Part 10: The Climb

164 5 1

A/N
Guys, simula dito, fast forward na tayo ha. Pero siyempre may mga flashbacks din naman para may linaw naman kahit kunti..hihi :)
Thank you sa pag-unawa. Enjoy :)










MATTEO'S POV

       Mula nung araw ng pagtatapos namin ng First Year High School ay unti-unti na kaming nagkalapit ni Sarah. Unti-unti na rin akong tinanggap ng mga kaibigan niya bilang parte na ng barkada. Siyempre sobrang saya ko kasi gusto ko ding mapalapit ang loob ko sa mga taong malalapit kay Sarah. At first, pinapahirapan talaga nila ako, lalong-lalo na si Luis, kasi siya talaga yung leader ng grupo....










*FLASHBACK*

Luis: Oh, Matteo, ready ka na ba?

Ako: Yes bro. Ready na ako!

Robi: Luis, bro, kailangan ba talaga nating ipagawa ito sa kanya?

Luis: Siyempre bro, isa ito sa mga pagsubok na dapat niyang lagpasan para makasali siya sa grupo.

Alex: Naku Luis ha! Pag may mangyaring masama diyan kay Matteo, ikaw talaga managot diyan!

Anne: Oo nga Luis. Ang taas kaya niyan! OMG! I don't wanna see this! Gusto ko ng umalis dito!

Luis: Mabuti pa tumahimik na lang kayo diyan! Dito natin masusukat kung gaano siya ka-determinadong sumali sa atin.

Robi: Yeah bro. Pero di naman ito fraternity o kung ano-ano pang grupo diyan na kailangan ng initiation!

Ako: Guys! Okay lang! Kaya ko naman eh. Promise!

Alex: Promise,promise ka diyan! Eh kung mamatay ka diyan, mapa-promise mo bang hindi mo kami mumultohin?

Anne: Grabe, Alex! Patay agad?! Wala namang ganyanan oh. Ayokong maging kriminal! Ayokong makulong!

Luis: Guys! Tiwala lang, okay?!

Ako: Yeah right! Trust me! Pero siyempre, pray for me na rin..hehe :D

Anne: Tsee! Hehe ka diyan! Parang mauuna pa ata akong mamatay dito sa nerbiyos eh.

Luis: Okay na! Sige na Matteo, nang matapos na 'to!

Matteo: Okay! Kaya ko 'to!

    

          At umakyat na nga ako sa puno ng niyog na may taas na 25 feet ata sa pagkaka-estimate ko habang paakyat ako. Sa totoo lang, grabe ang kabog ng dibdib ko habang paakyat ako ng paakyat. Nanginginig yung mga paa at tuhod ko pero di naman mahahalata nina Luis kasi medyo malayo na ako tingnan eh.
          Nang papalapit na ako sa pinakatuktok mas lalo akong kinabahan at bigla kong naisip si Sarah. Naalala ko one time narinig ko siyang nagpa-practice ng kanta para sa presentation niya for our school's founding anniversary. Sobra akong na-amaze sa ganda ng boses niya, napaka-angelic ng boses niya while singing "The Climb" by Miley Cyrus. Yes! I know the song kasi music lover din ako pero di ito alam ng lahat. I keep it as secret pati ang pagtugtog ko ng gitara ay tinatago ko. Tanging si Kuya PJ lang ang nakakaalam.
           Anyways, yun nga, naalala ko kung gaano kaganda yung pagbali ni Sarah dun sa song. Ginawa niyang mellow na may pagka-RNB pero powerful pa rin siya, especially nung tinaasan pa niya yung notes. Ay grabe! Nakakapanghina ng tuhod yung boses niya..
          Katulad nung kanta, itong ginagawa ko..literal na The Climb talaga siya kasi umaakyat naman talaga ako. Dinadama ko talaga yung lyrics ng song habang patuloy na umaakyat.

"But I, I gotta keep tryin'..
Gotta keep my head held high.."

Hanggang sa nakarating na talaga ako sa tuktok ng puno. Nagpahinga muna ako sandali, at napatingin sa baba dahil sa sigaw ni Robi...

All This TimeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!