Chapter 52

1.2K 60 13
                                    

Eljaey's Pov

Tahimik akong lumabas ng banyo at pumunta sa mesa, naabutan ko pang tinarayan ako ni marie habang nakasabit ang dalawang kamay niya kay kris. nakaramdam ako ng pagkayamot kay marie kaya nag paalam nalang ako kay kuha na pupunta sa table nila Pauline

"Sige, after 15 alis narin tayo sabihin mo" aniya na tinanguan ko. 

Binilisan ko ang pag lakad sa table ni Pauline, maingay sila roon at tila puro lalaki ang pinaguusapan at panay ang nguso sa exo.

"Hi" bati ko sakanila at napatingin sila sa akin habang nakangiti. Hindi pamilyar sa akin ang mga babae ngunit batid kong mababait sila. 

"Oh, Hi Eljaey. Upo ka" ani pauline sabay tapik sa upuan sa gilid niya. umupo naman ako roon. nilunok ni pauline ang kinakain niya at humarap sa mga kasama niya "Nga pala, Here's my girlfriends." 

Inuna niyang ituri ang babaeng naka pony tail at naka suot ng jeans, ngumiti ang babae sakin at lumabas ang dimples niya "from left, shanley"  nagkamayan kami. Sinunod na ipakilala ni pauline ang iba pa

"Yna, Asha, Juliane, Alexa, Khate,Sang and Li" tinanguan ko naman sila isa-isa. 

"Hello" ngiti ko. Hindi ko na sila makuhang kamayan dahil malalaki na ang pagitan namin. Naging maingay naman sa mesa namin, buti pa dito halatang welcome ako.

"Beside me is Rheisha, Michie, Kim" kinawayan ko ang mga katabi ni pauline.

"You're all so pretty" puna ko, nagtawanan naman sila

"napaka honest mo naman!" hagikgik noong Rheisha.

"Ikaw din naman,  eljaey" ani Juliane

Nag ingay rin ang iba ngunit di ko na masundan dahil nalilito ako sa mga pangalan nila

Napatagal ang usapan namin ng di ko na mamalayan. Nagulat nalang ako ng kinalabit ako ni Jungkook

"yup?" tanong ko ng naka kunot ang noo.

"aalis na daw tayo. Nakaka 40 mins na kayo"

Nanlaki ang mga mata ko "Omyghad! I'm sorry!" tumayo ako sabay baling kay pauline "15 mins nga lang pala tayo sabi ni kuya. Pasensya nakalimutan ko"

Natawa silang lahat sa akin

"it's alright. Bayaran lng namin to tas sakay narin kaming van. Go to your kuya, baka naiinip na yun" halakhak niya.

Tumango ako sabay hila sa kamay ni jungkook at sabay kaming tumakbo sa naka park na sasakyan

Lahat sila ay nag aantay sa labas ng sasakyan. Nahagip ko ang mata ni marie na matalim ang titig si kamay namin ni jungkook, agad ko iyong binitawan sa takot na baka kung anong maduduming ideya ang pumasok sa isipan niya.

Dumiretso ako kay kuya sabay hawak sa balikat niya "kuya sorry di ko napansin yung oras"

Tumawa lang siya "It's okay. Alam ko namang miss na miss mo iyon eh"

Nakahinga ako ng maluwag dahil doon, akala ko papagalitan niya ako eh.

Sunod sunod ang paglabas nila pauline at ng mga kaibigan niya

"So eljaey, text text nalang?" ani pau. Tumango ako. Si kuya naman ay nilabas ang kanyang phone at tumingin sa gilid niya sabay abot kay pau ng cellphone niya.

"Give me your number para ma update k-kita" napatingin ako kay kuya at sa namumulang pisnge niya

Humalakhak si marie "Sure, Crush." aniya sabay kindat

"wooh!"

"hokagirl"

Hiyawan nila. Natawa nalang ako, i like pau for kuya too. Kung magiging sila man ay magiging masaya ako dahil deserve ni kuya ang maging masaya, after his break up with ate anne ay hindi na siya nag ka girlfriend ulit. I wonder why..

Ng matapos si pauline ay nakangiti niyang inilahad ang phone ni kuya "bye guys" ani pau

Kinawayan ko naman si pau lalo na ang mga kaibigan niya. I suddenly want to have a roadtrip with them, ang saya siguro.

"Let's go?" tinanguan ko si kuya sabay pasok sa van.

Nauna akong pumasok kay jungkook sa van kaya ako ang naupo sa tabi ng bintana, ng pumasok siya ay sinabi kong doon na muna ako at. Tinanguan niya lamang ako.

Nakaramdam ako ng pagkabusog kaya nag stretching muna ako sa loob ng van. Maya maya pa ay nag simula ng umusad ang van. Nag type ako ng mensahe at ipinadala kay pau

To: Pauline

Pau, we'll head first :)

Sumandal na ko sa upuan at tinignan ang nasa tanawin sa labas. Sa kalagitnaan ng ingay ng exo ay nag text si pauline

From: Pauline

Yep. Paoay Church daw next stop natin sabi ng kuya mong bossy hahaha

To: Pauline

Sayo lang bossy yan, you should be greatful 😛

Natawa ako at ibinaba ang phone ko, at isinarado ang mga mata. Narinig ko ang paghilik sa likod kaya tinignan ko kung sino iyon, si suho at tao.

Nakapatong ang paa ni tao sa tyan ni suho at ang ulo ay nakapatong sa hita ni chen. Nakanganga naman si suho.

Kinunan ko ng litrato ang dalawa, tawa naman ng tawa ang mga natitira pang gising sa loob.

"I post mo jaey!" ani chanyeol

"Tag mo kaming lahat ha" ani xiumin.

Tinanguan ko sila at ipinakita ang litrato nila tao roon. Mas lalong lumakas ang tawanan

Nakita ko pa ang tahimik na pag tawa ni kris.

"Guys tayo naman mag picture" sabi ko sabay harap ng front cam at dahil nasa gitna ako ay nahirapan akong kunan kaming lahat. "Di tayo kasya" sabi ko at napakagat labi

"akin na jaey, dito nalang sa harap para mas kita" ani xiumin

Iaabot ko sana iyon ngunit malayo siya, nasa harapan siya at ako ay nasa pangatlo kaya di ko ma i abot

Nagulat ako ng hinawakan ni kris ang kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko sakanya at tinitigan siya ng ilang sandali

Tumikhim si marie na nakapag balik ng sarili ko

"Ako na mag aabot" aniya sabay ngiti.

Shet! Gusto kong malusaw nalang. "Sure. S-sorry"

Ibinigay niya ang phone kay xiumin. "O guys, game picture!" aniya.

Inayos ko ang sarili ko at ngumiti sa camera

"Game isa pa" ani xiumin

Nag pose naman ako ng naka peace sign, tinignan ako ni kris sabay nag peace sign rin.

"Okay na. Tag mo kami ha" ani xiumin sabay abot kay kris ng phone

Nakita kong bago ibigay kay kris ay napindot niya ang home botton. Agad akong kinabahan lalo na ng mapagtanto kong si kris ng wallpaper ko. Ayokong makita niya iyon

Agad kong kinuha kay kris ang phone at umupo. Nakita ko ang pag ngisi niya, nag iwas nalang ako ng tingin. Sana wala siyang nakita. Sana di niya nakita...



Luhan's Long Lost SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon