Chapter 56

1.4K 49 6
                                    


Pumunta kami sa Souvenir shop dito sa ilocos, nag paiwan nalang ako dahil naiinitan na ako sa sobrang tirik na ng araw, lahat sila lumabas bukod sa akin. nag aalanganin pa nga sana lumabas si Jungkook pero pinilit ko siyang pumunta na at ayos lang ako dito. Ang natira nalang dito ay kaming tatlo nina kris at marie.

"Tara na? baka maiwan tayo oh" sabi ni marie habang naglalagay ng pulbo sa muka

"No, where going somewhere." sabi ni kris habang seryoso ang titig sa harap. feeling ko ay wala akong karapatan makinig sa usapan nila kaya pumikit ako at nakinig sa mga tugtugin sa cellphone ko, naramdaman ko nalang ang pagsara ng pinto pagkalabas nila. Now, I'm totally alone. Umidlip muna ako dahil alam kong matatagalan pa sila sa pamimili. Narecieve ko pa ang text ni pauline bago tuluyang matulog . hindi ko na nakuhang mag replay dahil hinala na ako ng antok ng mga pinapatugtog ko

From: Pau
Eljaey, hindi kami makakasabay makapag lunch sainyo ha? Nakapag pa reserve na kasi kami online at sayang naman kung hindi namin magagamit. See you!

Nagising ako ng padabog na pumasok si marie at ni lock ang pinto. halata ang pamumula ng mga mata at ilong niya, nataranta agad ako at pumunta sa tabi niya.

"What happen?" tanong ko habang tinatapik ang likod niya , umiling iling lang siya habang patuloy sa pag iyak. Teka? Asan ba si kris? Dinialle ko ang number ni kris ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko. natataranta na ako si kinauupuan ko kaya patuloy ang alo ko sakanya "Ano ba kasing nangyari? bat ka ba umiiyak?" gaya kanina ay hindi niya pinansin ang tanong ko habang patuloy parin sa pag hagulgol.

Lumabas muna ako ubang bumili ng mineral water, halos takbuhin ko na ang layo ng tindahan sa pwesto ng sasakyan, halos mahimatay narin ako sa sobrang init na humahaplos sa aking balat.
Nang makapunta ako sa tindahan ay hingal hingal pa akong nagsalita

"mineral water nga po"

" 50 ineng" nang laki ang mata ko sa babaeng kaharap ko. 50? eh sampung piso lang yan sa maynila! ang gulang naman nito. hawak niya na ang mineral bottle na maliit

"Ate walang tawad yan? Ang mahal masiyado"

"Nako neng , wala. 80 nga dapat yan. sayo ko lang ibibigay ng 50" automatikong kumunot ang noo ko. hay! bahala na nga! binigay ko nalang sakanya ang 50 at patakbong bumalik sa sasakyan bitbit ang mineral water. Pagkapasok ko ay nakita ko si marie na pinapunasan ang mga mata niya ng baby wipes

"Okay ka na?" tanong ko, tumango siya. inabot ko sakanya ang mineral water at tinaggap naman niya iyon, gusto ko sana siya singilin sa mahal ng tubig dito kaso wag nalang. umiyak na nga tas sisingilin ko pa?

"Thank y-you" napapaos niyang sabi. tumango ako.

"Ano bang nangyari?" tanong ko sakanya. akmang magsasalita na siya ng biglang pumasok sina tao at sehun sa sasakyan at nagingay. natarantang nilagay ni marie ang shades niya sa kanyang mga pulang mga mata. ako naman ay bumalik na sa pwesto ko.

"Eljaey tignan mo oh. binilan kita ng keychain na panda" sabi ni tao sabay lahad sa akin ng panda na maliit. dalawa iyong binigay niya sa akin.

"Salamat. pero bakit dalawa?" takang tanong ko

"Sabi nila, magkasama daw iyan eh. ibigay mo nalang sa kaibigan mo. meaning daw niyan kapag binigay mo sa isang tao ay winiwish mo ang kaligayahan niya"

Tumawa ako "Bakit mo ko binigyan ng ganto? masaya naman ako sa buhay ko eh"

Inisnaban niya ako "WALA KA KASING LOVELIFE" sinamaan ko siya ng titig . tinawanan lang nilang dalawa ni sehun ang reaction ko.

Luhan's Long Lost SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon