Part 47

1.2K 55 5
                                    

Boring update. bawe nalang ako guys next time


Eljaey's Pov


Nangingilid ang luha ko, akmang ipupulupot ko na ang mga braso ko sa beywang nya ng naramdaman kong may humila sakin.

"Uhhh. I think hinahanap ka ng 'Boyfriend' mo" Aniya sabay turo kay kai na kasalukuyang nag tetext sakanyang cellphone.

Syempre hindi ako manhid, alam kong gusto niya ako paalisin roon kaya tinanguan ko siya at sinunod ang gusto niya. Lumapit ako kay kai sabay upo sa katapat na upuan niya

"Hi" bati ko , nakangiti niya akong tinignan.

"Hello" tumatangong saad niya.

"Ayieeee. Talking to?" tanong ko sabay kindat sakanya. napalakas ata ang sinabi ko dahil napatanong si Kyungsoo kung sino iyon at kung bakit ako nag 'ayieee'.

Agad akong niyakap ni kai habang nanginginig ang kamay "Wala yon! Haha. Selosa talaga ng baby ko" napailing nalang si kyungsoo at umalis, pagtalikod naman niya ay siya ring pag bugtong hininga ni kai.

"Be careful" banta niya. nag peace sign naman ako sakanya.

"Aren't they sweet?" ani ni marie sa likod. Napatingin ako sakanya at nakasalubong ko ang mga matatalim na titig ni kris. napalunok ako.

"Gustong niyang makipagkita" nabaling ang atensyon ko sa bumulong na si kai.

"Ngayon mismo?"

"Oo" napakagat labi siya. "Gustong gusto ko na nga siya makita eh"

Tinanguan ko siya "Tara, samahan ko kayo"

"Eh eljaey, alam kong gusto mo siyang kausapin at saka---" pinutol ko ang sasabihin niya

"Next time nalang. Tara makipagkita ka na sakanya. Sasamahan kita para di kayo mahalata" hinila ko siya patayo, nagthankyou siya sakin at tinanguan ko siya.

Habang papalapit kami kai kay kuya upang magpaalam ay nararamdaman kong may matalim na nakatitig sakin, hindi na ko magtatangkang lumingon dahil alam ko na naman kung sino iyon.

"Kuya" tawag pansin ko kay kuya luhan na kasalukuyang nakikipagtawanan

"Oh lilsis?" tanong niya sabay akbay sa akin.

"Uhm, alis na kami ni kai. May lakad pa kami eh"

"Nangangamoy date!" halakhak ni Chanyeol, napailing nalang ako.

"Kayo ha, sige na. lumakad na kayo" ani kuya sabay halik sa pisnge ko. tuluyan na kong umalis

Ngayon magpapaalam na kami kina marie, kinakabahan ako. Kung para sa akin lang ay ayokong mag paalam pa sakanila ngunit magmumuka akong bastos pag ginawa ko iyon.

Biglang nagpapawis ang mga kamay ko. Napailing ako ng makitang naka kandong si marie sa hita ni kris. Bakit ba kasi dito pa sila nag ganyan? ng maaninag ako ni kris na papalapit ay pinulupot niya ang mga braso niya sa bewang ng kanyang girlfriend. Napapikit ako.

"Hey" ani kai na dahilan ng pag dilat ko, nginitian ko lamang siya.

Ng nasa harap na kami ng dalawa ay natutop ang mga dila ko, biglang gusto ko nalang tumakbo at wag ng magsalita. Titig na titig lamang sakin si Kris, na miss ko ang mga titig na iyon. Gustong gusto kong tumakbo at yakapin siya ng mahigpit.

I hate him for leaving me twice but i love him for coming back.

"Ahm yes?" putol ni marie sa pagiisip ko.

"Magpapaalam lang sana kami, may lakad pa kami eh" si kai nalang ang nagsalita, napatingin na lamang ako sa sahig.

"San ka pupunta, eljaey?" biglang tanong ni kris, natuon sa kanya ang mga titig ko.

"Ah, eh.. may lakad kami ni kai" naghanap ako ng maidadahilan "Si kai ang mag de-desisyon. surprise daw"

napatingin siya saglit kay kai at suminghap "Hindi ba pwedeng sumama?"

Nalaglag ang panga ko at napatingin sakanya. Seryosong seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko. Paano niya nasasabi iyon sa harap ng girlfriend niya? nablangko ang isip ko

"Kris!" suway ni marie na nagpabalik sa ulirat naming tatlo. "That's rude. Party mo ito tas aalis ka?!" aniya sabay pasada ng tingin sakin sabay ikot ng mga mata.

"Oo nga" pag sang ayon ko naman.

"Let me hug you then? Aalis na naman kayo eh"

"Yifan" pagbabanta ni marie

"I think we need to go" ani kai sabay hawak sa mga braso ko sabay hila sa akin paalis

"What's that, yifan?!" biglang bulyaw ni marie hindi pa man din kami nakakaalis

"What?" pagwalang kibo niya "I just missed her" kibit balikat niya.

Gusto kong takpan na lamang ang bibig ni kris. Nararamdamn ko na sobra ng nasasaktan si marie pero mali siya sa pag kumpronta kay kris sa ganitong lugar. dapat kung kakausapin niya ito ay sa lugar na silang dalawa lang.

"That's bullshit kris!" nanginginig ang boses ni marie, mabuti nalang at malapit na kami ni kai sa pintuan.

"She's a...." putol ni kris na tila naghahanap ng tamang word doon. huminto ako saglit upang marinig iyon kahit pa panay ang hila sakin ni kai. ".. she's like sister to me"

Luhan's Long Lost SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon