Part 34 - Moving On

1.9K 83 18
                                    


Luhan's Pov

ngayon ang huling araw nya. ngayon na siya ililibing. 


tumingin ako sa lahat ng tao na naririto ngayon, bakas sa muka nila ang lungkot.
napakasama ng pakiramdam ko, hindi ko kayang makita syang ililibing na. umalis

na ako kahit nagsasalita pa ang pari. di ko kasi tlga kaya.


pumunta ako sa kotse ko na nakaparada. binuksan ko na ang makina at ang bintana,
kahit malayo natatanaw ko padin sila, nagtatapon na sila ng mga bulaklak sa kabaong.
umiling ako at pinatakbo na ang kotse.


drive lang ako ng drive. di ko alam kung san ako pupunta.  hanggang sa mapadpad ako sa tabing ilog.
wala masyadong tao at malamig ang simoy ng hangin, naghanap ako ng ilang maliliit na bato at umupo na sa tabing ilog. ang payapa tignan ng ilog nato, napakalinis,napakatahimik, napakaganda.


kumuha ako ng isang bato, pinakatitigan ko ito.

"AHHHH" 
buong pwersa kong binato yung bato sa ilog. mejo gumaan ang pakiramdam ko. humawak ako sa tuhod ko at kumuka pa ng pwersa dahil hinihingal ako. dumampot ulit ako ng isang bato


"NAPAKADAYA MO! SABI MO MABUBUO TAYO E! SABI MO BABAWI KA SAKANYA EH! BAKIT
MO KAMI INIWAN? BAKET!? WAHHHH"
binato ko ng napakalakas ang batong iyon at pinagmasdan ko kung paano sya lumubog sa tubig.
unti unti naring tumutulo ang likido sa mata ko. umiiyak na pala ako.


Hindi ko alam ang buong nangyari basta sumigaw lang ako ng sumigaw at pinagbabato ang bato . 

buti wala masyadong tao kundi iisipin nilang baliw ako, salamat dahil walang media dahil alam kong
maling storya nanaman ang mababasa at makikita ko.


ilang oras din akong nandun , nahimasmasan lang ako ng naramdaman kong nag vibrate ang phone ko sa bulsa ko.


From: Papa

Nak nasan ka na? nakauwi na kami. 

-end of convo-


tumayo ako at parang zombie na naglakad sa sasakyan ko, pumunta ulit ako sa seminteryo, gusto ko magkaroon ng oras saming dalawa.


--


pagdating ko umupo ako sa damuhan, pinagpag ko gamit ang kamay ko ang unting alikabok. umupo ako sa tapat ng puntod nya.


_____________________________

                    Rest In Peace

                  Julienne Lee

September 4 1989- August 8 2015

______________________________


hindi kinaya ng puso ni mama ang nangyayari. nawala sya namatay sya. nararamdaman ko nanaman ang likido na tumutulo mula sa mata ko.

"ma ang unfair mo. sabi mo mabubuo pa tayo eh" nakakabakla pakinggan. humihikbi na ko ngayon.

"sabi mo babawi ka sakanya, pero bat nawala ka? ma wag kang maalala." pinunsan ko ang luha ko gamit ang kamay ko. 

"aalagaan ko ang kapatid ko. ma wala ka man sa tabi namin, bantayan mo kami. alam kong mahal na mahal mo kami, at mamahalin karin namin. ikaw ang unang babae sa buhay ko ma. 

i love you"  

ilang sandali pa akong nagsasalita magisa don at napagpasyahan ko ng pumuntang hospital at puntahan ang kapatid ko. 

Luhan's Long Lost SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon