Part 43

1.2K 52 3
                                    



After 2 years

Kris Pov

Pinasadahan ko ng tingin ang lugar na ito at namangha sa pagbabago niyon. Makalipas ang dalawang taon ay maraming pinagbago ang Pilipinas pero sadyang mainit parin

"Sir? Ready na po yung sasakyan" tinanguan ko ang butler ko at sinundan sya papunta sa sasakyan.

"Sir, sa mansion nyo po ba tayo didiretso?" tanong ng driver. umiling ako.

"diretso tayo sa condo ng girlfriend ko" saad ko at tinangal ang coat na suot ko. 

Nasa airport palang kami ay sobra na ang traffic, matatagalan kami kaya umidlip muna ako. 

--

"Sir, andito na po tayo" pag gising sakin ng driver, inayos na ang sarili ko at lumabas. 

"Ihatid mo nalang sa bahay ko yung mga gamit" saad ko at naglakad na papuntang condo 

Touch of blue ang building na ito ngunit halatang luxury at high class ang pagkakagawa. High class na tao lang ang mga pwedeng bumili ng units dito dahil pinapanatili nila ang magandang reputasyon ng building na ito

Nasa tapat ako ng elevator at pinindot ito. hinintay ko ang pagbukas nito at tumingin sa orasan ko. 2 pm. Siguradong nandito pa ang girlfriend ko

'Ting' tunog ng pagbukas ng elevator.

Dali dali akong pumasok , buti nalang ay walang tao. 

Tinawagan ko ang butler ko para mag pa deliver sa condo. Nagugutom narin kasi ako. Tumagilid ako ng bumukas ang elevator. 

Eljaey's Pov

I'm wearing a short shorts and sleeveless. 

Sinarado ko  ang pintuan ng condo ko at sinuot ang vanz ko. Biglang nag vibrate ang phone sa bulsa ko, binuksan ko ito. Si kai, dali dali ko itong sinagot. 

"Yes kai?" bungad ko

"San ka?" tanong nya, naglakad ako papuntang elevator, balak ko sanang mag Grocery at mag breakfast narin sa labas

"May pupuntahan ako" sabi ko at chineck ang laman ng wallet ko habang pinindot ang ground floor

"Hindi kita mahahatid ah? Alam mo na may pupuntahan ako hihi"  napatawa ako sakanya at saktong bumukas ang elevator, pumasok na ako. 

"Sge. mag ingat ha? I love you!" saad ko at binaba na ang call. Nagdaka ako kung bakit isang libo lang ang nasa wallet ko, paano ako mag go-grocery nito? haish. Buti nalang dala ko yung credit card ni kuya luhan, mag wi-withdraw nalang siguro ako. Di nya naman malalaman ey haha. 

Napansin kong tahimik ang katabi ko sa elevator. Para syang familiar? SInilip ko sya ngunit umiwas lang sya kaya di ko nalang sya pinansin. Baka sabihin nya feeling close ako eh.

'Ting'  

Tunog ng pagkadating sa 11th floor. May naglulundag na magandang babae sa labas nito, siguradong kakilala ito ng lalaking katabi ko

"Oh Gawd! I really miss you kris!" saad nya at niyakap yung lalaki pagkalabas nito. 

Napangiti ako sakanila, napaka sweet!  Kris? bigla ko tuloy na miss si Yifan. Kamusta na kaya sya? 

Napatingin ako sa dalawang magkasintahan, tila magsasara na ang elevator. Lumingon sakin ang nakatalikod na lalaki. Parang pamilyar sya sakin.. Teka? 

"KRIS?" nanlaki ang mata ko at akmang lalabas ng biglang nagsara ang pintuan. 

Si kris nga



Luhan's Long Lost SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon