Exception ❤️ 9 - The Confusion

Start from the beginning
                                        

"Hello." sagot ni Steff. Ang taray talaga nito.

Tumingin si Justin sa akin at nagbigay ng nakakalokang ngiti. Oo! As in nakakaloka! "Hello Jamie." Ommoyghod! Kinausap niya ako! Sheyt!

"Ah H-Hello J-Justin" Taeyan. Nauutal utal na ako kakakausap sa nilalang na to.

Tumawa nalang siya at pinapasok na kami sa loob ng kotse. Pagkatapos noon, naglakad na rin siya papunta sa driver's seat at pinaandar yung kotse.

Hindi ko man alam kung saang mall ba kami pupunta pero one thing's for sure. May kasama akong Greek God dito at si Medusa. Ay mali. Si Justin lang tsaka si Steff.

Tahimik ang buong byahe habang tumutugtog ang music ni Yeng Constantino "Siguro". Di ko alam kung bakit walang ni isang balak magsalita sa amin.

"We're here ladies." sabi ni Justin at bumaba na kaming lahat.

Dumeretso kami sa lugar kung saan konti ang kumakain pero halata ang kamahalan ng mga pagkain dito. "Caviar" pangalan palang ng restaurant mukhang sosyalin na.

Habang kumakain kami, ramdam ko ang patingin-tingin ni Justin sa akin. Not to be assuming pero nakakakilig at nakakapangisip din. Di tuloy ako makakain ng maayos nito, tae.

After namin kumain, na kung saan si Justin ang nag-alok magbayad ng lahat ng kinain namin, sumunod kami sa "People's Entertainment" at dumeretso sa sinehan.

Love Story ang palabas. Pangalan ng isang capital ng Spain ang palabas. Sinasabi nila na sikat daw ito kaya ito, papanuorin namin para malaman kung maganda nga.

"Bili lang pala ako ng ticket." sabi ni Justin.

"Ay teka, kukuha lang ako ng pambayad. Wait." tugon ko. Yung tipong kukuha na akong ng perang pambayad, pinigilan niya ako.

"No, it's my treat. Ako na magbabayad." ani niya.

"Ikaw na naman magbabayad?" nagsalita si Steff. "Diba ikaw na nanglibre kanina? Tsk. Bida bida." May kinuha siya sa purse niya. "Take this. Ako na magbabayad para sa amin ni Jamie." at inabot niya ang pera kay Justin.

Hala saglit! Ano ba nangyayari dito? May away ba? Warla ba dis?

Nakita ko ang pagyuko ni Justin ng kaniyang ulo at ang pagkadismaya. Pero inangat niya pa rin ang ulo niya at ngumiti. "Okay. Pero I'll pay for Jamie's ticket." binalik niya ang kalahit ng binigay ni Steff. Pero bakit? May pambayad naman ako ah! May utang ba siya sakin?

Alis ka kaya muna ako? "Ah guys, bibili lang pala ako ng snacks." sabi ko.

Agad naman silang tumango at pumayag kaya umalis na ako dun sa kanila. Masyado na silang ganern. Pero bakit kasi ang taray ni Steff ngayon? May PMS ba talaga siya? Hay nako po.

Habang bumibili ako ng popcorn at softdrinks, inihanda ko na ang pera ko na dapat yung pangsine ko.

Actually, ito lang talaga dala kong pera. Taghirap ako ngayon bes. Buti na nga lang libre ako ngayon ni Justin eh! Crush niya yata ako?

Haha. Asa pa ako. May iba na siyang gusto. Hayst, kaya sa "Forever Single" lang ako naniniwala eh.

Nang pabalik na ako sa dalawa, bigla na lang ako nakaramdam ng bangga sa tagiliran ko na ang naging dahilan ng pagkalaglag ng halos 1/4 ng popcorn ko! Oo! Kahit quarter lang yan malaking halaga na yan sakin! Pagkain pa rin yan bes!

"Oh. I'm sor—" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko, halos himatayin ako sa gulat.

Napatingin din siya sa akin. "Oh. I apologize for being clumsy again." aniya. "Well, I'm really sorry for the popcorn but I really need to go right now. Bye and I'm sorry again." at tuluyan na siyang umalis.

Matapos na siyang mawala sa paningin ko, akmang bumalik sa isip ko lahat ng nangyari saming dalawa. Iba't ibang salita ang pumapasok sa utak ko pero iisang boses lang lahat.

"I miss you"
"Kain tayo sa labas."
"Sunduin na ba kita?"
"Hintayin kita mamayang uwian."
"May ibibigay ako sayo mamaya."
"Message mo ako kapag nakauwi ka na ha."
"I love you."

Kasabay ng mga salitang to ang pagdilim ng isip ko at ang pagsakit ng ulo pero nilabanan ko pa rin iyon at binalewala. Alam ko may ipinapainom sa akin yung doctor ko matagal na.

At kung sakaling may maramdaman man ako nito, ay bumili nalang ako at inumin. Pero hayaan na natin. Kaya ko naman to.

Ngunit tama ba ang iniisip ko? Siya kaya yun? Siya ba talaga yun?

Halos nakamighty glue na tong mga paa ko sa sahig sa tulala. At maluluwa narin tong mga mata ko sa sobrang gulat. Hindi na rin yata gumagana ang buong sistema ko. At halos ang pagikot ng mundo ay tumigil na rin. Nalilito na ako.

Pero pagdaan ng ilang segundo ng pagiisip, doon ko lang nasagot ang mga katanungan ko kanina. Malinaw na sakin lahat. Alam ko na. Bakit siya nandito?

Bakit ka bumalik Mike?

END OF FLASHBACK

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now