Part 8: Almost There

Start from the beginning
                                    




















10. Matteo Guidicelli


Kyla: Hala! Si Matteo? Wow! Nakakagulat nga!

KZ: That's my brotha!

Erik: Kung maka-brotha! Kapatid mo?

KZ: Tse! Bro ko nga yan di ba? Tropa ko yan!

Yeng: Alam na po ba niya Sir?

Alora: Oo nga po Sir, ba't wala siya dito?

Mr. Lapaz: Actually, di pa niya alam. Mamaya ipapaalam ko na sa kanya pero parang alam ko nang uunahan niyo na ako sa pagsasabi sa kanya..

Me: Naku Sir! Si Alora pa..ang daldal niyan.

Alora: Grabe Luis ah! Marunong kaya ako magtago ng sekreto..

Robi: Weeehhh??

Mr. Lapaz: O sige na. Pwede na kayong umalis. Kung kasali kayo sa intermission number, magpractice na kayo.. Congratulation to all of you!
Lalong-lalo ka na Geronimo. Consistent! Congrats! Well done!

Sarah: Thank you po Sir!

Kyla, Yeng, Erik & KZ: Thank you po ulit Sir, bye po!

Mark & Alora: Bye Sir! Thank you!

Me & Sarah: Bye Sir!

Robi: Matt-Sala Sir! Matt-Sala!

Sir Lapaz: Ikaw talaga Domingo! O sige na bye!

Paglabas namin ng classroom pumunta kami agad nina Sarah at Robi kina Alex at Anne na nasa learning hut..

Anne: Guys! How was it?

Me: (lungkut-lungkutan ang drama) Haaayyy! :(

Alex: Bakit Luis? Ba't ganyan ang mukha mo? Ampanget!

Robi: Eh kasi...

Sarah: 3rd placer si Luis! Wohoooh!

Anne: Talaga? Wow! Manzano! We're so proud of you!

Me: Hihihi..thank you Anne!

Alex: Drama King ka talaga Luis! Lungkut-lungkutan ka pa! Halika nga dito!

Me: Bakit? Sisikuhin mo na naman ako?

Alex: Hindi! Pa-hug lang ako! Proud na proud nga ako sa'yo eh!

Me: Asus! Ikaw pala tong madrama eh. O sige na nga!

Niyakap ko na si Alex.. Kahit pa para kaming aso't pusa neto, mahal ko rin itong baduy na 'to..

Robi: Oy, pasali kami!

Anne & Sarah: Group hug!

Robi: At siyempre, congrats kay Sarah dahil siya pa rin ang Top 1!

Sarah: Congrats din sayo Robi, Top 2!

Anne: Congrats sa inyong dalawa! Di na kami nagugulat sa inyo kasi consistent kayo diyan sa pwesto niyo!

Alex: Si Luis..sumunod talaga! Di ba si Kyla yung 3rd placer nung 2nd at 3rd grading?

Sarah: Kay Luis pa rin talaga ang korona.. Bumawi eh! Nung 1st grading siya naman talaga yung 3rd placer kaya lang nalamangan ni Kyla nung 2nd at 3rd grading..

Me: Siyempre! Laban kung laban! Ayoko naman magpatalo na lang kay Kyla..

Anne: That's the spirit Manzano! Sana kami ni Alex makatungtong man lang sa Top Ten!

Sarah: Kaya yan! Go lang tayo ng go!

Robi: Kaya niyo yan Anne at Alex. Andito lang kaming tatlo for the two of you. Si Matteo nga eh, di nga namin akalaing makapasok siya sa Top Ten. Siya ang pumalit kay Christian sa pang 10th place..

Alex: Seryoso?

Anne: As in?

Sarah: Totoo nga!

Me: Akalain mo nga naman! And dating bully ngayon ay goodboy na..

Sarah: I told you di ba.. Nagbago na talaga yung tao..

Alex: Infairness naman diyan sa jowa mo Sars ah..

Sarah: Hoy! Jowa ka diyan Alex! Tumigil ka nga..baka may makarinig sayo oh..

Anne:  Alex, wa mo muna masyado ipilit ah. Antayin muna natin yung right time for that. Masyado pang maaga. Di pa ako ready na magka-jowa na si Sarah..

Me: Ayan na naman kayong dalawa sa pagiging praning niyo. Kulang na lang i-award sa inyo yang "Praning Students of the Year"..

Alex: Kahit kelan ka talaga Luis eh. Panira!

Sarah: O siya sige na guys! Balik muna ako sa classroom, naiwan ko yung tumbler ko..

Luis: Sige Sars, canteen na muna kami ni Robi..

Anne: Di muna kami ni Alex sasama sa inyo Luis, may practice pa kami eh. Alam niyo na, may dance number kami sa closing..

Alex: Tayo na Anning, tinatawag na tayo..

At pumunta na kami ni Robi sa canteen. Bumili kami agad ng snacks tsaka umupo na..

Robi: Bro, kumbinsido na talaga ako na nagbago na yung si Matteo. #ChangeIsComing na talaga..

Me: Oo nga bro.. Pero di pa rin ako magiging maluwag sa kanya pagdating kay Sarah..

Robi: Ay, oo naman bro. Pero kung saan masaya si Sarah, susuportahan na lang natin bro..

Me: Siyempre naman bro. Basta wag lang yang sasaktan si Sarah..

Robi: Lumambot na talaga puso mo bro.. So napatawad mo na si Matteo?

Me: Almost there..kunting effort pa. Pasasaan ba't darating din yung time na yan. Di naman pwedeng habang buhay ko na lang kamumuhian yung tao. Diyos nga nagpapatawad agad, ako pa kaya na si Luis lang ako. Itong kagwapuhan ko lang ang panama ko..

Robi: Boom! Ayun! Nakalusot pa bro!

Me: Kunting support naman diyan bro!

Robi: Hahaha! Naman bro! Diyan ako bilib sayo eh! Ikaw na talaga bro!

Me: Salamat bro! Tropa talaga tayo..










A/N

Hello guys! Sana magustuhan niyo. Gusto ko ring makabasa ng mga  opinyon niyo kaya feel free to give your feedbacks..
God bless you all!! :)

All This TimeWhere stories live. Discover now