Part 9. Slowly

184 4 2

Matteo's POV

Andito na kaming lahat sa school gymnasium namin para sa Closing Exercises this year. Nagsiupuan na kaming mga Top Ten students sa kanya-kanyang pwesto. Until now lutang na lutang pa rin ako dahil di pa rin ako makapaniwala na kasali ako sa Top Ten. Tuwang-tuwa nga yung Daddy ko nung tinawagan ko siya after naming mag-usap ni Mr. Lapaz. Pati si Kuya PJ, proud na proud sa'ken...


(Flashback..)

After kung tawagan si Daddy, pinuntahan ko si Kuya PJ sa classroom niya..


Me: Hello po, andiyan po ba si Kuya?

Diether: Matt, wala dito Kuya mo, nasa Office of the Ombudsman..

Yan na talaga tawag nila sa office ni Kuya sa school bilang siya ang SSG (Student Supreme Government) President..

Me: Ahh, sige po salamat..


Pagdating ko sa office ni Kuya, nakita kong kausap niya yung mga SSG Officers ng school. Naisip ko na sa bahay ko na lang sasabihin kay Kuya, kay umalis na lang ako, nang biglang niya akong tinawag..


Kuya PJ: Gian..ba't ka nandito?

Me: Eh, kasi Kuya..

At niyakap niya ako bigla...

Kuya PJ: Congrats bro! Proud na proud ako sa'yo! Alam kung masyado akong naging hard sa'yo pero tuwang-tuwa ako ng mabalitaan kong kasali ka sa Top Ten ng klase mo..

Me: Ang OA mo Kuya, pang 10th place lang ako, hindi ako yung 1st. Sobra ka naman maka-react diyan.

Kuya PJ: Siyempre, ngayon ka lang nakasali sa Top Ten eh..nung elementary ka pa, pasang-awa lahat ng grades mo. Thank you God at nagbago na talaga 'tong kapatid ko!

Me: Grabe naman yan Kuya, ganun na ba talaga ako kabobo?

Kuya PJ: Oo, dati. Pero ngayon, wow! Sinaniban ka na talaga ng matalinong espiritu..

Me: Oy, may namana din kaya akong kunting talino mula kay Daddy. Di nga lang kasing talino mo, pero atleast, meron kahit katiting lang.

Kuya PJ: O sige na nga. Pero seryoso, Gian sobrang proud ako sa'yo. Anlaki na ng pinagbago mo..

Me: Eh, siyempre Kuya, ayoko na palagi na lang nagpapasaway sa'yo tsaka kay Daddy. Nakakahiya din naman kasi, pati dito sa school, pinapagalitan mo ako sa harap ng mga estudyante. Binata na kaya ako..

Kuya PJ: Binata na pala ha.. Kaya pala grabe ka kung makatitig kay Sarah. Oy Gian, umamin ka nga sa'ken, nililigawan mo ba si Sarah?

Me: Ha? Hindi Kuya! (pasigaw ko pang sabi)

Kuya PJ: Eh bakit ang defensive mo?

Me: Hindi! Kasi naman Kuya, friends lang talaga kami. Tsaka, nakakahiya naman kasi, baka hindi ako magustuhan nun..

Kuya PJ: So, may balak ka ngang ligawan siya?

Me: Ha? Wala Kuya noh!

Kuya PJ: Asus! Wag ka munang magsalita ng tapos. Alam kong crush mo yang si Sarah. Tingin ko nga, siya yung dahilan kaya ka nagbago eh. Nagpapa-impress ka noh?

Me: Kuya talaga, nang-aasar ka pa eh!

Kuya PJ: Naku Gian! Wag mo munang madaliin yan ah. Masyado pa kayong bata. Madami pa kayong pagdadaanan. Darating din yan sa tamang pagkakataon. Enjoyin niyo muna kung anong meron kayo ngayon. At, wag na wag lang talaga akong makarinig na may ginagawa kang kalokohan ah. Kasi kahit kapatid kita, parurusahan talaga kita.

All This TimeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!