Part 8: Almost There

207 5 0

Luis' POV

3 days after the exam..
Andito kami ngayon sa school, naghahanda ang lahat for this school year's Closing Exercises. May nagpapractice ng kani-kanilang intermission number doon sa Zubiri Building. While kaming consistent honor students ay pinatawag ni Mr. Lapaz for the announcement of our class' Top Ten..
Pumasok na kami ng classroom kasama ko si Robi at Sarah. Si Anne at Alex ay hindi namin kasama kasi hindi sila nakaabot sa Top Ten. Nasa pang 12th kasi si Anne at pang 16th naman si Alex..

At ito na nga, kaharap na namin si Mr. Lapaz. May pa suspense pa si Sir eh. Tinakpan pa niya ng puting tela yung chalkboard..

Mr. Lapaz: Hello students! Ito na nga! This is it! The moment that we all have been waiting for. Sino-sino kaya ang nananatili pa rin sa kani-kanilang ranking. At sino-sino rin kaya sa inyo ang nagkapalit ng pwesto..

Me: Grabeng suspense naman yan Sir, parang game show ho?

Sarah: Lu, wag kang maingay.. Yaan muna si Sir.

Robi: Bro, di ka na talaga makapaghintay ah..

Luis: Eh sa naiihi ako eh.. Kinakabahan na nga rin ako..

Sir Lapaz: Okay, eto na! May I present to you all, this year's Top Ten List of Honor Students..

At binaba na nga ni Mr. Lapaz yung puting tela na nakatakip..

Top Ten Students:

1. Sarah Geronimo
2. Robi Domingo
3. Luis Manzano
4. Kyla Alvarez
5. KZ Tandingan
6. Erik Santos
7. Alora Sasam
8. Mark Bautista
9. Yeng Constantino

Nagtaka naman kaming lahat dahil hanggang 9 lang yung pinakita ni Sir..

Me: Sir, yung pang 10th po..

Mark: Oo nga po Sir..

Mr. Lapaz: Relax! Heto na nga, sasabihin ko na kung sino. Kunting suspense muna kasi pati nga ako nagulat sa bigla niyang pag-angat. Nalamangan pa niya si Christian Bautista na consistent yun na pang 10th place.

Alora: Mark, natanggal yung kambal mo sa Top Ten..

Mark: Kaya nga eh. Sobrang lungkot nga niya..

Yeng: Sayang si Ian.. Ako nga buti na lang pasok pa..

Mr. Lapaz: I spoke na to your twin brother kanina Mark. Sinabi ko na sa kanya ang dahilan ng pagkalaglag niya sa Top Ten. Mababa kasi yung scores na nakuha niya sa exam tas yung project niyo pa sa English late na niyang napasa. Sabi rin sa'ken ni Ms. Lanie Misalucha na mababa yung grades niya sa essays, kaya bumaba yung rank niya, nasa 11th place na lang siya.

Mark: Sige po Sir, kakausapin ko na lang po ulit..

Mr. Lapaz: Anyways, ito na ngang pang 10th place natin. Di ko na-imagine noon na makakatungtong siya ng Top Ten kasi nga napakapasaway ng batang ito dati. Pero mula nung 2nd grading unti-unti itong nag-iba ng kulay. Naging masipag na, gumagawa na ng projects at assignments. Bigla naman akong natuwa sa batang 'to kasi nakikita ko naman na nagsumikap na siya sa pag-aaral. At yun nga after nung 4th periodical exam niyo nung Friday, pagcheck ko ng testpapers niyo. Aba, na-impress talaga ako sa batang 'to. Mataas ang mga scores niya. Well, hindi man kasing taas ng scores ni Ms. Geronimo pero knowing this kid, talagang masasabi kong, wow! So, ito na..may I present to you the 10th placer..

Unti-unting tinanggal ni Mr. Lapaz yung nakatakip sa pangalan...

















All This TimeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!