Part 41

1.7K 55 7
                                    


Eljaey's Pov


Nanlaki ang mata ko sa nasabi ko. hindi ko rin inaasahan na masasabi ko yun. Tinalukuran ko sya at nagsimula na kong maglakad ng bigla nya kong niyakap sa likuran ko. pinatong nya ang mahaba nyang baba sa balikat ko. napayuko ako. kumikirot ang dibdib ko. hindi normal sakin yung pakiramdam na to. Parang literal na sinusuntok yung puso ko.

" I came back for you. Just because of you babe. Please give it a try. Ple-Please. Let's make this thing work " sabi nya mula sa likuran ko, unti unti kong nararamdaman na namamasa ang balikat ko. umiiyak nanaman sya.  Kris, may mas deserving sayo. please wag mong gawin to.

"Kung sinabi mo sakin yan dati palang, siguro masaya na tayo ngayon pero hindi eh. You're too damn selfish! iniwan mo ko ng walang sapat na dahilan!" kinalas ko yung yakap nya sakin at hinarap sya. "Please wag mong gawin to. Hindi ikaw to. You're more than this." pinunasan ko yung luha nya pero patuloy parin ang agos non.

"This is what love has done to me. It makes me really stupid. wag mo kong iwan, mababaliw ako." sabi nya at hinalikan ang kamay ko.

" I know na makikilala mo ang taong para sayo and if that day happens, Ako ang unang taong magiging masaya para sayo." sabi ko. wala na kong nararamdaman sakanya ngayon kung hindi awa. ayoko syang paasahin o bigyan ng mga bagay na pwede nyang panghawakan para umasa sya sakin. Sisisihin ko ang sarili ko pag nangyari yun. Nagulat ako ng pinagsusuntok nya ang puno sa tabi namin. 

"Kris tigilan mo yan!" pinilit kong bawiin ang kamay nya. nag pa-panick na ko! kinakabahan ako. nakikita ko yung dugong tumutulo sa kamay nya habang pinagsusuntok nya ang puno."Kris!!" tinulak ko sya ng malakas.


hingal na hingal sya nung ntapos nyang pagsasapakin ang puno. pumunit ako ng piraso ng tela sa damit ko at unti unting lumapit sakanya. "kris" malumanay na sabi ko. inabot ko ang kamay nya at tinali ang tela doon para maiwasan ang pag dugo.

"Si kai ang dahilan diba?" umangat ang tingin ko sakanya. anong kinalaman ni kai dito?

"Anong sinasabi mo?" sabi ko at pinagpatuloy nalang ang pagaayos sa sugat nya.

"Si kai ang dahilan kung bakit hindi mo na ako mahal" sabi nya at nakatingin sa mga mata ko. nagiwas ako ng tingin. hindi ko rin kasi alam ang sasabihin. kahit sarili ko hindi ko maintindihan.
"sht hahaha" yun lang yung sinabi nya at tumakbo palayo.


inantay ko syang mawala sa paningin ko bago ako bumalik sa sasakyan ni kai.

"Ayos ka lang ba?" salubong sakin ni kai. napatingin ako sa nagaalalang muka nya. Mahal ko nga ba tong lalaking to? Kaya ba nawala ang pagmamahal ko kay kris dahil nabaling ang atensyon ko sa uling nato? anuba! hindi ko alam.

"ayos lang. tara uwi na tayo" sabi ko at nauna nang pumasok sa sasakyan.

Maya maya pa ay umandar na ang sasakyan. tahimik lang akong nakamasid sa labas ng bintana. nagflashback sakin ang muka ni kris habang umiiyak. aish. di naman siguro nya papabayaan ang sarili nya.  Alam kong magiging okay sya. Sya pa ba?

Napansin ko nalang na naharangan na ng punting pader ang tanawin sa labas. asan ba kame? tumingin ako sa harap at nakita kong nasa drive thru kami ng Mcdonald. "Anong ginagawa natin dito?" tanong ko kay kai.

Ngumiti lang sya sabay sabing "Malungkot ka kase. eh alam ko namang pagkain lang katapat mo. Hahahaha" ay loko! hahaha.

"Ayos ka ah! Pero tama naman eh hahaha" sabi ko at tila excited na inaantay ang inorder nyang fries , sunday , chicken burger at spaghetti. Ang heaven lang ♥♥

"Oh ayan na! para kang bata dyan" sabi nya at nilapag ang mga fuds. omy!! Ayos to

"Thankyouuuuuuuuuuuuu! asdfghjkl!!! " nilantakan ko na ang mga pagkain. haynako. magkakasundo kami ni kai pag pagkain ang usapan. una kong nilantakan yung fries saka sundae. baka kase matunaw yung sundae. sinawsaw ko yung fries sa sundae. Heaveeeeeeeeen!!!

tumagilid ako at pinagsisipa ang braso ni kai. natutuwa kase ako ng sobra. "Hoy hoy! nag dadrive ako" reklamo nya, inirapan ko lang sya at tinawanan.

Gustong gusto ko talaga kumakain lalo na kapag malungkot ako. Kesa mamroblema ako, idadaan ko nalang sa pagkain. o diba! "ay oo nga pala! nabalitaan ko may restaurant daw yung pamilya ni Chanyeolieee. try natin minsan dun ha! Mesherep dew den" sabi ko at kumain ng kumain ulit.

"Pagkain nanaman! di mo pa nga ubos yan, pagkain nanaman ang nasa isip mo? nabubusog ka ba ha?" sabi nya at tila nag galit galitan. tawa naman ako ng tawa sakanya.

"hoy ano di ka ba marunong makiramdam? kanina ka pa kain ng kain tas di mo man lang ako subuan!" sabi nya gamit ang maarteng boses.

"Eh nako naman. may kamay ka naman! Cant u see i'm busyyyyyyyyyyyyy" sabi ko sabay halakha, natawa rin naman sya. para daw akong mangkukulam tumawa.

"nag da drive ako oh! subuan mo na ko dali!!" sabi nya. aba galing naman nya. bahala sya dyan. nag pretend ako na walang naririnig.

"la la la la" pangaasar ko pa.

Wala syang nagawa kundi iparada muna yung sasakyan sa gilid at kumain. baka ubusin ko pa daw pati yung kanya eh! grabe sya noh? napaka prangka. buti nga kumakain pa ko eh kesa naman nagmumukmok. hehe. natawa nalang ulit ako.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa bahay. sinalubong kami ng nagaalala kong kuya at papa.

"San kayo galing ha! ikaw na Magandang babae ka! di ka pa man din magaling gala ka na ng gala" sabi ni kuya at turo pa ng turo sakin. si papa naman tahimik lang at hinahayaan si kuyang magsalita.

"hay nako kuya. daig mo pa si papa ah. ikaw nalang kaya tatay ko?" sabi ko at humalkhak

"aba tinatawanan mo pa ko?! Galing mo ah ! hindi mo ba ---" bago pa magbunganga ang nanay ko este kuya ko sinabi ko na kung san ako ng galing

"Galing ako sa puntod ni mama" lumuhod ako at hinubad ko ang suot kong sandals . Opsssss! nasabi ko pala. daldal ko talga. dahan dahan ako tumayo at tinignan ang reaksyon nila. nakanganga silang dalawa.

"Alam mo na?" tanong ni papa. wala na naman sigurong sense kung magsisinungaling pa ko

"opo. don't worry kanina lang po ako galit. ngayon hindi na" sabi ko at ngumiti. sinamaan ni kuya ng tingin si kai at si kai naman ay tinaas ang kamay nya tandang sumusuko na sya. "walang kinalaman si kai! alam ko na kagabi pa. Hindi nya sinabi sakin yun. Wag nyo po sya pagalitan" sabi ko kagad. mamaya sapakin nila si kai eh. buti sana kung maputi okay pa eh, mamaya magkapasa yan sa muka. ang itim na nga edi mas lalo pang iitim joke hahaha.

"We're very sorry anak. Naghahanap lang kami ng tyempo pero maniwala ka, hindi naman ginustong itago sayo" sabi ni papa

"okay lang po yun." sabi ko

"GROUP HUGG!" sigaw ni kai at nag form na kami ng bilog para mag group hug. feeling din neto ni kai eh ahhaha.


------------

Hi joannadimasaca92 @Dark_Princessss @lovelypink_Kisha @red_fierce @silverqueen15 @haeunn . natuwa nman ako  ♥hahaha keep supporting labyuu all.

Note: tungkol po sa new story ko. About vampires nalang po sya. you know baliw po kase ako hehe







Luhan's Long Lost SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon