Part 5 - Friends??

359 8 2

SARAH'S POV:

Hayyy! Grabe..nakakapagod!

Andami ko pang gagawin. Eh kasi naman kailangan kong humabol,dami ko pang kailangan isulat. 3 days akong hindi pumasok sa class kasi pina-attend ako ni Sir Lapas sa seminar for preparation sa Journalism Competition namin. Ako lang ang nakuha sa lahat ng 1st year students na nagtry, kaya sobrang nakaka-pressure.

Anyways, kahit na sabi ni Sir Lapas na excempted ako sa class, kailangan ko pa talagang humabol. Malapit na pala 4th periodical exam namin baka wala akong maisagot neto. Ayokong bumaba ranking ko sa Top Ten. Lagot! Baka hindi na ako mag Top 1 neto sa finals.

Since breaktime naman, umupo na muna ako sa learning hut. Ang sarap kasi ng hangin dito kaya nakakarelax din ng kunti.

Maya-maya'y biglang nagring yung phone ko..

From: Luis
      Sars..alam namin na busy ka. Kaya wala kaming balak na istorbohin ka, kaya hahayaan ka na lang muna namin na makapagconcentrate. Solo flight ka na muna ngayon ha. Mamaya ka na lang namin puntahan pag-uwian na. Good luck Sars..and we miss you.

Awwww! Sweet talaga ng mga kaibigan ko..namiss ko na tuloy sila.

Matawagan nga...

Dial.. 0917******* (kring..kring..)

Luis: Hello Sars..oh? Bakit?(naka-loud speaker pa..)

Me: Wala lang. Gusto ko lang mag-thank you sa inyo. Miss ko na kayo!

Luis: Wag kang mag-alala..susunduin ka na man namin mamaya eh.

Anne: We miss you too Sars!

Alex: Oo nga Sars! We miss you!

Robi: Libre mo kami mamaya ha.

Luis: Aray naman! Hinay-hinay lang. Yang mga boses ninyo, sakit sa tenga.

Alex: Sus! 'To naman. Namiss lang namin si Sarah eh.

Luis: Susundiin nga natin siya mamaya di ba?!

Me: Hehe..kayo talaga. Kaya namiss ko kayo eh.

Luis: O sige na Sars. Baba ko na to..ang iingay ng tatlong 'to eh.

Me: Okay Luis. Bye! See you later!

Alex, Anne & Robi: Bye Sars! See you later.

Me: Hehe..sabay pa talaga kayo ha.

Luis: Babye na Sars! Ingat ha..

Binaba ko na yung phone.

Hayyy! Kakamiss talaga yung apat. Pero okay na rin yun na di kami nagkikita. Di kasi ako makapagconcentrate talaga eh pang andiyan sila. Alam niyo na..ang ingay ng mga yun. Hehe..pero mahal na mahal ko ang mga yun.

MATTEO'S POV:

Nasa learning hut ako ngayon. Mag-isa lang ako. Kasi naman naiinis ako. Ayoko ng istorbo. Uggghh! Sarap manuntok talaga eh. Nakakainis! Di pa rin talaga ako makapaniwala sa sinabi ni Kuya PJ sa'ken kanina. Ganun na ba talaga ako kasama para tratuhin nila ako ng ganito?!

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglang may narinig akong tawanan mula dun sa may 3rd to the last learning hut.

Tumayo naman ako para alamin kung ano...

SARAH'S POV:

Tumayo na ako sa kinauupuan ko para bumalik na sa library nang makapag-study ulit. Nang biglang may narinig akong tawanan ng mga lalaki sa likod ko.

All This TimeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!