My Closet Queen (Chapter 71)

Start from the beginning
                                    

" eh ano naman? Sweet nyo nga kanina eh, tanong mo pa sa mga tao dun"

Ayun binato nya sakin yung unan

"ayun na nga nakakahiya dahil ang daming tao dun tapos ganun mangyayari ughhhhhhhhhhhh!" pagwawala ni Giezel

"eh san ka? Mag lo-loving loving kami dito makikita mo kami" sabi k okay Giezel

Nakatanggap naman ako ng hampas kay Jess, pero mahina lang

"ok lang hindi ako titingin basta wag lang kayo maingay"

Bigla naman ako namula sa sinabi ni Giezel napatingin ako kay Jess na halatang naapektuhan din sa sinabi ni Giezel

"oo na oo na dito ka na mag kwarto" sabi ko kaya ayun isa ngiting tagumpay

Nagpahinga na kami dala na din ng pagod sa byahe at sa kaharutan naming kanina. Magkayakap kami ni Jess yung isa ayun nakatalikod samin pinanindigan nya yung sinabi nyang hindi sya titingin hahaha

Nakaunan sa braso ko si Jess nakapikit sya nakaiglip na siguro tong babae na to. I'll trace her nose using my index finger sobrang ganda nya talaga buti nalang akin ka. I kiss her forehead gently baka kasi magising sya nagulat ako dahil dumilat sya at bigla nya ako kniss sa lips at yumakap sakin ng mahigpit kaya kniss ko nalang ulit sya sa noo ng madiin

Magtatampisaw kami ngayon sa dagat dahil sobra naming namiss ang ganito para kaming nakawala sa hawla. Langoy langoy, at kung ano ano ang pinaggagawa naming hanggang sa mapagod.

Pumunta ako sa medyo mababaw na makakapag sulat ako sa buhangin. Nakaupo lang ako dun habang humahampas yung konting alon sa mga paa ko. Tumabi sakin si Josh

"kamusta pagod ka na?" concern na tanong ni Josh

"ayos lang ako, napagod lang kakatawa kaya umupo muna ako dito. Ikaw?" reply ko kay Josh habang nakatingin lang sa mga kasama namin na halata sa mga mukha nilang enjoy na enjoy sila

"ok lang din. Masaya. Masaya kasi nakalabas kna sa Closet na matagal mo ng tinataguan"

Kung kanina nakatingin ako sa mga kasama naming ay ngayon kay Josh na ako nakatingin.

"what do you mean?" nagtataka kong tanong

"bilib ako sayo at naamin mo na sa lahat, samin, sa mga magulang mo yung about sainyo ni Jess." Nakangiti nyang sabi

"Sorry ah kung hindi ko agad sinabi sa inyo, hindi naman sa hindi ko kayo pinagkakatiwalaan kaso natatakot ako...."

Hindi na ako pinatuloy ni Josh sa pagsasalita

"Sam kaya nga noon pa tinutulungan ka na namin ma overcome mo yang takot mo na yan kaya...."

"panong tinutulungan?" singit ko sya naman yung hindi ko pinatapos sa pagsasalita

"napapansin na namin yung sainyo ni Jess, iba ka pag kasama mo sya, iba yung saya sa mukha mo, yung titig nyo sa isat isa napansin namin yun. Kaya nga diba lapit ako ng lapit kay Jess dahil plano namin yun lahat na baka pag nagselos ka ipakita mo na nararamdaman mo pero wala eh hirap na hirap ka lumabas sa closet na iniisip ang sasabihin ng iba, na natatakot na hindi matatanggap ng iba. Bakit mo lagi iisipin ang iba kung hindi ka naman sasaya? Kaya nirespeto nalang namin yung desisyon mo na yun, hinantay nalang namin kung kailan ka ready sabihin samin lahat. Pero bilib ako sayo dahil hindi ka nagpakulong sa closet na yun lumabas ka at naging matapang ka para sa ikakalaya ng loob mo."

"Talaga? Hindi mo gusto si Jess? Pero seriously salamat kasi kahit na alam nyo na nirespeto nyo pa din kung ano desisyon ko, salamat dahil hindi nyo ako/kami ni Jess hinusgahan, tinanggap nyo kami na normal na couple kagaya ng iba. Salamat talaga sainyo

My Closet Queen (girlxgirl story)Where stories live. Discover now