#31: ღ Third Heartbreak ღ

Comenzar desde el principio
                                    

"Ano ka ba okay lang yun, magsosolo na lang ako. Wag ka ng mag alala diyan." –Pinat nya yung ulo ko at nag sorry, nginitian ko lang siya at sinabing okay lang. Pero sa totoo lang gusto ko ng maiyak, ate Abby I need you here :(

Sa hindi ko namalayan ay umupo pala si Baste sa bakanteng upuan na tabi ko. "Hey chocolate, are you okay?" –Tanong niya saakin. Umiling ako bilang sagot, seryoso gusto ng pumatak ng mga luha ko. Dagdag pa yung unggoy na nasa likuran ko.

"Oh what's wrong? May masakit ba sayo?" Halata ang pag aalala sa boses ni Baste kaya naman tinignan ko siya kahit teary-eyed na ko.

"E kase Baste, wala akong partner sa research paper natin. Solo ko lang." –Tinakpan ko yung mukha ko dahil di ko na talaga mapigilan yung pagpatak ng mga luha ko, peste naman oh ang babaw talaga ng mga luha ko!

Hinawakan naman ni Baste yung kamay ko at pinunasan yung luha ko. "Sinong may sabi sayong magsosolo ka? Nandito ako, I'll be your partner." –He pats my head and smile at me. Nag light naman yung mood ko dahil sa mga narinig ko. Buti pa si Samuel lagi nandito sa tabi ko, kahit na kakakilala pa lang namin siya na palagi tumutulong sa akin. Niyakap ko siya sa sobrang saya na nararamdaman ko. Gulat naman ang reaction niya pagkakalas ko sa yakap ko. Aww ang cute naman ni Baste! Namumula pa siya haha parang kamatis *u*

Hindi ko namalayan na nasa loob pala kami ng classroom kaya naman inasar kami ng mga kaklase namin, pati na rin yung teacher namin. Hala!

"So next to Seiya and Xander, may isa pa pala tayong love birds." –Pang aasar ng teacher namin. Nag ayie pa lalo yung mga kaklase namin kaya namula ako lalo, hala naman! Tinignan ko yung expression ni Baste, at hala! Mas lalo siyang namula haha! Ang cute naman niya.

"Sir may pangtalo rin tayong love birds, kanina pa sa likod 'tong si Arisha at Steve e." –Sigaw ng isa naming kaklase. Napa woah naman silang lahat.

"I see, punong puno pala ng love birds ang section na to. Kaya pala iba ang aura pag pasok ko, umuulan ng puso." –Duh sir! Hindi ko ramdam na umuulan ng puso pwe! Ang bitter ko naman.

Nagbago nanaman ang mood ko, the whole subject hindi ako nakikinig. Hindi matanggal sa isip ko kung ano na talaga ang meron kay Arisha at Steve. Sila na ba? Kung sila na nga, walangyang unggoy yan bakit niyaya pa ko ng date tapos binilhan ako ng isang set ng 'The Selection.' Paasa naman, amp.

After ng class, dumiretso ako sa park. Na receive ko na yung reply ni tita Lane sa akin.

Tita Lane

Okay naman na siya, kaso hindi pa rin makausap ng maayos, nag aalala na talaga ako. Pero salamat hija.

Hay, ano ba naman yang si ate Abby. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyare pero sigurado ako na may kinalaman si kuya Caleb dito. Sobra sobra naman na ang naidulot ng dalawang magkaibigan na unggoy na yun sa amin ng ate ko. Hmp.

"Chocolate, ayos ka lang ba? Kanina ka pa malungkot. Dahil ba kay Azalea?" –Umupo si Samuel sa tabi ko.

Umiling ako, "Okay lang ako." –Yan lang ang nasabi ko, wala talaga ako sa mood. Naiinis na nalulungkot lang ako sa mga nangyayare. Hinipan ni Samuel yung mga buhok niya na nalalaglag sa mata niya, mannerism niya yan!

Nakaupo lang kami sa may bench sa park ng school namin, naalala ko nanaman si Steve. Ano ba! Wala na ba akong matinong maiisp kung hindi puro si Steve! Masyado na kong affected, manakaw nga yung linya sa kanta ni David Archuleta na Crush, Am I crazy or falling in love? Is it really just another crush? Ay pwe, corny ko. At tignan mo nga naman, nagmamala music video talaga ang peg ko ngayon. Dumaan ba naman sa harapan namin si Unggoy at Arisha, HHWW pa. Asdfghjkl. Napakunot noo na lang ako at tumingin sa ibaba. Tangina, oo tangina. Ngayon lang ako nag mura kahit sa isip ko lang. Pero sobra na. Bakit parang sobrang sakit na?

The Game Called Love ✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora