Part 51

1.2K 59 19
                                    

Eljaey's Pov

Ng makapag desisyon kami ng kakainin ay tumayo na si Kai at Jimin upang umorder. Nasa Long wooden Table kami nakaupo at sobrang ingay non kaya napapatingin ang ibang kumakain sa amin. 

Ang katabi ko ay si Jungkook at si Kai na kasalukuyang umoorder ngayon at ang katapat namin ay sina Kris at ang Girlfriend niya, gusto ko nga sanang lumipat sa tabi ni kuya luhan kaso ayaw umalis ni sehun. 

"Anong oras na?" tanong ko kay Jungkook ng makaramdam ako ng panlalamig

"11 pm" tingin niya sa relo niya "bakit?" 

"Wala naman" 

Napatingin ako sa gawi nila Kuya na kasalukuyang nakikipag daldalan sa mga katabi niya.
Ang ingay ingay nila, napatawa ako nalang ako sa kakulitan nila. 

"Jungkook" tawag ni baek "May Girlfriend ka na?" 

"Wala pa. Taken na yung gusto ko eh" sabay tingin niya sa akin,nagiwas ako ng tingin. Natawa sila bukod kay kris na nasa tapat ko

Alam ko namang si Marie ang tinutukoy niya at alam ko rin ang ginagawa niya, pinag se-selos niya si Marie. Malakas ang pakiramdam ko na mahal niya parin ito.

"Kayo ha, may something pala sainyo ha buti di nag seselos yung isa" sabi ni chen sabay turo kay kai na may binubulong kay Jimin. Kung alam lang nila na mag ex si marie at jungkook ay  ma re-realize nila na hindi para sa akin ang mga parinig na iyon.

"Uy kris, bat ang tahimik mo? Kanina ka pa ah?" puna ni kyungsoo

"Naninibago lang sa panahon, nasanay ako sa klima ng New York eh kaya nag a-adjust pa katawan ko" saad niya sabay inom

"Ahh. Akala ko naman Lq kayo ni Marie" Ani kuya, nag iwas lang ng tingin si marie. 

Maya maya pa ay dumating na sina Kai at Jimin dala dala ang mga pag kain na inorder namin, agad akong kumuha ng mainit na sabaw sa tasa at hinigop iyon, sarap! sobrang init sa lalamunan saktong sakto sa malamig na panahon.

akmang hihigop ulit ako ng sabaw ng biglang sinubuan ni marie si kris kaya nasamid ako, agad namang inabot ni Jungkook ang tubig "Anong nangyari sayo?" tanong niya.

"Ang init ng sabaw" palusot ko nalang sabay inom ng tubig

"Eljaey?" napalingon ako sa likod ng may tumawag sa aking babae, nanliit ang mga mata ko at inaalala kung sino ang babaeng nasa harap ko ngayon. "Omg ikaw nga, I'm Pauline"

"Pauline?" pilit kong inaalala ang pangalan niya, pamilyar rin ang muka niya ngunit di ko maalala

"Pauline Angel Carag, remember?" aniya. nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto na si Pauline ito, ang Anak ng kaibigan ni papa na nakilala ko habang tine-train ako sa kumpanya

"Pau!" niyakap ko siya agad. "Sorry di kita natandaan agad! Ang ganda ganda mo na"

Tatlong buwan lang kasi kami nag kasama at lumipad na siya papuntang Hong Kong para ayusin ang business ng pamilya nila roon, Simple lang siya noon ngunit ngayon ay parang pang model na siya kaya hindi ko nakilala

"Pauline?" tanong kapagkuwan ni kuya sabay tingin sa kabuuan niya

"Hi Luhan! Miss me?" halakhak niya, crush niya kasi si kuya dati at alam iyon ni kuya ngunit sabi ni kuya ay bata pa raw ito at gusto niya munang kaibiganin ito.

Nagsimula namang magtanong ang ilang miyembro ng exo kay kuya tungkol kay pauline

"Saan ang punta ninyo?" tanong niya sa akin

"Ilocos, kayo?" 

"Ilocos din! Omg! Anong gagawin ninyo roon?" tanong niya sabay hapyaw ng tingin kay kuya luhan sabay balik sa akin

Luhan's Long Lost SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon