Part 7.2

152 5 2

Matteo's POV

Nag-ring na yung bell for lunch break, kaya tumayo na si Ms. Jolens at nagpaalam muna saglit..

Ms. Jolens: Okay class, you may now eat your lunch. Since sinabihan naman kayong lahat na magdala ng baon for lunch, so dito lang kayong lahat sa classroom kumain. Bawal kayong lumabas ah. Alam niyo na yung rules..

All: Yes Maam..

Umalis na si Ms. Jolens at nagsilabasan na yung mga lunchbox ng mga classmates ko. Napatingin ako sa may bandang likod kung saan nakaupo si Sarah kasama sina Luis.
Natatawa na lang ako sa reaction ni Sarah habang hinalungkat niya yung bag niya. Napahampas pa ito sa noo ng marealize niyang naiwan pala niya yung lunchbox niya..





Sarah's POV

Oh My God! Naiwan ko yung lunchbox ko! Ano na ang kakainin ko ngayon?! Tanga-tanga mo Sarah! Di pa naman pwedeng lumabas..

Robi: Oh Sars? Anyareh? Namumula na yung noo mo kakahampas mo diyan.

Me: Eh kasi naiwan ko yung lunchbox ko..

Anne: Don't worry Sars, share na lang tayo ng baon..

Alex: Oh, marami din akong rice dito Sars. Alam mo naman si Mommy Pints, gusto madami yung kakainin ko eh hindi ko naman mauubos..

Luis: Ba't mo ba kasi naiwan Sars?

Me: Kakamadali ko kasi kanina eh..

Robi: Malala na yan Sars, ang bata-bata mo pa, makakalimutin ka na. Pangalawang beses na yan ah. Nung una yung portfolio mo nakalimutan mong dalhin..

Bigla kaming natigil nang lumapit sa amin si Matteo..Naiilang pa akong tingnan siya kasi ilang araw na din akong umiiwas sa kanya mula nung huli kaming nag-usap na may nasabi siyang ikinabigla ko..

Matteo: Sarah, ito pala baon mo oh. Naiwan mo daw sabi ni Ate Sunshine mo. Nagkasabay kasi kami kanina..

Me: Naku! Ahh..ehh..Thank you!

Matteo: Wala yun.

Napayuko na lang ako sa hiya..

At nung akala ko ay umalis na siya..
pag-angat ko ng mukha ay nakaupo na siya sa harap naming lima..

Kumunot naman ang noo ni Luis. Si Alex naman at Anne ay tinaasan ng kilay si Matteo. Nang makita niya ang mataray na mga mukha nila ay tumayo na ito..

Matteo: Ahmm.. Sige Sarah, alis na ako. Guys, alis na ako.. (hiyang-hiya niyang sabi)

Me: Thank you ulit!

Paalis na sana siya ng biglang..

Robi: Matt..

Napalingon naman si Matteo..

Robi: Matt-Sala...Matt-Sala...

Me: Hahaha! Baliw ka talaga Robi..

Matteo: Hahaha! No problem bro!

At nakaalis na siya, bumalik na sa kanyang upuan..

Pinagtitinginan naman nila akong apat..

Me: Oh? Ba't ganyan kayo makatingin?

Alex: Kikilig ka noh?

Robi: Ayiiieeehh! Si Sarah kinikilig!

Me: Tse! Tumigil ka nga diyan Robi para kang bakla!

Robi: Asus! Deny pa more Sars, alam namin kinikilig ka..

Luis: Nanliligaw na ba sayo yung Macheww na yun?

Me: Hala! Grabe siya! Hindi noh! Kayo talaga, napaka malisyoso niyo!

Anne: Baka naman may hindi ka sinasabi sa amin Sars..

Me: Haay! Grabe kayo! Wala nga!

Luis: Bat may pasmile-smile ka pa diyan?

Me: Hoy, hindi ah. Andito na kasi yung baon ko. Di ba pwedeng na-appreciate ko lang yung tao..

Alex: Bakit ang defensive mo? (may pa taas-taas pa ng kilay)

Me: Bahala na nga kayo! Kumain na nga lang tayo. Gutom lang yan!

Anne: Asus! Sige na nga! Kung di lang ako gutom eh..

Robi: Grabe! Ang titigre ng mga mukha ninyong tatlo kanina ah. Yung kilay ni Anne sobrang taas na, lagpas noo. Kay Alex naman nanlilisik pa yung mga mata. Si Luis naman binilang ko yung kunot sa noo, mga 10 lines ata..

Me: Ayy, grabe kayo ah. Di naman ata tama na ginaganun niyo yung tao. Wala naman siya ginagawang masama..

Luis: So ngayon pinagtatanggol mo siya? Baka nakalimutan mong madaming atraso yung mokong na yun..

Me: Di naman sa pinagtatanggol ko siya Luis. Eh, nagbago na naman yung tao eh. Lahat naman ng tao may chance pang magbago. Kaya sana bigyan niyo naman siya ng chance na maipakita niya sa inyo na nagbago na siya. Pinagtanggol na nga niya ako di ba? So sana naman, kung hindi man para sa inyo, kahit para sa akin na lang..

Anne: Okay Sars, but don't expect me to forgive him agad-agad ah.

Alex: Bigyan mo na lang kami ng mga 2 months para mapatawad siya..

Robi: Wow! 2 months Alex? Sobra naman yan..

Alex: Bakit ba? Eh sa yan ang gusto ko eh..

Anne: Nope. 1 month!

Luis: Sige ganito na lang. 2 weeks!

Alex & Anne: 2 weeks?

Alex: Bilis naman ata niyan Luis!

Robi: Lumambot na puso mo bro ah!

Me: Wow! Thank you Lu!

Luis: Basta para sa iyo, para sa happiness mo at para sa ikabubuti mo, susuportahan kita!

Me: Thank you so much Lu! Ang lakas ko talaga sayo! Payakap nga!

Anne: Oy, kami rin sali!

Alex: Group hug!

Robi: Group hug!

Me: Mahal na mahal ko kayo. Tandaan niyo yan! Kahit nakakainis kayo kung minsan..haha :D

Anne: Awwww! We love you too Sars!

Luis: Mahal na mahal ka rin namin. Kaya sana maintindihan mo kung bakit ganun kami kaprotective sa'yo..

Robi: Oo nga Sars, kung sino mang nagbabalak na lumapit sayo, sa amin muna dadaan..

Alex: Plangak! Ganun ka namin kamahal bakla kaya wag ka ng magdrama diyan..

At nagtawanan na kaming lima...

Hayy! Ang swerte ko talaga dahil may mga kaibigan ako!




A/N

Hello guys! Pasensya na at mabagal akong mag update. Pasingit-singit lang kasi ako eh.
But I'm trying my best na makapag update..
Salamat sa mga nagsisipag na bumabasa netong story ko. God bless you all! :)

All This TimeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!