Part 11: Love Game

186 5 1

SARAH'S POV

      Araw ng Lunes, abala kaming lahat sa school. Malapit na kasi ang SportsFest namin kaya kanya-kanyang practice na ng mga larong sasalihan.
Ako naman ay papunta na sa tambayan ng barkada. Nagpatawag kasi ng meeting 'kuno' si Luis. Taray! Meeting daw?! Anyways, pagkarating ko ay sinundo agad ako ng sermon ni Alex...





Alex: Hoy, Divina! Ang tagal mo!

Ako: 9:40 am sabi niyo, eh 9:41 na, so isang minuto lang akong late, wag OA!

Alex: Sa'n ka ba kasi galing?

Ako: May kinuha lang po ako sa library, Ms. Minchin. Pasensya.

Alex: Mabuti!

Robi: Baliw! Haha!

Luis: So, ngayon na kumpleto na tayo, magsi-upo na tayong lahat!

Anne: Ang OA Luis ah! Kanina pa tayo nakaupo dito. Tsaka ba't ba masyado kang pormal diyan eh anim lang naman tayong nagmi-meeting dito.

Robi: Para tayong nasa Stockholders Meeting..

Matteo: Oo, tas si Luis ang CEO ng kompanya..

Luis: Bakit ba, eh sa gusto ko eh. Shut up na muna kayo!

Anne: Okay, you're the boss!

Luis: Alright! Before anything else, may I request Sarah to lead the prayer..

Ako: Ay! OA na talaga yan Luis!

All: Hahahaha!

Luis: Joke lang! Eto na nga.. Nagpatawag ako ng meeting para mapag-usapan natin ang participation natin sa nalalapit na SportsFest.

Anne: Ako, as usual, nagpalista na ako sa gymnastics!

Alex: Ako sa badminton! Sa doubles kami ni Sarah!

Ako: Oo. Si Alora sa singles tas kami ni Alex sa doubles. Pero nagpalista din ako sa table tennis.

Robi: Talaga? Eh di ba Matteo sa table tennis ka din?

Matteo: Yes bro!

Ako: Talaga ba? O, eh di dalawa na tayo!

Anne: Oyyyy! Sinadya mong magpalista dun Sars noh, kasi andun si Matteo...

Ako: Hindi ah! Di ko naman alam na nagpalista 'tong si Matteo dun eh. Nabanggit lang kasi sa'ken ni Enchong na ibinalik na daw yung table tennis kasi madami ng sasali. Tsaka nakapaglaro na din naman ako dati ah, nung 1st year..

Alex: Defensive masyado Sars? Pwede namang oo at hindi lang yung sagot mo eh, haba pa ng explanation mo.. ;)

Ako: Duh! Knowing you, kailangan talaga may explanation kasi kung ano-ano na lang naiisip niyo noh!

Luis: O siya, tama na yan. Ikaw Robi, go pa rin ba tayo sa soccer?

Robi: Yes naman bro! Team tayo eh!

Luis: Okay, nalista ko na names natin sa soccer team. May tatlo tayong 2nd year students, sa 3rd year ay apat, isa sa 1st year. So, isa na lang kulang natin..

Robi: Sige bro, maghahanap ako sa 4th year Section 5..

Luis: Okay bro, ikaw na bahala diyan. So, ganun pa rin guys ha. Pag natapos na tayo sa kanya-kanyang game, puntahan yung hindi pa tapos at magcheer. Kailangan nating i-cheer ang bawat isa!

All This TimeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!