" alok ko sa kanya. Nakita kong busy sya sa kakapindot ng phone nya. At sino naman yung ka-text nya?


"Hoy. Kinakausap kita.." pero mukhang hindi nya ako narinig kaya ti-nap ko yung mesa para maabala sya sa kakapindot ng phone nya.


"Ha?"


"Wala.. Sige na mag-text ka na lang dyan.. " 

Lumakad na ako papuntang kwarto ko. Agad kong binagsak sa kama ko yung bag ko at humiga ako. Sandali akong tumitig sa ceiling ng kwarto ko.


 Pagbaling ko ng tingin ko sa may tabi ng study table ko nakita ko ang gitara ko kung saan  matagal na nung huli ko syang nagamit.


Tumayo ako at kinuha ko ito. Umupo ulit ako sa kama ko at binuksan ko ang zipper nito. Pagkaalis ko nito mula sa lalagyan, nagsimula akong mag-strum.


Pumikit ako habang iniisip ko ang mga bagay na dapat siguro, hindi ko na iniisip.


"He's the reason for the teardrops on my guitar"

                                                  "The only thing that keeps me wishing on a wishing star"

          "He's the song in the car I keep singing, don't know why I do"  


Patuloy lang ako sa pagkanta, hindi ko napapansin na umiiyak nanaman ako. Sht! Napatigil ako sa pag-strum at pagkanta dahil sa pagbagsak ng mga luha ko. Mabilis ko itong pinunasan. Sht talaga!


Tinabi ko nalang yung gitara ko at nahiga ako. Naisip ko, tama nga lang siguro ang-


Blag!


Ano yun?


Napatayo ako ng marinig ko yung malakas na tunog na yon. Inayos ko muna yung sarili ko saka ako lumabas ng kwarto ko. 


Nakita kong hawak ni Tristan yung collar ng damit ni Jake.


"Tristan!" Agad akong lumapit sa kanya at tinulak ko sya. "What do you think are you doing?!.."


Tinulungan ko si Jake na makatayo. "Okay ka lang?" Nag-nod na lang si Jake.


"Eh gago yang lalaki na yan eh! Bakit andito yan?" Parang nag init yung ulo ko sa sinabi nya.


"At ano sa tingin mo?.... Nandito sya para samahan ako na dapat ikaw yung gumagawa... At anong sabi mo?.. 'Bakit andito sya?'  Andito lang naman sya dahil tinulungan lang nya ako.."


"Hindi ka naman dati basta nagpapapasok ng lalaki sa unit mo.. Ilang linggo mo pa lang nakikilala yang gago na yan!"


"Wag mo syang matawag na gago.. Dahil mas gago ka keysa sa kanya.. Tandaan mo yan Tristan.."


"Oh sige na!" Tinaas nya yung kamay nya sa ere. "Ako na ang gago!.. Concern lang naman ako sayo.. Masama ba yun? Masama bang maging concern ako sa bestfriend ko?.. Masama bang-"


"Bestfriend?.. Sa pagkakaalam ko.. Si Lyn na lang ang bestfriend ko.. At wala ng iba.." sabi ko. "Alam mo mas mabuti kung umalis ka na lang.. Kasi mas may dapat pa akong pag-aksayahan ng oras at panahon keysa ang makipagusap sayo.." tugon ko.


"Fine.. Aalis na lang ako.. Tutal hindi mo na ako kailangan.. At may iba ka ng dapat hingan ng tulong at hindi ako yun.."


"Oo.. Kaya umalis ka na.." Pumunta ako ng pinto at binuksan ko ito para tuluyan na syang umalis. "Ano pang hinihintay mo?"


Lumakad sya at tuloy tuloy na lumabas ng unit ko. Agad ko itong sinara ng makaalis na sya. Tumingin ako kay Jake na hawak pa rin nya yung pisngi nya kung saan sya sinapak ni Tristan...


Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko yung pisngi nya.


"Kukuha lang ako ng-" Napatigil ako ng hilain nya yung kamay ko dahilan upang mapatingin ako sa mga mata nyang mapupungay. 



Fleeting Moments from the Past (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon