Part 4 - "High Five"

286 7 0

Lumipas ang ilang months..nakapag-adjust na talaga ako ng bongga sa school. Madami na rin akong nakilalang friends, at ngayon may apat na akong close friends na parati kong kasama. Si Anne, ang medyo kikay sa grupo. Si Luis na mapang-asar. Si Robi na genius, sa kanya kami komokopya ng assignments kung minsan. At si Alex na parang babaeng bakla sa grupo. Mawawala talaga ang inis mo pag kaharap mo siya..kulit kasi tsaka nakakatawa.

Sila ang mga taong nakilala ko at naging karamay ko sa school na hindi ako iniwan sa ere. Nang dahil sa kanila naging magaan ang buhay ko sa school.

Speaking of the devils..hehe :)

Andito na sila..

Robi: Sars..kanina ka pa namin hinahanap. Saan ka ba galing?

Luis: Don't tell me sinugod mo na naman ang Machew na yun..
Ikaw Sars ha, madalas na ata ang bangayan ninyong dalawa. Para na kayong magjowa. Kayo na ba? Ha?

Anne: Hey! Hey! Luis..that's not gonna happen. Hindi ako boto sa Chochochelli na yun noh! Ang cheap nga ng porma.

Alex: Plangak!! Tama ka diyan Anning..at tsaka hindi kayo magkalevel nun Sars..brainy ka kaya, samantalang siya..sabog ang utak nun.

Me: Wait lang! Grabe naman kayo. Ang daming niyo namang sinasabi. Di pa nga ako nakapagsalita..ang iingay niyo na. Pwede bang ako naman?

Anne: Go..ikaw na!

Me: First of all..nawala ako kanina kasi pumunta ako ng library, may hiniram lang akong book dun. At hindi ako pumunta sa Chochochelli na yun. At kaya kami laging nag-aaway kasi lahat ng sinasabi ko, lagi na lang niyang binabara. Inis na inis ako kung bakit siya pa naging ka-partner ko sa Science Experiment kasi di ako makapagconcentrate. Yun lang.. hindi ko siya boyfriend! FYI! Hindi ko siya type. Alam niyo namang ayoko sa mga lalaking mayabang at tamad. Period. So okay na? Di pa ba kayo uupo?

Luis: Masyado ka namang defensive Sars.

Me: Luisss!

Luis: Joke lang. Ito naman high blood kaagad.

Me: Nakakainis ka kasi eh.

Robi: Oh..tama na yan. Mabuti pa kumain na lang tayo.

Anne: Yeah! I'm hungry..

Alex: Kaya pala halos pinakyaw mo na lahat ng paninda dun sa canteen, Anning.

Anne: Hindi kaya. Kunti nga lang binili ko eh. At tsaka..Alex, stop calling me Anning..pwede? Sounds like Praning..and I hate it!

Luis: Praning ka naman kasi kung minsan eh..lalo na pag naiwan mo yang lip gloss mo.

Robi & Alex: Haha :D Tama!

Me: Hoy! Tumigil na nga kayo. Pinagtulungan niyo pa si Anne.

Anne: Yeah! Thank you Sars. I love you! And the three of you? I hate you!

Alex: bleeh!

Me: Tama na nga yan. Para kayong mga bata eh. Ilang months na lang magse-second year na tayo..di pa rin kayo nagbabago. Ang kukulit pa rin.

Anne: Ah ganun? Guys..makukulit daw tayo..siya hindi! Ano?

Luis: Makukulit pa la ah!

Robi: Alex..dun ka sa likod ni Sarah.

Alex: Aha! Humanda ka sa'min.

Me: Hoy! Anong gagawin niyo?

Anne: Lagot ka sa'min Sars..

Me: Hoy, ano ba..wag niyong ituloy yang binabalak ninyo. Nakakahiya! Pinagtitinginan na nila tayo oh.

Luis: Wala kaming paki sa kanila.

Me: Guys! Please lang..tama na. Sorry na..

Alex: Ahh! Hindi!

Anne: Guys! 1....2...3...go!

At sabay silang lumapit sa'ken at pinagkikiliti nila ako ng bongga..tawa na lang ako ng tawa. Ang sakit na ng tiyan ko.

Me: ahhh! tama na..please! Maawa naman kayo sa'ken. Ayoko na!

Alex: Ohh..tama na yan guys! Baka yan pa ang ikamatay ni Sarah. Lagot tayo kay Tita Divine niyan.

At tinantanan na nila ako sa wakas. Hayy! Kakapagod..sakit pa ng tiyan ko.

Ganyan talaga kaming apat. Para kaming mga bata kung magkukulitan. Sanay na ako sa kanila..nakakainis kung minsan..pero love ko ang mga yan. At ang tawag sa aming lima... "The High Five"..

Gusto sana ni Anne na "Fab Five" na lang, pero ayaw ni Luis. Para daw silang mga bakla ni Robi sa salitang Fab..kaya "High Five" na lang since Highschool students naman kaming lima.

All This TimeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!