Chapter 29 ~ Home?

2.2K 80 2
                                    

Eljaey's Pov

Pagkauwi ko , Mga 4 pm. Sinalubong ako ng kapatid ko na si rowena, ngiting ngiti sya.

"Ate? Ayush lapu ba ekaw?" sabi nya at tinignan ang mga mata ko, siguro ay namamaga ang mga ito.

"Asan si papa, wena? " I admit, na miss ko sila. Pero nangingibabaw parin sakin yung sakit.

"Kaushap pu si mami" sabi nya at turo dun sa bahay namin, binuhat ko sya at pumasok ako sa bahay.

"Hindi nya pwedeng malaman, ayokong mawala sya sakin" sabi ni papa habang nakaupo sa sofa at nakatalikod sa direksyon namin

"Pero hindi sya habang buhay sayo, iba ang pamilya nya!" sabi ng step mom ko , napasinghap ako. ako siguro ang pinaguusapan nila, napatigil sila sa paguusap at tumingin sakin

"O-oh anak! kanina ka pa ba jan?" sabi ni papa at lumapit sakin, yayakapin nya sana ako pero pinigilan ko sya, nakita ko naman na sinamaan nya ng tingin si tita kc , ang kinikilala kong step mom.

"Magusap tayo." sabi ko, hindi ko alam kung anong sumapi sakin, nawalan ako ng galang at amor sakanya.

"Ah s-sge." sabi nya, muka syang hindi mapakali.

"Tayong dalawa lang." sabi ko at tumingin kay tita kc, nagets naman nya siguro dahil nag excuse sya at dinala si rowena sa labas, kasama nya.

Ng naramdaman kong wala na sila, naglakas loob akong nagtanong  "Totoo ba?"

"Ang alin , nak?"  inaasahan ko na ang sagot nyang to, na kunwari ay wala syang alam at mas lalo akong naiinis. 

"Wag kang mag kunwari na wala kang alam." naiinis ako habang binibitawan ang mga katangang to, hindi ako kumukurap dahil sobrang galit ako, hanggat maari ayokong pumikit .

"Anak , ano--" mag de-deny pa sana sya pero ako na ang nagsalita.

" Wag mong i deny! sabihin mo na sakin ang dapat kong malaman! " napasigaw ako, naiinis ako, nagagalit ako.

"A-ano b-bang.. "

"Hindi ikaw ang tunay kong ama, tama ba?! Totoo dba? " naiinis ako, ayaw nya pa sabihin sakin ang totoo.

"Anak kita." sabi nya. Sinungaling.

"Ang galing mo namang magsinungaling , pinaniwala mo ako sa kasinungalingan, ginawa mo kong tanga, anong klase kang ama? NAPAKAWALA MONG KWENTA! " naramdaman ko nalang na umiiyak ako, sa emosyong nararamdaman ko pati sa pagsampal nya sakin.

"wala kang alam sa pinagdaanan ko, Wala! oo hindi ako ang tatay mo , kinuha kita para maghiganti sa mga magulang mo! mga magulang mo na pumatay sa magina ko!" sabi nya.

wala akong maintindihan sa nakaraan na yon, naiinis ako sa tunay kong magulang dahil ginawa nila yun, naiinis rin ako sa taong nagpalaki sakin dahil nagawa nya ang bagay na to, kinuha nya ang dapat na meron ako, dapat nararanasan ko, ninakaw nya ang mga pagkakataong dapat ang tunay na magulang ko ang kasama ko.

"Wala akong naiintindihan, Gusto ko malaman ang lahat. Pupuntahan ko sila." aalis na sana ako ng hawakan nya ang braso ko.

"Hindi ba ako naman ang nagpalaki sayo? Minahal kita bilang sariling anak ko, nagbago ako at minahal kita." sabi nya habang umiiyak , totoo ang sinabi nya, nabuhay ako ng wala akong tunay kong magulang, pinalaki nya ako sa maayos na paraan pero parati kong tinatanong parang may kulang, kala ko ina lang ang hinahanap ko, yun pala, pagmamahal ng tunay na magulang. 

"Alam ko yon, pero hindi padin nagbago ang sakit dito" sabi ko at tinuro ang puso ko. "Pinaasa mo ko, binuhay mo ko sa kasinungalingan. Gusto ko makilala ang tunay kong magulang, Gusto ko malinawagan."

nakita ko na nagbago ang timpla ng muka nya, kinabahan ako bigla. "Lapastangan ka! hindi mo sila kailangan dito ka lang! Dito! Nabuhay ka ng wala sila!" natatakot ako.

"Bitawan mo ko!" hinablot ko ang kamay ko at patakbo na sana ng may maramdaman ako sa ulo ko, masakit... dugo? nahihilo ako, umiikot ang paligid pero bago ko ipikit ang mga mata ko, narinig ko ang mga sasakyan ng pulis at si tito na sumigaw na sumuko na si fernando. Ang tunay kong ama ay dumating para iligtas ako.

--

weheheh. sige ang oa ng story :v walang wenta -.-v peace guys!

Luhan's Long Lost SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon