"Happy we... happy we tayo... sa lucky me tayo... happy we." Napahagikgik pa sya habang kinakanta yun. Medyo bulol pa sya pero ang cute ng boses ng anak ko.

"Ang galing naman ng baby namin." Pagpupuri ko sakanya. Sakto namang traffic kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na halikan si Leya sa tuktok ng ulo nya.

Humagikgik ulit sya. "Lucy, mag-sing ka din." Masaya nyang utos sa kakambal nya

"I don't know how to sing!" Ang reserved talaga ng kilos ng anak ko. Mana sa Tita Monique nya.

"Sing the commercial of Kendra. Yung Dan-dan-dan-dalandan."

"I-Ikaw nalang kaya!" Napahalakhak ako. Pero syempre joke lang. Baka ayawan na naman ako ng anak ko kaya pinigilan ko ang sarili kong humalakhak.

"Okay!" Kinanta na naman ni Leya yung dalandan na Nesfruta commercial.

Nakarating kami sa Monica's mansion na kung ano-anong kinantang patalastas ni Leya.

Maliban sa kinanta nitong Lucky me at Nestfruta Dalandan, kinanta pa nito yung patalastas na Chuckie, Celeen, Bonakid 3+, Coke at marami pang commercial na nakaka-LSS para kay Leya

Tawa lang naman kami ng tawa. Pati si Lucy nakikitawa din na m
once in a blue moon lang mangyari.
ko

"We're here!" Anunsyo ko sa dalawang prinsesa ko. Sayang wala ang reyna ko.

I sighed secretly.

Mabilis namang bumaba sila Leya at Lucy pagkatapos kong i-park ang kotse.

Agad na bumungad sakin ang mukha ni Mommy pagkapasok palang namin sa bahay ng Vergara.

"Where are my granddaughters?!" Excited nitong tanong.

Napatingin si Mommy sa tabi ko.

"Oh my, they are so lovely." Agad nitong nilapitan ang mga anak ko at inisa-isang pinupog ng halik.

"Mom, you're scaring them." Napatingin ako sa nagsalita.

"Nikki." Lumapit si Monique sakin at hinalikan sa pisngi.

"Hi, I'm your Aunt Monique." Nakangiti nitong pagpapakilala sa sarili. "Your dad's sister. " I saw fondness on my sister's eyes.

"H-Hi, I'm Leyara Rheign Phillips." Bibang pagpapakilala ni Leya sa sarili nya. "Leya for shor." Inabot nito ang malilit nitong kamay kay Monique.

"H-Hi, I'm Lucy." Malamig naman ang boses ni Lucy na kabaligtaran sa bosea ni Leya.

"Lucy reminds me of you, Nikki." Nakangiting sabi ni Mommy habang titig na titig sya sa kambal.

"Oo nga mommy. Yan din ang eksaktong sinabi ko sa sarili ko ng una kong  nakita si Lucy." Nakita ko ang pagsimangot ni Lucy at Monique ng sabay.

Pero hindi naman sila nagsalita.

"Hi, I'm Monica Vergara. Your dad's mom. Please call me Mama..." Napahalakhak ako sa tinuran ng Nanay ko.

"Hi Ma-ma!" Napahagikgik si Leya pagkatapos nyang banggitin ang Mama with slang.

Enjoy na enjoy naman ang Mommy at ang malayelo kong kapatid sa kadaldalan ni Leya.

"Anyway, Rage. When are you planning to change the surname of my granddaughters?!"

Pagiiba ni Mommy ng usapan. Gusto ko sana pagkatapos ng kasal namin ni Hare. But I don't think she would like to marry me.

I'm just thankful that I can see my daughters as long as I want.

"Soon mom!" Mahinang sagot ko.

Kumunot ang noo nya. "How about the mother of your children. Hare, do you have plans on marrying her?!"

--

Author's Note:

Yay! Kailan kaya lalambot ang lungs ni Hare?

Yearning For Love(VS#1) Where stories live. Discover now