Hmp. GM lang pala ng president ng section na pinapasukan ko.


[Dear Classmates. Sa lahat po ng officers ng classroom, inaasahan po ni Ma’am Chloe na pupunta tayo ngayon sa dress rehearsal ni Sir Rye. Regarding daw po ‘to sa gagawing competition ng mga professors. 10:00am. Room #7 sa building malapit sa Hall. CC: Ate Bek. (Kasama ka raw po sabi ni Ma’am) ]

Arghh. Isinama niya ba ako sa mga committee para tumulong sa mga candidate? Ayoko nga munang makita ‘yung boyfriend kong malabo pa sa plastic pakisamahan. Nakakainis. Anong gusto niyang palabasin? Imposible namang tulungan niya kaming maging okay ‘di ba? Tch.

Bago ako bumaba, naligo na muna ako at nagbihis. Dinala ko ang shoulder bag ko. Tinapon ko na lang sa loob nito lahat ng survival kit ko para sa isang araw. Kasama na ang wallet, pulbos, at suklay ko. Fine. Pati earphones na nga.

“Ma, kailangan ko palang pumunta ng school. Emergency raw,” paalam ko kay Mama. Nakasuot siya ng apron. Kulay green. Ayoko ng green. Wala lang.

“Go lang ‘nak. Mag-aalmusal ka pa ba?” tanong ni Mama habang hawak pa rin niya ‘yung sandok habang kinakausap ako.

“Hindi na po siguro. Sa school na lang, Ma,” sagot ko habang sinisintasan ko naman ang sapatos ko.

***

Hinanap ko na ‘yung Room #7 na sinasabi nila. As usual, maraming tao sa labas ng pinto na ‘yon. Sa Room #6 naman, marami rin namang nagbabantay. Teka, tuluyan na bang huminto ang mundo ng akademya para sa paligsahang ‘to? Ay nako ha.

“Ate, bili ka na ng ticket para kay Sir Rye. Pramis. Hindi ka magsisisi,” sabi ng isang babaeng nag-aabang malapit sa Room #7.

“Ate. Bibili ka ba o aabangan kita mamaya sa labas?” teka. Nag-aalok pa ba siya o nananakot na?

“Ate. Puh-lease. Buy na po you ng ticket. Para this kay Sir Rye. Muwah. Thanks a lot in advance! Thanks a million too!” sabi naman ng isang babaeng panay ang pa-cute sa harapan ko.

Asan na ba ‘yung bwisit na Chloe at mga officers ng section na ineepalan ko. Kainis. Sanay na kong maraming nag-aabang kay Rye. Pero, ‘yung ganito ang hindi ko in-expect. Parang labanan at finals ng basketball lang eh.

“Tabi nga. Ang kukulit niyo,” sabi ko sa kanila. Medyo nilakasan ko para maangasan sila sa akin at iwanan na ko. Dumiretso na ako sa room na ‘yon. Bagamat ang hirap pumasok, siniksik ko na lang ang sarili ko para lang hindi madala ng human flood sa labas.

Pagpasok ko sa loob. Sandamakmak na damit ang nakita ko. Sandamakmak rin na kalandian ang humarap sa akin.

Nakita ko si Chloe na nakaharap kay Rye. Humahanap ng formal wear na babagay sa kanya. Sa totoo lang, may dalawa siyang hanger na hawak. May damit roon. Isang blue at yellow na longsleeves. Ang dami namang pwedeng gumawa no’n. Bakit siya pa? Argh.

“Ate Bek. Dito raw po tayo. Tayo raw naka-incharge gumawa ng sample questions para kay Sir Rye. Tayo raw magtatanong dahil sa estudyante raw po manggagaling ang itatanong sa mga contestants. Gawa ka na lang d’yan ng mga questions. Mamaya itatanong natin kay Sir,” sabi nang mukhang vice president ng classroom. Siya rin ‘yung sumalubong sakin nung first day ko sa kanila.

Binigyan niya ako ng isang yellow pad paper at isang gel pen. Sabihin niyo nga sa akin. Paano ko gagawa ng tanong kung ang nakikita ko ay ang pag-aayos ni Chloe ng damit ni Railey? Anong klaseng tanong ang magagawa ko kung nakikita kong si Chloe pa mismo ang gumagawa ng pagtitiklop sa damit niya? Sige nga.

Kinuha ko ang ballpen at nagsimulang magsulat.

“Kung mamamatay ka ngayon… Sana ngayon na lang.”

“Bakit may mga taong sadyang ipinanganak na malandi? Answer using your name.”

“Kung bibigyan pa kita ng chance mabuhay… Ay hindi na pala dapat!”

“Ate Bec… Excuse lang ha. Tanong ko lang po, kay Sir Rye niyo po ba tanong ‘yan o kay Ma’am Chloe na?” at nakingiti pa siya habang nagtatanong sa akin. Gusto ko ring mainis sa kanya. Pero wait, kay Chloe ko na lang ilalaan ‘yon.

“Gusto mo bang sa’yo ko na lang ‘to itanong?” sagot ko sa kanya. Wala kong time makipagbiruan.

“Ay ‘te. Hindi naman. Nagbibiro lang. hehe,” sabi niya.

“Good. ‘wag mo kong pakialamanan. Gagawa ako ng tanong kung kailan ko gusto.”

Tintingnan ko pa rin sila ngayon. Railey? Hindi mo ba ako nakikita? Kanina pa ako rito sa gilid. Kung pwede lang akong magtransform into ahas, tinuklaw ko na ‘yan babae sa harapan mo.

Aha. May naisip ako.

Tinawag ko si ateng natarayan ko kanina. Nagsorry muna ko tsaka ko nagtanong sa kanya. Nilakasan ko ‘yung boses ko. Yung tipong maririnig nilang dalawa.

“Girl. Alam ko na ‘yung ittanong ko para mamaya!” nagpapanggap akong excited. K dot.

Nagtataka siya ngayon sa harapan ko. Syempre, tinarayan ko ba naman kanina, tapos sabay kukwentuhan ko. Hahaha. Wala lang. “Ate, a-ano ‘yon?” nakakunot ang noo niya.

“Kung bibigyan kaya si Sir Rye na umamin ng favorite sin niya, ano iyon, at bakit?”

“Ate Bec. Hindi ba masyadong personal ‘yang tanong mo?”

“Nako. Ikaw talagang bata ka. Alin ba ang personal? ‘Yung tanong ko, o ‘yung paghaharutan nilang dalawa?”

Pagkatapos ng huling sentence ko. Narinig kong napa-ehem si Railey.

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon