Part 7.1 : EXAM

187 2 0

Matteo's POV

Papunta akong school, nagmamadali baka ma-late ako, di ako makapag-exam..

Mabilis akong naglalakad ng biglang...

OUCH!!!

Me: Ayy! Sorry Miss..

Miss: Hindi okay lang..

Me: Sunshine? I mean, Ate Sunshine..

Ate Shine: Naku! Guidicelli, ikaw pala yan. Sorry ha, nabangga pa kita..

Me: Hindi, ambilis ko din kasing naglakad kaya di ko namalayan may nakabangga na pala ako. Sorry..

Ate Shine: Eh di halika na..pareho pala tayong nagmamadali..

Me: Ikaw lang po mag-isa? Asan po si Sarah?

Ate Shine: Ayun! Nauna na siya. Ang aga nagising di man lang ako ginising. Sa pagmamadali niya naiwan tong lunchbox niya..

Me: Kung gusto niyo po ako na lang po magbibigay sa kanya. Total classmates naman kami..

Ate Shine: Yun na nga sana sasabihin ko. Pakibigay na lang ito sa kanya ha. Maraming salamat.

Me: Walang anuman po..

SARAH's POV

Andito ako ngayon sa classroom kasama sina Anne at Alex habang hinihintay namin sina Luis at Robi..

Anne: Bakit ang tagal nina Luis? I texted him naman di nagre-reply..

Alex: Si Robi nagtext papunta na daw hinatid pa kapatid niya sa classroom nito.

Me: Teka tatawagan ko ulit si Luis..

0917*******
(kring.....kring....)

Me: Hello Lu..asan ka na?

Luis: Nakalabas na ako..

Me: Anong nakalabas? Teka, asan ka ba?

Luis: Nasa C.R.

Me: Ikaw talaga! Pinag-alala mo kami. Dalian mo na nga diyan. A few minutes andito na proctor natin..

Luis: Eto na nga oh..papunta na. Sige bye!

Alex: Ano? Asan na si Luis?

Me: On the way na daw..

Anne: Ba't ang tagal?

Ayun at dumating din ng sabay yung boys namin..

Alex: Mga mokong na to, pinag-alala niyo kami ha..

Robi: Hinatid ko lang kapatid ko oy..

Anne: Ikaw, Manzano, ba't ang tagal mo?

Luis: Ayan ka na naman sa pagiging praning mo!

(pinisil-pisil pa ni Luis ang ilong ni Anne)

Anne: Aray! Sakit ah!

Luis: Praning ka kasi masyado!

Me: Hulaan niyo kung saan galing si Luis..

Alex: Kay Angel? Yung nililigawan niya? Naku! Wag ako Luis!

Luis: Isa ka pa eh..

(At nilagay ni Luis yung daliri niya sa ilong ni Alex)

Alex: Aray naman Luis!

Luis: Sige, magsalita ka pa, buong kamay na talaga ilalagay ko diyan sa ilong mo..

Alex: Ayy! Kasya yan sa bunganga ni Anning..

Robi: Hahaha!

Anne: Grabe siya!

Me: Haha! Mas grabe to Anne...
Alam niyo ba na si Luis ay galing sa C.R. kanina?!

Alex & Anne: Ano?

Luis: Hehe.. Sumakit kasi bigla yung tiyan ko.

Anne: Waaahhh! How dare you! Kaya pala may kakaibang amoy yung kamay mo sa nose ko..

(Hinampas ni Anne si Luis sa balikat at pinagsusuntok ang muscles neto.)

Luis: Aray! Aray naman Anne!

Anne: Kulang pa yan sa ginawa mo sa'ken..

Luis: Hala ang OA! Naghugas kaya ako. Tsaka ikaw yung kadiri. Pagpisil ko ng ilong mo kanina, may basa nga ng kunti. Sipon mo ata! Ewww..

Anne: Tse! Wala kaya!

At biglang tumakbo si Alex papunta kay Luis..

Alex: Walang hiya kang baboy kang baka ka! Pinasok mo pa daliri mo sa ilong ko Damulag ka!

(Sumampa si Alex sa likod ni Luis, sinisiko yung likod at sinakal si Luis.)

Tawa lang kami ng tawa nina Robi at Anne..

Luis: Aray Alex! Tama na! Suko na ako!

Robi: Hoy Alex, tama na yan. Baka yan pa ikamatay ni Luis!

Alex: Hoooh! Sarap makaganti!

Me: Grabe Alex! Si John Cena ka ba? Kung maka-wrestling ka naman kay Luis..

Luis: Grabe Alex! Sakit ng katawan ko! Ampayat mo nga pero ang sakit naman ng mga buto mo! Ang tulis!

Alex: Buti nga sayo! Kala mo ha!

Maya-maya ay nagsi-upuan na kaming lahat dahil dumating na yung proctor namin..

Proctor: Hello class! Good morning!

All: Good morning Maam!

Proctor: I'm Ms. Jolina Magdangal, from Magsaysay National High School.

Marvin: Wow! Sabi po kasi nila madami daw po magaganda sa Magsaysay NHS. At, totoo nga po, kasi ang ganda niyo po Maam..

All: Weeeew!

Ms. Magdangal: Well, thank you naman kung ganun.

Alex: Ms. Magdangal..pwede po bang Ms. Jolens na lang po tawag namin aa inyo?

Anne: Hoy Alex! Respeto! Teacher po si Ms. Magdangal. Kung makapagbigay ka naman ng petname kala mo naman tropa-tropa chill lang..

Ms. Magdangal: No, it's ok! Actually, Ms. Jolina ang tawag ng mga estudyante ko saken. Pero ok din naman ako sa Ms. Jolens. Ahhmm? What's your name?

Alex: Catherine Gonzaga po. Pero tawag po nila saken Alex po..

Ms. Jolens: Ok Alex it is. Anyways, as much as I wanted to get to know all of you pero kailangan na nating magstart. Pero after ng exams niyo, pag may free time kayo, pwede din naman tayong magkwentuhan. Puntahan niyo lang ako sa learning hut. Dun ako pupunta mamaya..

Robi: Yes Ms Jolens. Pupunta po kami dun. Di ba guys?

All: Yes!

Ms. Jolens: Well, excited na akong makilala kayong lahat..




A/N:
Hey guys! I'm back!
Pasensya na po at sobrang tagal kong nakapag-update. Naging sobrang busy lang po kasi, tsaka ngayon lang ako nagkatime mag-update.
Babawi ho ako..promise!
Mwahhh! Love yah! :) <3





All This TimeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!