Part 3.2

275 7 2

Nasa harap na namin ang sinasabi ni Manong Bobby sa akin kanina na SSG (Supreme Student Government) President ng school. Matangkad ito at halata sa itsura na matalino..sa suot pa lang na salamin sa mata..obvious na obvious. At Piolo pala ang pangalan niya, nabasa ko sa ID niya.

Piolo: There you are again, late comers!

Matteo: Ohh! Nice to see you again bro.

Pero..di-neadma lang siya ni Piolo.

Piolo: Oh, sige na. Magsimula kayo dun sa bandang likuran ng canteen. Pulutin niyo ang mga nakakalat na basura o dahong tuyo. Libutin niyo buong quadrangle.

Sumunod naman kami lahat...nang biglang tinawag niya si Matteo.

Piolo: Gianmatteo..maiiwan ka. May espesyal akong ipapagawa sa'yo.

Matteo: Bro ha..baka isipin nila na bias ka. Ok lang naman sa'ken na sumali sa kanila eh.

Piolo: Special ka kasi kaya espesyal din ang ipapagawa ko sa'yo. Halika na.

Matteo: Ok. Ikaw bahala. (At..tumingin siya sa amin.) Oh, guys pano ba yan. Espesyal daw ako eh. Ayaw akong pahirapan.

Yabang talaga....

Enchong: Yeah right bro. Good luck!
Jessy: Andaya. Papahirapan tayo pero si Matteo hindi. Unfair!

Ano kaya ang ipapagawa niya sa mayabang na yun? Hmm..bahala na nga. Bibilisan ko na lang tong pagpulot ng basura, baka di na ako makapasok neto sa 1st period..

Abala kami sa pamumulot ng basura..nang biglang napatingin ako kung saan banda si Matteo nakatayo. Pakamot-kamot ito ng ulo.

MATTEO'S POV

(A/N: Oh..ayan! May POV na siya.)

Kakainis naman 'to oh! Ito pa talaga pinapagawa sa'ken.

Piolo: Oh, Gian..sige na! Kumilos ka na diyan.

Matteo: Bro naman eh. Parurusahan ba naman ako ng ganito.

Piolo: Reklamo ka ng reklamo..simulan mo na nga yan.

Matteo: Kuya naman eh. Gawain ng babae 'to eh.

Piolo: Ginagawa din niyan ng lalaki. Sadyang tamad ka lang talaga. Sige na..kilos na kung ayaw mong dagdagan ko pa yang trabaho mo.

Matteo: Kuya, please! Di ako marunong neto.

Piolo: Mamili ka. Gagawin mo yan o tatawagan ko si Papa at ipapadala kita dun sa Davao?

Matteo: 'To naman. Ito na nga oh. Alis ka na nga lang kuya. Pagtatawanan mo lang ako dito eh.

Piolo: Okay. Pag natapos mo yan, pwede ka ng pumasok sa classroom niyo. Good luck bro!

At umalis na siya, naiwan naman si Matteo na kausap ang sarili.

Matteo: uggh! Ang hirap nman kasi neto. Pa'no ba 'to?

SARAH'S POV

Nakita ko si Matteo na hirap na hirap sa pinapagawa sa kanya ni Piolo. Pagkatapos ko sa pamumulot ng basura, dumaan muna ako kung nasaan si Matteo.

Ano kaya ginagawa niya? Malapitan nga..

Me: oh?!

Matteo: Ano? Pagtatawanan mo 'ko?

Gusto ko talagang tumawa ng malakas pero pinigilan ko ang sarili ko...

Me: Espesyal pala ha! Kaya pala yan ang pinapagawa sa'yo kasi masyado kang pa-espesyal.

Matteo: Umalis ka na nga. Mang-aasar ka lang eh.

Me: Are you sure na alam mo kung paano magtanim ng cactus? Baka may maitulong ako.

Matteo: Eh kung magpapatulong ako sa'yo, papayag ka ba?

Me: Hindi!

Matteo: Ayun naman pala eh. Tsupi!

Me: Okay! Ikaw ang bahala!

Paalis na sana ako ng biglang nag-ingay si Matteo.

Matteo: Aray! Kainis! Ano ba naman 'to. Sakit ah! Dami kasing tinik.

Deadmahin ko na sana..kaso nakokonsensya ako eh. Dumugo yung daliri niya dahil sa tinik...kaya binalikan ko siya.

Me: Ayan! Yabang kasi..

Matteo: Oh! Ba't ka bumalik?

Me: Ayaw mo? Ikaw na nga tinutulungan..susungitan mo pa ako. Usog ka nga ng kunti, ganito lang yan oh.

At pinakita ko sa kanya kung paano. Kunwaring galit ang mukha ng mokong pero obvious sa mga mata niya na natutuwa siya.

Me: Oh, ayan! Ganyan lang. O sige ikaw na.

Matteo: Okay. Kaya ko na. Sige na umalis ka na.

Me: Wala man lang thank you diyan?

Matteo: Salamat!

Me: Galit? Ikaw pa nga tinutulungan eh.

Matteo: O sige na nga. Thank you! (pilit na pinalalambot ang boses)

Me: Para kang bakla! Haha :D

Matteo: Ano?

Me: Wala. Saba ko okay na. Aalis na ako.

MATTEO'S POV

Sa totoo lang naiinis din ako sa sarili ko. Tinutulungan na nga ako nung tao, pride pa rin ang inuna ko.

Honestly, ayoko pa sanang umalis siya. Maganda pala talaga siya sa malapitan. Matagal ko siyang tinitigan kanina habang tinuturo niya sa akin kung paano magtanim ng cactus. Salamat na lang din sa mga tinik mo cactus.

A/N:

Pasensya na po kung matagal akong di nakapag-update. Medyo busy eh. Alam kong lutang na lutang siya, pero babawi ako sa susunod.

Hehe :)

Thank you nga po pala sa mga bumoto sa story ko..tsaka sa mga nagbabasa rin. Salamat po talaga!

I love you all and God bless :)

All This TimeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!