Kasama dapat ni Tim Tim si Lian sa Info&Techno unit dahil doon sila parehas magaling. Subalit, hindi ko maintindihan kung bakit wala ngayon si Lian. Nag-aalinlangan akong mag-isip ng masama sa kaniya, ngunit hindi ko maiwasang mag-duda.

Alam kong hindi umayon lahat sa plano ni Incess ang mga bagay bagay. Maraming nagbago sa loob ng pitong buwan. Sa inaraw-araw na gumagawa kami ng kibo para sa Apocalypse. Hindi pa din maiiwasan na may mabulilyaso.

Maayos na sana ang plano noon tungkol sa Diablo's Territory, maari na sanang mapatumba ang Empire gamit ang batas nila. Maari na sana... Ngunit bigla na lamang umatras si Incess. Hindi ko alam ang buong pangyayari subalit nagbago ang ihip ng hangin.

Muntik na kaming mahuli lahat noon na nag-tratraydor sa Empire, kung hindi lamang kami sinalo ni Nate. Alam kong may bahid na kami noon ng pag-aalinlangan sa Empire, at ngayon ang magiging patunay na tuluyan na talaga kaming tumiwalag sa kanila.

Hindi ko alam kung anong mangyayari ngayon. Ngunit, ibibigay ko na lamang ang buong tiwala ko kay Incess... kahit magkagulo pa ang lahat.

Hindi ko alam ang detalye kung bakit kami napunta sa ganitong sitwasyon, at hindi ko alam kung bakit kami pumalpak noon. Ngunit, ramdam na ramdam ko noong araw na iyon... ang mapanganib na pagbabago.

Incess was considering her issue with the Empire with caution, handa nga siyang ipaubaya ang Empire sa hustisya ng teritoryo ng diablo. Ngunit biglang nagbago ang lahat sa isang iglap.

Malamig ang turing sa amin ni Incess dati, ngayon? Mas lumamig pa. Kahit inuutusan niya kami, ni minsan hindi niya na kami kinausap nang maayos. Laging maikli, laging walang emosyon. Akala ko may pag-asa pa na maibalik namin iyong samahan namin kay Incess noon, pero hindi na nangyari iyon.

Ang Incess na kaharap namin ngayon... masyado nang nakakatakot, masyado nang kinakain ng...

"Annicka." Parang biglang lumabas ang kaluluwa ko sa sarili kong katawan noong may bigla na lamang umimik noong pangalan ko. Para din akong biglang binagsakan ng naglalamigang yelo noong makita ko kung sino iyon.

Nanginig agad ang kamay ko noong titigan ko ang itim na itim na mga mata niya. Sa pagkaka-alam ko hindi iyon ang natural na kulay ng mata niya. Pero mas naging matapang ang dating niya dahil sa kulay na iyon.

"I-I-Incess..." Hindi ko matuloy ng diretso ang pangalan niya dahil sa pangangatog. Imbis na umimik ay inirapan lamang niya ako at saka sinenyasan na lumabas ako. Noong una ay nagtakha ako kung bakit niya ako pinalalabas subalit noong ilibot ko ang paningin ko sa buong silid na napasukan ko ay dali-dali na talaga akong lumabas.

Damn, Annicka.

Pagsuway ko sa sarili ko gamit ang isip. Napasok ko lang naman ang kwarto na dapat ay siyang tutuluyan ni Incess. Kaya naman pala siya nandoon. Agad akong naglakad ng mabilis at saka ako nagdire-diretso. Mabuti na lamang at kabisado ko ang lugar na ito kaya naman doon na ako dumiretso sa unit na aasikasuhin ko.

Habang naglalakad patungo doon, ay unti-unti kong inayos ang kumpostura ko. Hindi ako pwedeng humarap sa mga tauhan namin—este ng Apocalypse kung hindi ako handa. Ako ang magiging pinuno nila, hindi puwedeng ganito ako.

Lumunok muna ako pagkatapos ay huminga nang malalim. Noong makarating ako daan patungo sa silid ng unit ay napansin ko kaagad na maraming tauhan ang nagkalat sa pasilyo. Mukhang hindi sila magkaintindihan kung alin ang uunahin. Napansin ko din ang ligalig sa paligid. Siguro ay masyado silang tensyonado—mali, hindi sila tensyonado dahil kitang kita nang dalawang mata ko ang pagkasabik sa kanilang mga mata.

They've been prepared for this.

Hindi na ako nagpaligoy-guy pa noong makita kong halos magkabanggaan na sila. Agad akong tumigil sa paglalakad at saka naglabas ng isang baril, walang alinlangan kong pinaputok iyon sa pader na medyo malayo sa akin. Sinigurado ko ding walang matatamaan sa kanila.

Liars Catastropheजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें