Part 6.2

335 5 0

MATTEO'S POV


Nandito ako ngayon sa learning hut, hinihintay ko si Sarah. Ano na kayang nangyayari dun? Makumbinse niya kaya si Sir Martin? Hayyy! Naku naman! Patay talaga ako neto. For sure pag nalaman 'to ni Daddy, ililipat na niya ako ng ibang school. Grrr! Nakakainis!


Maya-maya ay dumating na si Sarah...



Me: Oh? Ano na?

Sarah: Di ko pa alam eh. Wala pa namang sinasabi si Sir Martin.

Me: hoooh! Kinakabahan talaga ako!

Sarah: Naku! Wag ka na muna mag-isip masyado ha. Halika! Kain tayo, treat ko.

Me: Talaga?

Sarah: Oo. Bakit? Ayaw mo?

Me: Eh, bakit mo naman ako ililibre?

Sarah: Wala lang. Bawal ba? May magagalit?

Me: Wala naman..

Sarah: Oh, wala naman pala eh. Dami mong sinasabi..halika na nga!


Nakapulupot yung mga kamay niya sa braso ko at hinila niya ako papuntang canteen. Ewan ko ba, pero parang nag-iba yung pakiramdam ko ng hinawakan niya yung braso ko. Napakalambot ng mga kamay niya na parang feeling ko ayokong bumitaw yung mga kamay niya sa braso ko..parang ang sarap halikan ng mga kamay niya..



Sarah: Hoy! Matteo!

Me: Ha?

Sarah: Ano yung gusto mong kainin?

Me: Ah, ham sandwich na lang tsaka 8oz na coke..

Tindera: Okay..

Sarah: Lalim ng iniisip mo ah..

Me: Ha? Wala..ano lang..

Tindera: Iho..ito na oh.

Me: Thank you po..ito po bayad.

Sarah: Hep! Sabi ko ako na eh. Ito po Ate. Thank you!

Tindera: Salamat din iha..


Pumunta na kami sa upuan..


Me: Ano ka ba..bakit ikaw ang nagbabayad?

Sarah: Ayan ka na naman. Di ba nga sabi ko treat kita? Kulit mo!

Me: Eh, nakakahiya. Ako yung lalaki dapat ako ang nanlilibre.

Sarah: Shhhh! Ang ingay mo! Kumain ka na nga diyan..

Me: Sige na nga..



SARAH'S POV


Ang kulit talaga ng mokong na 'to. Tsaka minsan di ko maintindihan..minsa maingay tas maya-maya tahimik na naman siya. Tulad ngayon, tahimik na naman siya..


Me: Hey! Okay ka lang?

Matteo: Ha? Ahh..oo naman. Bakit?

Me: Bakit? Eh, tulala ka na naman diyan. Ano ba iniisip mo? Kung yung tungkol kay Sir Martin yan, wag ka ng mabahala dun. Sigurado naman akong naniniwala yun sa mga sinasabi ko. Tsaka nasa tama naman tayo eh kaya confident akong mananalo tayo.

All This TimeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!