Natawa ako. Huh? He's madly inlove with Jarah? Oh come on! Tsk! That Claudia did a big mess, wasn't she? Gusto niya talagang pahirapan ang buhay ko nu? Tss. Pasalamat nalang siya at hindi na magk-krus ang landas namin, kung hindi naku! Kakalbuhin ko talaga yun!!. Psh.


"But you..." bigla siyang nagsalita. This time napatingin ako sa kanya.


"What about me?"


Ngumiti siya saakin. "The first time I felt your presence hindi ko na mapigilan na gustuhin ulit na maramdaman ka. And the first time I saw you, you made a big shot on my heart. Mas lalong ayoko ng ilayo ang mga mata ko sayo."


Habang sinasabi niya yun, nakatitig lang ako sa kanya. I... don't know what to say. Bigla nanamang nagbago ang takbo ng emosyon sa katawan ko. Tapos yung dibdib ko parang may malakas na tambol sa loob.


"Ah... What does that mean?" wala sa sariling tanong ko.


"I guess, you've been a big part of my life?" patanong din niyang sagot. Ay wow. Tanong na sinagot ng tanong. Pero siguro confuse lang siya. Ngumiti nalang ako sa kanya.


"I guess so." sagot ko. Is this some kind of a heart to heart talk? If yes, ayos ah. I feel better.


"Naglunch ka na ba?" tanong niya.


Tumango ako. "Ou pero konti lang nakain ko. Nabwisit ako dun sa kambal." umalis ako sa railings saka naupo sa bench.


"Kambal? Your friends?" lumapit siya para tabihan ako.


"Pfft! Friends? Hahahah! Baliw, friends ka diyan. Mga anak natin yun!"


"What? We had a kids?"


Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Oh shoot!


"Ahm. Forget it! Nagugutom na ako, I should go. Matatapos na ang vacant time ko." tumayo ako at dali daling umalis sa harap niya.


"Teka Himea. Samahan na kita, gutom na din ako." sinabayan niya nga ako sa paglalakad.


Err. Parang naweweirdo'han ako sa sitwasyon namin. Hindi ko magawang sigawan siya. Feeling ko gusto kong magpagood shot sa kanya! Waah! Ano ba yan! Nakakapeste!


I just shove the thought away at nagpatuloy nalang sa pagbaba. Pagbaba na pagbaba namin ng hagdan, may tatlong lalaki kaming nakasalubong.


"Oh look who's here. Akalain mong hindi ka pa pinagpapalit ni Sky?" nagtawanan silang tatlo. Napabuntong hininga nalang ako. Kung kelan naman gumanda ang mood ko saka may mga susulpot na asungot.


"At sino naman kayo?" walang ganang tanong ko. "Ah wait! Di ko na pala kailangang malaman. I don't talk to trash. So get lost. Usui let's go." hinawakan ko ang wrist ni Usui para makaalis na sa harap nung tatlong yun. Come on! Kahit minsan maging maganda naman yung vibes ng paligid ko!

The Vampire's Fangs 1&2(Completed)Where stories live. Discover now